27/03/2023
"Nahanap ko na"
Zcsian Mae Lorenzo ang aking tunay na pangalan pero mas sanay akong tawagin na Zii dahil ito na ang aking nakagisnan na tawag saakin ng aking mga magulang at dahil mas madali raw bigkasin. Ako'y 20 taong gulang na at ilang buwan na lamang ay makakapagtapos na ako sa kolehiyo. Taga Maynila kami sa Caloocan. Isang simpleng babae lamang ako at isa rin sa mga magaling sa klase. Tuwing lalabas ang barkada, lagi nilang hawak ang kani-kanilang selpon na kung saan lagi nilang kateks ang kanilang mga kasintahan at ako naman, wala lang. Nakikipagkuwentohan na lamang sa kanila dahil wala naman akong kateks e. Minsan nga nagiging third wheel na ako pag lumalabas kami ng aking kaibigan kasama ang kanyang kasintahan. At kung may hindi sila pagkakaunawaan ng kanilang kasintahan, ako ang kanilang sandalan at tagapayo. Oo, saakin pa sila humingi ng payo na kung saan wala naman akong boyfriend. Ewan ko nga rin e, pero ang sabi nila, magaling daw ako mag advise na tila ba may naging jowa nako. Dahil na sig**o sa aking mga observasyon sa isang relasyon. Gaya nga ng sinabi ko, ako lagi ang pinagsasabihan nila ng kanilang problema kaya naman alam ko na kung paano sila aliwin at payuhan. Isang dahilan din ito kaya natatakot akong pumasok sa isang relasyon.
"Hoy ziii wala kabang balak na mag boyfriend?" "Ikaw nalang single sa ating magbabarkada oh" "tatandang dalaga kana ata e" "andaming nagkakagusto sa'yo pero binabalewala mo lang" yan ang laging sinasabi ng aking mga kaibigan sa akin pati na rin ang mga pinsan ko. Sadyang ayaw ko lang na pumasok sa isang relasyon dahil nakikita ko kung paano masaktan ang aking mga kaibigan at ayaw kong mangyare 'yon saakin.
Isang araw, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan na subukang gumamit ng isang app sa internet na tinatawag na Neargroup. Ito'y isang app na kung saan makikipag chat ka sa isang taong hindi mo kilala at hindi niya alam ang iyong pangalan maliban nalang kung sasabihin mo. Dahil na rin sa nababagot ako, at wala naman akong ginagawa kaya naman sinubukan ko ito. "You are connected to a guy age 19-21" sabi ng app. Hindi ako naghahanap ng isang lalaking magpapatibok sa aking puso ang gusto ko lang ay makipag-usap at makapaglibang.
"Hi" sabi ng lalaking binigay ng app na kachat ko. Puwede mo siyang i end kung ayaw mo ang kachat o boring siya o bastos.
"Hello po" tugon ko naman na umaasang sana ito ay matino. Nagreply naman siya kaagad ng "Ilang taon kana po?"
"20 na po kuya" sagot ko sa kanyang tanung.
"Ay hala parehas pala tayo a. Graduating ka na rin ba?" Tanong niya ule.
"Hahahaha 20 ka na rin pala. Ay oo, sana, sa awa ng Diyos hihihi" tugon ko naman.
Nagtuloy tuloy ang aming pag-uusap na tila ba kami ay matagal nang magkakilala at sa di inaasahan ay magkasundo kami sa mga bagay bagay. Hindi ko inakala na hahaba ang aming pag-uusap dahil ang akala ko ito'y isang libangan lamang. Tawagin ko nalamang daw siyang Ron. Hindi na ako nakapagreply pa sa kanyang huling chat dahil ako ay nakatulog na at di rin ako sanay na makipagpuyatan. Alam n'yo naman, single ang lola n'yo di uso puyat hahaha.
Kinaumagahan, inaakala kong in end na niya ang aming pag-uusap. Akala ko lang pala. At sa pagbukas ko ng kanyang mensahe ay isang "magandang umaga sa'yo zii ingat ka ha" ang bumungad sa akin. Hindi ko maiwasang ngumiti. Ganito pala ang pakiramdam pag may bumabati sa'yo. Ang buong akala ko ay isa siya sa mga taong i eend na pag dina nagreply at wala naman akong balak na ipagpatuloy pa sana ang aming pag-uusap.
"Magandang umaga rin Ron hahahaha sorry natulugan na kita kagabi" sagot ko sa kanyang mensahe. At agad naman itong sumagot.
"Hahahaha okay lang buti nga nagreply ka e. Hinihintay ko nga reply mo akala ko di kana sasagot pa at natuwa naman ako at sumagot ka" sabi niya.
"Sorry talaga hahahaha buong akala ko in end mo na ha. Bakit hindi mo in end?" Tugon ko.
"Bakit ko naman gagawin? E ang suwerte ko nga e at binigay ka ng app sakin. Kakaiba ka sa lahat ng nakausap ko rito" agad niyang sagot.
"Ay hala ganun ba? Sa totoo lang ako rin e hahahaha ikaw din yung matino na nakausap ko rito" sagot ko naman.
"Maari bang kunin ko ang numero ng iyong selpon? Para kung sakaling ma end 'to e may communication parin tayo" pagmamakausap niya. E ako naman, wala naman akong pake kung maend to. Oo, isa siya sa matinong lalaki na nakausap ko pero hindi ko naman siya lubos na kilala kaya ang sabi ko na lamang, "hahaha hindi na. Okay lang na hanggang dito nalang tayo sa chat"
"Ay ganun ba? Sige kung yan ang gusto mo basta wag mo i end ha?" Pagmamakausap niya ulit. "Oo wag ka mag-alala" sabi ko na lamang. Ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang klase kaya nama'y pinatay ko na ang aking data. Kasama ko ang aking mga kaibigan at kasama nila ang kanilang mga kasintahan. "Hoooy zii ano na? Poreber single na?" Tawanan silang lahat pati na rin ako nakitawa na. "Maghintay ka lang troy hahahahahaha wag atat kasi" tuloy ang kuwentohan, tawanan ng barkad. Maya maya, nag kuliling na ito'y hudyat na lahat bg estudyante ay magsipasok na sa kani-kanilang silid-aralan. Wala pa ang aming g**o kaya maingay ang klase. May nagkakantahan at tumutugtog ng gitara, nagkukwentohan, tawanan. Ako naman, nagseselpon, inopen ko ang aking data at ang bumungad agad ay ang chat ni Ron.
"Hi Zii kamusta?"
"Hello. Maayos naman haha magsisimula na klase e. Chat kita maya" sagot ko, kasi biglang dumating na ang aming g**o kaya nama'y diko na nabasa kung ano pa ang sinabi ni Ron. Nakakainip ang sabjek na 'to kaya naman halos lahat ng klase ay nakayuko na. Ako naman, nagpipigil ng antok. Ilang minuto na lamang ay time na. Tuloy parin sa pagsasalita ng aming g**o at ang mga kaibigan at kaklase ko nama'y tuluyan ng bumagsak at nakatulog na. Hanggang sa nagkuliling na at natapos na ang klase. Nagsilabasan na kami. Habang kami'y naglalakad, hawak ko ang aking selpon at binuksan ang data at tinignan ang chat ni Ron. "Kakatapos klase ko. Ingat ka diyan at mag ingat ka" sabi niya. Habang naglalakad kami ay hawak ko ang aking selpon na tila nanibago ang aking mga kaibigan. Tuloy parin ang pag-uusap namin ni Ron sa chat. "Hoy Zii ano yan? Aba naman may kateks siya hahahaha" tugon ng isa sa aking kaibigan. "Wag mong sabihin may boypren kana ha? Ikaw ha naglilihim kana" sabi naman nung isa.
"Hahahahaha ano ba kayo wala to nu. Di uso boyfren nu?" Sagot ko sakanila at nagtawanan at kanyawan nanaman kami. Ng matapos ang klase, dumiretso nako umuwi sa bahay at nagpahinga dahil madaming mga pinapagawa ang aming g**o dahil malapit na ang finals.
Sa kalagitnaan ng aking pag-aaral ay biglang nagchat si Ron sa akin.
"Hi Zii nag-aaral kapa ba? Kakatapos ko mag-aral. Gusto ko lang sabihin na sa sabado ay pupunta kami sa Maynila kasama family ko. Diba taga Maynila ka? Sana magkita tayo hihi"
Umaga ko na nareplayan ang kanyang mensahe. "Ay oh? Waaaw naman. Bakit hindi?" Sabi ko na lamang. Diko maipaliwanag ang nararamdaman ko tuwing kausap ko siya. Tila ba hindi kumpleto ang araw ko pag hindi siya nagchachat sakin. Halos kasi oras oras minu-minuto ay nakakachat ko siya. Nasanay na rin ako na lagi ko siyang kausap. Bumaba nako sa aking kuwarto at papunta na sa kusina para kumain ng pang umagahan sakto naman kakatapos mag luto ni mama. "Good morning ma" sabay halik sa pisngi. "Asan si dad?" Tanong ko. "Nauna na anak maaga sila ngayon sa opisina nila dahil madami silang tinatapos" sagot ni mama.
Habang ako'y kumakain, bigla ulit nagsalita si mama. "Nak, agahan mo umuwi ha samahan moko pumunta ng grocery. Bibisita si Tita Mae mo" pahabol ni mama. "Halaaaa? Talaga ma? Sige po" nagulat at may kasamang tuwa sa nalaman ko. Si tita Mae ang bestfriend ni mama nasa tagaytay sila ngayon dahil taga dun ang naging asawa ni tita.
Pagkatapos ng klase, dali dali na akong umuwi at nagpaalam nako sa mga kaibigan ko na hindi ako makakasama sa gala. Tuwing biyernes kasi gumagala kami para naman makapagbonding at magrelax. Pag uwi ko, naghahanda na si mama at naglilista na ng mga bibilhin.
"Hi ma" sabay halik sa pisngi "bihis lang ako ha tas tara na"
"Sige, nak" sabi ni mama. Pagkabihis ko ay umalis na kami kaagad. Saglit lang kami sa grocery dahil nabili namin kaagad ang mga dapat bilhin. Ganun kasi si mama ayaw niyang nasasayang ang oras kaya nama'y umalis na kami agad sa grocery at pagkatapos ay nagmeryenda na muna. Ako na ang nag order ng kakainin namin ni mama. Habang kumakain kami, "nak kamusta? May nanliligaw na ba sa'yo?" Tanung ni mama at ako naman nagulat ako sa tanung niya "hala mama naman! Hahahahaha ikaw ha akala ko ba aral muna" sagot ko. "Oo naman anak. Ikaw ha defensive ka HAHAHA. Naalala ko kaso yung anak ni tita Mae mo halos magka edad lang kayo at may itsura"
"Talaga maaaa? Lakad moko sakanya ma" pabiro kong sagot at nagtawanan kami ni mama. Hindi ko pa nakikita ang anak ni tita mae dahil nasa ibang bansa siya noon kasama ang dad niya pag bumibisita si tita sa bahay kaya nama'y hindi niya nadadala. Pagkatapos namin kumain ni mama ay umuwi na rin kami agad. Dumitetso na ako sa kuwarto at humiga sa higaan ko at inopen ko ang aking selpon. At sakto namang nagchat si Ron.
"Kamusta Zii? Naghahanda na kami nila mama papuntang Maynila magbibyahe na kami mamayang gabi"
"Kakauwi ko lang namin ni mama galing grocery may bisita kasi kami bukas e hahahaha mejo kapagod" sagot ko naman.
"Pahinga kana muna kaya" sabi naman niya. Tuloy tuloy ang usapan namin ni Ron. Minsan nga ginagabi kami pag nag uusap diko namamalayan ang oras na mag aalas dose na pala ganun. Masayang kausap si Ron at madami kaming pagkakasunduan. Nagpaalam nako na matutulog na dahil tutulungan ko pa si mama sa paglilinis ng bahay at pagluluto ng pagkain para bukas at pumayag naman ito.
Kinabukasan, agad akong bumaba upang tulungan si mama. Nag walis na rin ako at nag ayos ng bahay. Noong okay na ang lahat, naligo nako at nag-ayos sabi ni mama malapit na sina tita. Bago ako bumaba sa may sala, tinignan ko na muna phone ko. "Maynila na kami Zii malapit na kami sa pupuntahan namin"
"Buti namaaaan. Enjooooy :) may bisita tin kami e baka di kita machat masyado ha" sagot ko naman.
"Ganun ba? Sige ok lang. ingat ka rin" tugon niya.
Habang nasa kuwarto ako, may maingay na sa sala at mukhang andun na nga sina tita Mae. Nagsalamin muna ako bago bumaba para naman maayos ako tignan hihi. Pagkababa ko, andun na nga sina tita Mae.
"Hi titaaaaaaa! Kamusta po? Sabay halik at yakap sakanya"
"Halaaaa ang ganda ganda na ng inaanak ko ah. Ang laki mo naaaa. Sig**o may manliligaw kana ano" biro niya.
"Hala si tita! Bat kayo ganyan? Mag besfren talaga kayo ni mama e! Wala pa nga tita e kaiyak" biro ko rin sakanila. At biglang tawanan at kunwentohan.
"Tita kayo lang po mag-isa?" Tanong ko.
"Ay hindi iha, kasama ko asawa at anak ko andun sila sa labas kasama papa mo. Alam mo naaaa boys talk" sagot ni tita.
Naisipan kong tignan ang aking selpon "Zii andito na kami sa bahay ng kaibigan ni mom. Ganda ng bahay infairness. Hahahaha"
"Hahahaha ito talaga. Andito na rin bisita namin e" sagot ko at pagkatpos ko isend yun ay pinatay ko phone ko. Dahil, nagtatawag na sina mama at tita na kumain. Andun na silang lahat pagkadating ko. At laking gulat ko, ang gwapo ng asawa ni tita Mae! diko kinaya. Lahat sila nakatingin sakin hanggang sa pag-upo ko. Pinangunahan ni papa ang panalangin bago kumain. Habang kumakain ay nagkukwentohan kami. Ng biglang nagsalita si tita Mae.
"Aaron! Siya si Zcsian ang nag-iisang anak ni tita Zena mo. Ganda niya diba" pagpapakilala ni tita. At ngumiti rin sakin si Aaron.
"Hala tita talaga hahahaha!" Singit ko. At biglang nagsalita si mama.
"Aaron tawagin mo na lamang siyang Zii yun kasi tawag namin sakanya e" biglang lumaki mata ni Aaron na tila ba nagulat. Haays mukhang alam ko na binabalak nila tita at mama e. Kahit kailan talaga. Sina papa at asawa naman ni tita ay nakikiasar at nakikipagtawanan na rin. Ng biglang sumingit si tito Sander. "Zii tawagin mo na rin siyang Ron yun din kasi tawag namin sakanya e" nagulat ako. Ayaw kong isipin na bka siya yung nakakausap ko sa internet. Pareho kaming nabigla at nagtinginan pagkatapos kami pinakilala. Mukhang pareho kami ng nasa isip sa mga oras na 'yon. Pagkatapos namin kumain, tumulong ako sa pagliligpit. Si mama at tita na raw maghuhugas dahil madami raw silang pag-uusapan at namiss nila ang isa't isa. Ako naman umupo nalang sa may sala. Si Aaron/ Ron ay nakatayo na nagbabadyang pupunta sa akin. At yun na nga ang nangyari.
"Hi Zcsian? Or Zii right?" Laking ibang bansa kasi kaya mejo umeenglish siya.
"Ah oo. Aaron/Ron ka naman diba?" Tanung ko.
"Ah oo e hahhahaa. May itatanung lang sana ako" hala ito na yun e sabi na. Parehas kami ng nasa isip mejo kinakabahan na ako. Kasi kung nagkataon, nakakahiya at mang-aasar nanaman mga kaklase ko at sina mama e. Trinay ko lang naman once huhu.
"A-ano yun?" Kinakabahan ako
"Hmm paano ko ba tatanungin? Hahaha. Gumagamit kaba ng Neargroup? Yung app sa messenger?" Tanong niya
Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanung niya
"B-bakit? K-kasi? Haha. Oo? I tried once because of my boredom e"
"Di ngaaaa? Kasi may kachat ako dun na Zii ang pangalan. I'm hoping na ikaw yun? Zii lang kasi pangalan na sinabi e"
Ay shooocks di na ako makasagot dun. Kaya umamin nalang ako.
"So sa tingin ko parehas na tayo ng inisip at pareho tayong nabigla nung pinakilala tayo sa isa't isa. Ron din kasi pangalan nung kachat ko e" nabigla siya na tila ba di makapaniwala at makikita kong nasiyahan na di maipaliwanag ang nakita ko sakanya pagkatapos ko sabihin yun. Niyaya ko siyang pumunta sa may rooftop para mag usap. Sina papa at tito ay nanood at nagkukwentohan sina mama naman ay naghuhugas pa kaya nama'y umakyat na lamang kami para hindi nila marinig ang pag-uusap namin. Nasa rooftop na kami at makikita mo ang mga tanawin at bubong ng mga bahay at may dagat ka rin na makikita.
"So now, magpapakilala ako sa'yo inperson. Hi ako nga pala si Aaron Agatep 20 yrs old" sabay alok ng kanyang kamay at hinawakan ko naman sabay pakilala "ako naman si Zscian Mae Lorenzo 20 yrs old" at nagkamayan kami at tawanan.
"Bakit ka naman nag neargroup?" Tanung ko.
"Wala lang. Because of boredom dinang luckily nakilala kita" sagot naman niya. At may biglang pahabol
"May manliligaw kaba?" Nagulat ako sa tanong niya.
"Wala pa nga e hahaha" sagot ko.
"Pwede ba kitang ligawan Zii? Sa totoo lang, nafall na ako sa'yo. Feeling ko antagal na natin magkakilala and luckily mag bestfriend pa parents natin" hindi alo makasagot sa sinabi niya. Pero aaminin ko, oo may gusto na ako sakanya pero andun parin yung pangamba. Pero napagtanto ko na wala naman masama kung susubukan ko. Kaya nama'y "S-sige" pagkatapos ko sabihin ay bigla niya ako niyakap. "Gagawin ko lahat marinig ko lang ang matamis mong OO Zii" sabi niya. Kinilig naman ako dun hahahaha. Diko namin alam paano sasabihin sa parents namin ang nangyari at kung paano kami magkakilala.
Hanggang sa dumating ang panahon na naging Kami na ni Aaron. At tuwang tuwa ang pamilya namin lalo na sina mama at tita na hahaha at mga kaibigan ko.am At sa wakas daw ay may naging boyfriend na ako hahahaha. Ilang buwan nalang ay ikakasal na kami ni Aaron. Kaya naman masasabi ko sa sariki ko na, Nahanap ko na ang lalaking mag-aalaga sakin at mamahalin ako habang buhay matuto ka lang maghintay.