25/10/2024
HOROSCOPE FOR TODAY
October 26, 2024
Aries
(March 21 - April 19)
Dahil sa sitwasyon, panghihinaaan ang iyong loob. Kahit nanlulumo at napapagod, bigyan mo pa rin ang sarili ng motibasyon para magpatuloy. Huwag hayaang mawalan ka ng lakas dahil baka lalo kang mawala sa tamang landas. Hindi lahat ng hangad ay makukuha agad, kaya kahit nahihirapan ay ituon pa rin ang isip sa mga bagay na nararapat at magbibigay sa iyo ng lakas ng loob.
Lucky number: 15, 24, 36
Lucky color: yellow, pink
Ta**us
(April 20 - May 20)
Huwag dibdibin ang mga pagkakamali at disappointments sa buhay. Hindi ka perpekto para maging tama lahat ng ginagawa mo. Kung may tiwala ka sa sarili, lahat ng ito ay malulusutan mo. Hindi nakakahiyang humingi ng tulong sa iba para sa improvement mo, ang nakakahiya ay kung ikaw ay aasa. Tumayo ka lang kapag nadapa dahil lahat ng nasusugatan, lalong tumatapang.
Lucky number: 10, 15, 35
Lucky color: blue, yellow
Gemini
(May 21 - June 20)
Dahil sa kakulangan at hindi pagkakaunawaan tungkol sa pinansyal, magkakaroon ng alitan. Mabigat sa kalooban na hindi matustusan ang pangangailangab dahil pati pamilya ay maaapektuhan. Kailangan alam nyo ang role ng bawat isa sa pamilya para malaman sino ba talaga ang may problema. Imbes na magsisihan at magturuan, magtulungan na lang.
Lucky number: 10, 12, 46
Lucky color: beige, brown
Cancer
(June 21 - July 22)
Tanggapin ang buhay na meron ka, dahil ginusto mo yan. Hindi ka rin magkakaroon ng katahimikan kung itatanim mo lagi sa isip ang mga bagay na hindi mo nagugustuhan. Pilitin na lang gumawa ng mga bagay na magbibigay sa iyo ng kasiyahan. Tanggapin sa sarili na iyan na ang ikaw at hindi ka na maibabalik sa dati.
Lucky number: 22, 42, 16
Lucky color: beige, violet
Leo
(July 23 - August 22)
Kapag meron kang pinagdadaanan at nasasaktan wala silang p**ialam. Pero kapag nagkamali ka lahat ng tao nakikialam sa iyong buhay. Imbes na tulungan, lalong pabibigatin ang iyong nararamdaman na tila ba perpekto ang kanilang buhay. Lahat ng naririnig ay huwag dibdibin dahil hindi mo kailangan ang kanilang panig.
Lucky number: 6, 10, 15
Lucky color: maroon, pink
Virgo
(August 23 - September 22)
Hindi mo man kagustuhan ang nangyayari, kailangan harapin, dahil iyon lang ang paraan para makapag move forward. I condition mo lang ang iyong emotion para makapagresponde ng mahinahon at maiisip mo din ang pinakamagandang solusyon. Sa bawat hakbang laging may good things, pero kailangan mo munang daanan ang worst scene.
Lucky number: 22, 40, 36
Lucky color: beige, white
Libra
(September 23 - October 22)
Hayaan ang mga negatibong tao at manatili sa pagiging mabuting tao. Basta wala kang ginagawang masama sa iba, wala kang dapat ipag alala. Anumang sabihin nila ay huwag ng patulan, dahil baka mawala ka lang sa focus. Kung sino pang walang ambag sa iyong buhay ang syang mahilig magpapansin para ikaw ay inisin.
Lucky number: 10, 22, 44
Lucky color: brown, white
Scorpio
(October 23 - November 21)
May mga tao na parang hindi ka kilala at hindi maganda ng trato sa iyo, pero kapag may kailangan, ikaw din naman ang lalapitan. Handang lunukin ang pride, mapagbigyan mo lang. Susuportahan ka lang pag convenient sa kanila, tapos makikita mo mas tinutulungan pa nila ang iba. Piliin lang kung sino ang totoo sa iyo, para hindi ka maabuso.
Lucky number: 31, 18, 25
Lucky color: yellow, red
Sagittarius
(November 22 - December 21)
Huwag ka bababa sa level ng mga taong walang mabuting plano sayo. Huwag mag react sa kanilang pang iinsulto, dahil ikaw ang magiging talo. Ang isipin mo ay ang sarili mo at hindi sila. Mas marami kang dapat asikasuhin, kaysa sila ay intindihin. Babalik din sa kanila lahat ng kanilang ginagawa dahil hindi papayag ang karma na hindi rin ito mangyari sa kanila.
Lucky number: 18, 20, 34
Lucky color: blue, red
Capricorn
(December 22 - January 19)
Makakapagbigay ka ng magandang buhay sa pamilya, dahil sa pagsisikap mo. Hindi man lahat ay naniniwala sa iyo, dahil sa sinasabi nilang negatibo kaya pipilitin mong makawala sa sitwasyon mo.
Trust the proces, dahil gugulatin ng magandang resulta ang buhay mo.
Lucky number: 33, 42, 15
Lucky color: yellow, pink
Aquarius
(January 20 - February 18)
Punuin ang iyong puso ng pasasalamat sa Panginoon. Gaano man kabigat ang iyong problema, gaano man kahirap ang iyong pinagdadaanan. Lagi ka Nyang gagabayan , hanggang sa ikaw ay magtagumpay. Sa gitna ng mga laban mo sa buhay, ipagkakaloob pa din Nya ang saya at kapayapaan para buhay mo ay maging magaan.
Lucky number: 24, 10, 34
Lucky color: blue, red
Pisces
(February 19 - March 20)
Hindi lahat ng tao ay worth it ang iyong oras, kaya maging mapili. Hindi ito pagiging maarte o maselan, nararapat lang na ilagay mo ang sarili sa tamang lugar. Ang kailangan mo ay mga taong magpapasaya at susuporta sa iyo, hindi yung mga taong magdadala lang ng negativity at stress sa buhay mo.
Lucky number: 19, 38, 40
Lucky color: maroon, pink