Holy Child Parish, San Antonio, Diocese Of Zambales

Holy Child Parish, San Antonio, Diocese Of Zambales A Parish Of The Iglesia Filipina Independiente In The Local Church Of Zambales

Pabatid sa mga mananampalataya:Bilang isang simbahan, tayo ay nagdiriwang ng pag ala- ala sa mga Banal at mga namayapa n...
29/10/2024

Pabatid sa mga mananampalataya:
Bilang isang simbahan, tayo ay nagdiriwang ng pag ala- ala sa mga Banal at mga namayapa nating kaanak.
Sa Nobyembre 1, tayo ay magkakaroon ng Banal na Misa sa ganap na ika- 7 ng umaga upang gunitain ang kapistahan ng mga Banal. Matapos ang misa, ang kura paroko ay tutungo sa sementeryo upang magbasbas ng mga puntod ng mga namayapa.
Sa Nobyembre 2, muling magkakaroon ng Banal na Misa upang gunitain ang lahat ng mga namayapa sa ganap na ika- 7 ng umaga.
Sa lahat ng mga magpapabasbas, mangyaring hintayin lamang ang Pari sa sementeryo para sa gawain.

Mapayapang Undas sa lahat.

๐…๐ข๐ž๐ฌ๐ญ๐š ๐๐ž๐ฅ ๐’๐š๐ง๐ญ๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐จ ๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐จPasasalamat sa lahat ng nagkaloob at naghandog. Naway sa pamamagitan ng panalangin ng Santo ...
20/10/2024

๐…๐ข๐ž๐ฌ๐ญ๐š ๐๐ž๐ฅ ๐’๐š๐ง๐ญ๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐จ ๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐จ

Pasasalamat sa lahat ng nagkaloob at naghandog. Naway sa pamamagitan ng panalangin ng Santo Rosario ay maihatid sa lahat ang biyaya at pagpapala ng Diyos sa bawat isa.

Mahal na ina ng Santo Rosario, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami'y mamamatay.

Makiisa po tayo sa pamparokyang pagdiriwang ng kapistahan ng Santo Rosario sa Oktubre 20, 2024 sa ganap na ika- 4 ng hap...
17/10/2024

Makiisa po tayo sa pamparokyang pagdiriwang ng kapistahan ng Santo Rosario sa Oktubre 20, 2024 sa ganap na ika- 4 ng hapon. Susundan po ito ng Prusisyon matapos ang Banal na Misa.

๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—˜๐——! ๐Ÿ˜ƒ๐ŸŽŠ๐ŸŽ‚
03/10/2024

๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—˜๐——! ๐Ÿ˜ƒ๐ŸŽŠ๐ŸŽ‚

๐‘ฏ๐‘จ๐‘ท๐‘ท๐’€ ๐’‚๐’๐’… ๐‘ฉ๐‘ณ๐‘ฌ๐‘บ๐‘บ๐‘ฌ๐‘ซ ๐‘ฉ๐‘ฐ๐‘น๐‘ป๐‘ฏ๐‘ซ๐‘จ๐’€ ๐’•๐’ ๐’๐’–๐’“ ๐’…๐’†๐’‚๐’“ ๐‘ท๐’‚๐’“๐’Š๐’”๐’‰ ๐‘ท๐’“๐’Š๐’†๐’”๐’• ๐‘น๐’†๐’—. ๐‘ญ๐’“. ๐‘จ๐’๐’†๐’™๐’Š๐’” ๐‘บ๐’‚๐’๐’•๐’Š๐’‚๐’ˆ๐’ ! ๐ŸŽ‚๐ŸŽŠ๐Ÿซถ๐Œ๐š๐ฒ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐œ๐จ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฎ๐ž ๐ญ๐จ ๐ฌ๐ก๐ž๐ฉ๐ก๐ž๐ซ๐ ๐ฎ๐ฌ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ...
02/10/2024

๐‘ฏ๐‘จ๐‘ท๐‘ท๐’€ ๐’‚๐’๐’… ๐‘ฉ๐‘ณ๐‘ฌ๐‘บ๐‘บ๐‘ฌ๐‘ซ ๐‘ฉ๐‘ฐ๐‘น๐‘ป๐‘ฏ๐‘ซ๐‘จ๐’€ ๐’•๐’ ๐’๐’–๐’“ ๐’…๐’†๐’‚๐’“ ๐‘ท๐’‚๐’“๐’Š๐’”๐’‰ ๐‘ท๐’“๐’Š๐’†๐’”๐’• ๐‘น๐’†๐’—. ๐‘ญ๐’“. ๐‘จ๐’๐’†๐’™๐’Š๐’” ๐‘บ๐’‚๐’๐’•๐’Š๐’‚๐’ˆ๐’ ! ๐ŸŽ‚๐ŸŽŠ๐Ÿซถ

๐Œ๐š๐ฒ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐œ๐จ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฎ๐ž ๐ญ๐จ ๐ฌ๐ก๐ž๐ฉ๐ก๐ž๐ซ๐ ๐ฎ๐ฌ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐ฅ๐จ๐ฏ๐ž, ๐š๐Ÿ๐Ÿ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐ก๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ, ๐ค๐ข๐ง๐๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐๐ž๐ซ๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐๐ข๐ง๐  ๐š๐ฌ ๐ฐ๐ž ๐œ๐จ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฎ๐ž ๐ญ๐จ ๐ฉ๐ซ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐š๐ง๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ข๐ง ๐š๐ฅ๐ฅ ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ ๐ž๐ง๐๐ž๐š๐ฏ๐จ๐ซ๐ฌ ๐š๐ฌ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐๐š๐ซ๐ข๐ฌ๐ก ๐๐ซ๐ข๐ž๐ฌ๐ญ. ๐Ÿ˜‡

๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ถ๐—ฟ๐—ต๐—ฒ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ธ   Birhen ng Balintawak, ipanalangin mo kami!
26/08/2024

๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ถ๐—ฟ๐—ต๐—ฒ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ธ


Birhen ng Balintawak, ipanalangin mo kami!

๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ถ๐—ฟ๐—ต๐—ฒ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ธSalamat po sa lahat ng nakiisa sa pagdiriwang at sa lahat ng mga taong naging instrume...
26/08/2024

๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ถ๐—ฟ๐—ต๐—ฒ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ธ

Salamat po sa lahat ng nakiisa sa pagdiriwang at sa lahat ng mga taong naging instrumento ng Diyos upang mapagtagumapayan ng parokya ang ating selebrasyon. Sa pangunguna ng Konseho ng Parokya, at sa mga tagapaghandog, sa lahat ng sektor, ang Kabataan, Kababaihan at Kalalakihan ng parokya at sa lahat ng kongregasyong dumalo. Sa kabila ng sama ng panahon ay naitaguyod natin ng maayos ang pagdiriwang ng kapistahan ng mahal na Birhen.


Birhen ng Balintawak, ipanalangin mo kami!

Nagagalak ang bayan ng Diyos sa parokya ng Banal na Sanggol upang makiisa sa paggugunita ng kapistahan ng La Hermosa Vir...
19/08/2024

Nagagalak ang bayan ng Diyos sa parokya ng Banal na Sanggol upang makiisa sa paggugunita ng kapistahan ng La Hermosa Virgen de Balintawak. Ang kaniyang taunang pista ay tuwing Agosto 26, ngunit ang parokya ay magdiriwang sa darating na Agosto 25, 2024, araw ng Linggo. Inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na makiisa sa ating pagdiriwang sa pista ng pintakasi ng Iglesia Filipina Independiente.
Mayroon ding Novena tuwing hapon sa ganap ng ika- 3 ng hapon sa pangunguna ng mga kababaihan ng parokya.

O katamis tamisang Birhen, ina ni Kristo Hesus, ipanalangin mo kami!

Ang pagdiriwang ng Banal na Misa para sa ika- 122 taon ng pagsilang ng ating Simbahan!  ๐•ป๐–—๐–” ๐•ฏ๐–Š๐–” ๐–Š๐–™ ๐•ป๐–†๐–™๐–—๐–Ž๐–† ! ๐‘ท๐’Š๐’๐’ˆ๐’“๐’Š๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’† ๐’...
04/08/2024

Ang pagdiriwang ng Banal na Misa para sa ika- 122 taon ng pagsilang ng ating Simbahan!
๐•ป๐–—๐–” ๐•ฏ๐–Š๐–” ๐–Š๐–™ ๐•ป๐–†๐–™๐–—๐–Ž๐–† !

๐‘ท๐’Š๐’๐’ˆ๐’“๐’Š๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’† ๐’๐’‡ ๐‘บ๐’๐’๐’Š๐’…๐’‚๐’“๐’Š๐’•๐’š: ๐‘ช๐’‰๐’–๐’“๐’„๐’‰ ๐’‚๐’๐’… ๐‘ฐ๐’๐’…๐’Š๐’ˆ๐’†๐’๐’๐’–๐’” ๐‘ช๐’๐’Ž๐’Ž๐’–๐’๐’Š๐’•๐’Š๐’†๐’” ๐‘ฑ๐’๐’–๐’“๐’๐’†๐’š๐’Š๐’๐’ˆ ๐’•๐’ ๐‘จ๐’ƒ๐’–๐’๐’…๐’‚๐’๐’• ๐‘ณ๐’Š๐’‡๐’†

04/08/2024

Maligayang ika- 122 taon ng pagsilang ng ating Simbahan! Sa pagdiriwang ng parokya ng Banal na Sanggol, ating sariwain at balikan sa pamamagitan ng mga lumang larawan noon pang una ang paglalakbay nito bilang isang parokya. Narito ang Parokya ng Banal na Sanggol noon hanggang ngayon.

La Hermosa Virgen de BalintawakParokya ng Banal na Sanggol, San Antonio, Zambales
28/07/2024

La Hermosa Virgen de Balintawak
Parokya ng Banal na Sanggol, San Antonio, Zambales

Mabuhay ka, Iglesia Filipina Independiente!Isang daan at dalawampu't dalawang taon ng kasarinlan, patuloy na hinahamon s...
20/07/2024

Mabuhay ka, Iglesia Filipina Independiente!
Isang daan at dalawampu't dalawang taon ng kasarinlan, patuloy na hinahamon sa pagpapalaganap ng mabuting balita!
Sama-sama po tayo sa Agosto 3, 2024 para pasalamatan ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Misa sa Katedral ng San Sebastian.
At sa Agosto 4, 2024, ating ipagdiriwang bilang parokya ang anibersaryo ng simbahan, sa ganap na 7:30 ng umaga para sa Banal na Misa. Dito rin natin ilulunsad muli ang ating "Pledge of Commitment" at muling sisimulan ang Alkansya para sa Parokya bilang tugon sa ating proyektong pagpapa- ayos ng bubong at kisame ng ating parokya.


Magbunyi, bayan ng Diyos! Sumapit muli ang makasaysayang araw ng ating Simbahan, ang Iglesia Filipina Independiente. Ngayon, ay ating ipagdiriwang ang ika-122 nitong kapanganakan. Isang simbahang malaya, simbahang pinalaya upang magpalaya, at patuloy na nagbibigay buhay sa Mabuting Balita ng Panginoong Hesukristo.
Sama- sama po tayo, lokal na simbahan ng Zambales para sa pagdiriwang. Ito ay magaganap sa Ika- 3 ng Agosto, mismong araw ng anibersaryo sa Katedral ng San Sebastian, San Narciso, sa ganap na ika- 8 ng umaga. Ito ay pangungunahan ng ating Obispo Diyosesano, Conrado Marcos De Guzman, kasama ang mga kaparian ng Diyosesis. Matapos ng misa ay magkakaroon ng "Treasurers, Auditors and Staff Secretaries Summit" upang bigyang daan naman ang mga programang pagpapaunlad ng Diyosesis.
Sama- sama tayong ipagdiwang, sariwain at pagsaluhan ang makasaysayang ika- 122 taon ng pagsilang ng ating simbahan.

Mabuhay ka IFI! Para sa Diyos at Bayan!

Sunday Mass Officiated by the Right Rev. Jed Manzano, Bishop of Santiago.Thank you Your Grace for visiting our Parish an...
14/07/2024

Sunday Mass Officiated by the Right Rev. Jed Manzano, Bishop of Santiago.
Thank you Your Grace for visiting our Parish and giving homily for the congregation.

Maligayang pagdating sa Parokya ng Banal na Sanggol, sa Kaniyang Kabunyian, Eminencia Joel O. Porlares (Obispo Maximo XI...
11/07/2024

Maligayang pagdating sa Parokya ng Banal na Sanggol, sa Kaniyang Kabunyian, Eminencia Joel O. Porlares (Obispo Maximo XIV)
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong pagdalaw sa ating Parokya at gayundin sa Bayan ng San Antonio.

09/07/2024

Magalak, bayan ng Diyos!
Ang buong kaisahan ng Iglesia Filipina Independiente, Diyosesis ng Zambales ay nagagalak sa pagdalaw ng ating Obispo Maximo, MOST REVEREND JOEL OCOP PORLARES- Obispo Maximo XIV, at ang ating General Secretary, RIGHT REVEREND DINDO DELA CRUZ RANOJO sa ating lokal na simbahan.
Sama- sama tayong makiisa sa kagalakang ito sa darating na Hulyo 11, 2024, sa ganap na ika- 7 ng umaga para sa parada ng pagsalubong at sa ganap naman na ika- 8 ng umaga ay magkakaroon po tayo ng Banal na Misa sa pangunguna ng ating Obispo Maximo at General Secretary, kasama ang Obispo Conrado De Guzman, Obispo ng Zambales, at mga kaparian ng Diyosesis. Ito ay sa Katedral ng San Sebastian, San Narciso, Zambales.

June 16, 2024Pastoral visit of the Rt. Rev. Conrado M. De Guzman (Interim Bishop of Zambales)  Conrado De Guzman
16/06/2024

June 16, 2024
Pastoral visit of the Rt. Rev. Conrado M. De Guzman (Interim Bishop of Zambales)

Conrado De Guzman

Address

98 T. R. Yangco Street, Brgy. Rizal
San Antonio
2206

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Holy Child Parish, San Antonio, Diocese Of Zambales posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share


Other Digital creator in San Antonio

Show All