18/04/2021
WEATHER UPDATE|| Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na bumagal ang pag galaw ng Bagyong Bising na may international name Surigae habang ito ay nasa loob ng Pilipinas.
Base sa inilabas na weather bulletin ng PAGASA ang nasabing bagyo ay magdadala ng mga pag-ulan sa Eastern Visayas at Bicol region.
Ayon sa ahensya, mababa ang tyansang maglandfall ang bagyo dahil may high-pressure area sa kabilang gilid ng bagyo.
Paliwanag naman ng PAGASA, magiging pahilaga ang direksyon ng typhoon Bising at mananatili ang kaniyang sentro sa gitna ng karagatan.
Isinailalim sa tropical cyclone wind signal no. 2, ang mga sumusunod na lugar:
Catanduanes
Visayas
Northern Samar
Eastern Samar
Samar
Storm signal no. 1, naman sa mga sumusunod na lugar:
Eastern portion of Camarines Norte (San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes, Basud)
Camarines Sur
Albay
Sorsogon
Masbate kasama ang Burias and Ticao Islands
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Northern portion of Cebu (Tabogon, Borbon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) including Bantayan and Camotes Islands
Dinagat Islands
Surigao del Norte including Siargao and Bucas Grande Islands
Northern portion of Surigao del Sur (Cagwait, Tago, Bayabas, Tandag City, Lanuza, Cortes, Carmen, Madrid, Cantilan, Carrascal)
Nagbabala naman ang PAGASA na makakaranas ng malalaking pag alon sa karagatan ang northern at eastern seaboard ng Eastern Visayas, dahil dito pinayuhan ang lahat ng mga bibiyahe at mangingisda na dilikado ang pag palaot habang nasa bansa pa ang naturang bagyo.