
28/04/2024
— "Sige lang. Buksan mo na yung aircon mo."
sa totoo naman, mas gugustuhin ko nang magbukas ng aircon sa bahay kesa naka aircon sa hospital.
ang PAHINGA at PEACE OF MIND, hinding hindi mo mabibili yan.
ang pera, pwede mo pang kitain ulit pero yung makapagpahinga ka ng komportable lalo na ang anak mo, hindi yan mababayaran ng kahit anong halaga.
yung galing ka sa trabaho, makapagpahinga ka man lang ng matino at matiwasay habang naka aircon, masarap sa pakiramdam yan.
aba! mas okay na yung kasama natin ang ating mga mahal sa buhay sa loob ng bahay habang naka aircon diba?
at kahit tumaas pa ang bill natin sa kuryente, keri lang yan! magtrabaho lang ulit tayo ng maiigi at patas. gumawa ng mabuti. magdasal palagi. sigurado akong magiging ligtas ang ating mga anak, ang ating pamilya, ang ating sarili sa anumang hatid ng panahon natin ngayon. 💯
God bless everyone! 🙏🏻🧡🌿
osiyaaa sige na, buksan mo na yung aircon nyo. ♥️
CTTO