Bread of Life

Bread of Life sharing the Gospel,mga brothers and sisters huwag po tayo mahiyang e share ang salita ng Diyos.

Sharing devotion December 30,2024Ang Pinagmulan Ng Lahat Mamuhay ng isang buhay na mahalaga, isang buhay na mag-iiwan ng...
30/12/2024

Sharing devotion December 30,2024

Ang Pinagmulan Ng Lahat

Mamuhay ng isang buhay na mahalaga, isang buhay na mag-iiwan ng walang hanggang pamana, dapat tayong manatiling nakaugnay sa pinagmulan ng buhay. Ganito ang sinabi ni Jesus, gamit ang isang paglalarawan na pamilyar sa Kanyang mga tagapakinig:(Juan 15: 4-5 )

“Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin. “Ako nga ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin."

Nang sabihin ni Jesus, “Ako ang puno ng ubas,” Siya ay gumagawa ng isang pahayag. Sinasabi Niya na Siya ang pinagmumulan—na anumang bagay na ginawa ay dahil sa Kanyang kapangyarihang nagbibigay-buhay.

Kaya kung gusto natin maghangad ng tunay na katotohanan, tunay na karunungan, o gumawa ng pangmatagalang pagbabago sa mundong ito, manatili tayong malapit sa Diyos—dahil ang anumang bagay na karapat-dapat na maging o gawin ay nagsisimula sa Amen!

30/12/2024
13/12/2024

Mapagpalang umaga,aking ibahagi Ang Salita ng Diyos SA Umagang ito Mga kapatid,Basahin Po natin..
(Jeremias 33:1-26 ASND)

Mga Pangakong Pagpapala

[1] Habang si Jeremias ay naroon pa sa kulungan sa himpilan ng mga guwardya ng palasyo, nagsalita ang Panginoon sa kanya sa pangalawang beses. [2] Ito ang sinasabi ng Panginoong lumikha ng mundo at naghugis nito – Panginoon ang pangalan niya:

[3] “Tumawag ka sa akin at sasagutin kita, at ipahahayag ko sa iyo ang mga kahanga-hanga at mahihiwagang bagay na hindi mo pa alam. [4] Sapagkat ako, ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagsasabi: Kahit giniba na ang mga bahay sa Jerusalem at ang palasyo ng hari ng Juda para gawing mga pampatibay ng pader upang hindi ito mapasok ng mga kaaway, [5] papasukin pa rin ito ng mga taga-Babilonia. Maraming mamamatay sa lungsod na ito dahil wawasakin ko ito sa tindi ng galit ko sa inyo. Itatakwil ko ang lungsod na ito dahil sa kasamaan nito.

[6] “Pero darating ang araw na pagagalingin ko ang lungsod na ito at ang mga mamamayan nito. At mamumuhay silang may kaunlaran at kapayapaan. [7] Pababalikin ko ang mga taga-Israel at taga-Juda mula sa pagkakabihag, at itatayo ko ulit ang lungsod nila katulad noon. [8] Lilinisin at papatawarin ko sila sa lahat ng kasalanang ginawa nila sa akin. [9] At kapag nangyari ito, ang lungsod ng Jerusalem ay magbibigay sa akin ng kadakilaan, kagalakan at kapurihan. At ang bawat bansa sa daigdig ay manginginig sa takot kapag nabalitaan nila ang mga kabutihan, kaunlaran at kapayapaan na ipinagkaloob ko sa lungsod na ito.”

[10] Sinabi pa ng Panginoon, “Sinasabi ninyong malungkot at walang tao at mga hayop ang Juda at Jerusalem. Pero darating ang araw na muling mapapakinggan sa mga lugar na ito ang mga kasayahan at kagalakan. [11] Muling maririnig ang kagalakan ng mga bagong kasal, at ng mga taong nagdadala ng mga handog ng pasasalamat sa templo ng Panginoon. Sasabihin nila, ‘Magpasalamat tayo sa Panginoong Makapangyarihan dahil napakabuti niya. Ang pagmamahal niyaʼy walang hanggan.’ Talagang magsasaya ang mga tao dahil ibabalik ko ang mabuting kalagayan sa lupaing ito katulad noong una. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

[12] Sinabi pa ng Panginoong Makapangyarihan, “Kahit na mapanglaw ang lupaing ito ngayon at walang tao at hayop, darating ang araw na magkakaroon ng mga pastulan sa lahat ng bayan na pagdadalhan ng mga pastol ng kanilang mga kawan. [13] Muling dadami ang kawan nila sa mga bayan sa kabundukan, sa mga kaburulan sa kanluran, sa Negev, sa lupain ng Benjamin, sa mga lugar na nakapalibot sa Jerusalem at sa mga bayan ng Juda. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

[14] Sinabi pa ng Panginoon, “Darating ang araw na tutuparin ko ang mga kabutihang ipinangako ko sa mga mamamayan ng Israel. [15] Sa panahong iyon, pamamahalain ko ang haring matuwid na mula sa angkan ni David. Paiiralin niya ang katarungan at katuwiran sa buong lupain. [16] At sa panahon ding iyon maliligtas ang mga taga-Juda at mamumuhay nang payapa ang mga taga-Jerusalem. Ang Jerusalem ay tatawaging, ‘Ang Panginoon ang Ating Katuwiran.’ ”

[17] Sinabi pa ng Panginoon, “Si David ay laging magkakaroon ng angkang maghahari sa mga mamamayan ng Israel. [18] At palagi ring magkakaroon ng mga pari na mga Levita na maglilingkod sa akin at mag-aalay ng mga handog na sinusunog, handog na pagpaparangal, at iba pang mga handog.”

[19] At sinabi ng Panginoon kay Jeremias, [20] “Kung paanong hindi na mababago ang kasunduan ko sa araw at sa gabi na lalabas sila sa takdang oras, [21] ganyan din ang kasunduan ko kay David na lingkod ko, na palaging magkakaroon ng hari na manggagaling sa angkan niya. At ganoon din sa mga paring Levita, maglilingkod pa rin sila sa akin. [22] Pararamihin ko ang mga angkan ni David at mga Levita katulad ng mga bituin sa langit at buhangin sa dalampasigan.”

[23] Sinabi pa ng Panginoon kay Jeremias, [24] “Hindi mo ba narinig na kinukutya ng mga tao ang mga mamamayan ko? Sinasabi nila, ‘Itinakwil ng Panginoon ang dalawang kaharian na hinirang niya.’ Kaya hinahamak nila ang mga mamamayan ko at hindi na nila ito itinuturing na bansa. [25] Pero sinasabi ko na hindi na mauulit ang aking kasunduan sa araw at sa gabi, at ang aking mga tuntunin na naghahari sa langit at lupa, [26] mananatili rin ang aking kasunduan sa mga lahi ni Jacob at kay David na lingkod ko. Hihirang ako mula sa angkan ni David na maghahari sa mga lahi nina Abraham, Isaac at Jacob. Kahahabagan ko sila at pababalikin sa kanilang sariling lupain mula sa pagkabihag.”

📖🙌🏻❤️🙏

📖❤️🙏
13/12/2024

📖❤️🙏

With Jordan Palatolon – I'm on a streak! I've been a top fan for 4 months in a row. 🎉
12/12/2024

With Jordan Palatolon – I'm on a streak! I've been a top fan for 4 months in a row. 🎉

With Yumi Jang – I'm on a streak! I've been a top fan for 4 months in a row. 🎉
12/12/2024

With Yumi Jang – I'm on a streak! I've been a top fan for 4 months in a row. 🎉

  November 12,2024Ang Tulong ay MalapitHindi tayo nilikha para mabuhay na may mga pasanin na nagpapabigat sa atin. Buti ...
11/11/2024

November 12,2024
Ang Tulong ay Malapit
Hindi tayo nilikha para mabuhay na may mga pasanin na nagpapabigat sa atin.

Buti na lamang, hindi natin ito kailangang gawin.

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako'y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibinibigay ko sa inyo.”
Mateo 11:28-30 RTPV05

Nang si Jesus ay pumarito sa lupa, dinala Niya ang ating mga pasanin sa Kanyang sarili. Kahit malayo tayo sa Diyos, dinala ni Jesus ang kaparusahan sa ating maling gawain at inako ang ating pagdurusa. At dahil diyan, mayroon tayong Tagapagligtas na nakakaunawa at may kahabagan sa atin.

Kinakatagpo tayo ng Tagapagligtas na ito sa ating kaguluhan, at inaanyayahan tayo na hanapin ang kapahingahan sa Kanya. Ang Tagapagligtas na ito ay ang Diyos na sumasaatin.

Purihin ang Panginoon, ang Diyos nating nagliligtas, dinadala araw-araw, ang pasanin nating hawak.
Mga Awit 68:19 RTPV05

Isinulat ni Haring David ang Mga Awit na ito daan-daang taon bago dumating si Jesus. Ngunit kahit noon pa man, inilalarawan ng Diyos sa mga tao na ang Kanyang katangian ay hindi nagbabago, at Siya ay mapagkakatiwalaan.

Binantayan ng Diyos si Noe noong binaha ang lupa (Genesis 8:1), at nakipagtipan Siya kay Abraham na pagpalain, pangangalagaan, at pararamihin ang kanyang lahi (Genesis 17:4-7). Iningatan Niya ang mga Israelita nang sila ay maglakbay sa ilang (Deuteronomio 2:7), at inaliw Niya si David nang pinagtatangkaan siyang patayin ng mga tao.

Ang Diyos ay hindi tumitigil sa pagiging totoo sa kung sino Siya. Siya ang ating laging naririyang tulong sa oras ng pangangailangan. Siya ang ating palagiang pinagmumulan ng lakas. Siya ang ating mang-aaliw at ating tagapagtaguyod. Ang Diyos na pinupuri ni David sa Mga Awit 68 ay ang ating Diyos. Siya ang patuloy na nangangalaga sa atin, nagpapakumbaba upang katagpuin tayo sa ating kaguluhan at inilalabas tayo mula sa pagkawasak.

Araw-araw Niyang dinadala ang ating mga pasanin.

Magtitiis pa rin ba tayo sa mahihirap na panahon? Oo. Ngunit hinding-hindi natin ito pagdaraanan nang mag-isa. Ang Tagapagligtas ng mundo ay malapit na. Kasama natin ang Diyos.


📖💖🙏
22/10/2024

📖💖🙏

Amen
22/10/2024

Amen

Address

General Luna Street
Rosales
2441

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bread of Life posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Bread of Life:

Videos

Share