23/07/2024
Bakit wala bang karapatan magalit ang Diyos Ama sa kanyang nilikha na may freewill sa mga kalapastanganan nila? Diba sabi sa nasusulat kamatayan ang kabayaran sa kasalanan? Ang batas ng Diyos ay hindi nawawalan ng bisa. Kaya nga ilang ulit nang ginunaw ang mundo mula sa panahon ni Noah, ang Sodoma at Gomorrah at marami pa. Kahit na nga sila Moises ay nanginginig sa takot kay YHWH kaya nga kahit banggitin sa walang kabuluhan ang pangalan nya ay takot ang mga naunang mga tao sa mundo.
Ito ang point ko.
Mga Hebreo 10:4 sapagkat ang dugo ng mga toro at mga kambing ay hindi makakapawi ng mga kasalanan.
-Galit talaga ang Diyos Ama sa mga kasalanan ng tao.
Mga Hebreo 10:5-6
Dahil diyan, nang si Cristo'y naparito sa daigdig, sinabi niya sa Diyos: “Ang mga pang-alay, pati mga handog, at ang mga hayop na handang sunugin, hindi mo na ibig sa dambana dalhin, hindi mo kinalugdan ang mga handog na sinusunog, at ang mga handog upang pawiin ang kasalanan. Kaya't inihanda mo ang aking katawan upang maging handog.
Yun!!! kaya dahil sa Panginoong Hesukristo ay kumalma ang p**t ng Diyos sa mga tao. Kaya Kung paano natin iginagalang at sinasamba ang Panginoong Hesukristo dapat ay ganoon din sa Diyos Ama. Huwag na natin galitin pang muli ang ating Diyos!
-ROMA 5:9
At ngayong itinuring na tayong matuwid sa pamamagitan ng kanyang dugo, lalo na tayong maliligtas sa pamamagitan niya mula sa p**t ng Diyos.
Sa madaling sabi; kelangan pantay ang pagsamba at papuri natin sa Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo.
Isipin nyo mga kapatid kahit napop**t ang Diyos, sya parin nakaisip ng paraan para mapawi ang mga kasalanan nating mga tao sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo? Kaya ko nasabi na may karapatan ang Diyos sa lahat ng bagay. Tayong mga tao wala tayong karapatan sa lahat ng bagay. Tanging ang Diyos lamang! Purihin ang Diyos! sa pangalan ng ating Panginoong Hesukristo at sa Banal na Espiritu ng Diyos! Amen! 🙌🙇