11th Sangguniang Bayan of Rosales

11th Sangguniang Bayan of Rosales Rosales Pangasinan

Mula sa akin at aking pamilya, hangad namin na magkaroon ka at ang iyong pamilya ng mapayapa at masaganang bagong taon.M...
31/12/2022

Mula sa akin at aking pamilya, hangad namin na magkaroon ka at ang iyong pamilya ng mapayapa at masaganang bagong taon.

Merry Christmas Happy New Year po sa ating lahat.

Maligaya at Mapagpalayang Pasko at Manigong bagong taon!Pagbati mula sa 11th Sangguniang bayan Members
22/12/2022

Maligaya at Mapagpalayang Pasko at Manigong bagong taon!

Pagbati mula sa 11th Sangguniang bayan Members

December 2, 2022Maagang Pamasko para sa COMELEC ang iniregalo ng Sangguniang Bayan na pinangunahan ni Hon. Susan P. Casa...
05/12/2022

December 2, 2022

Maagang Pamasko para sa COMELEC ang iniregalo ng Sangguniang Bayan na pinangunahan ni Hon. Susan P. Casareno, Bise-Mayor ng Bayan ng Rosales. Kasama dito ang mga Bagong Halal na Konsehal ng bayan.

Kita sa kailang mga mata at ngiti sa mga labi ang labis na pasasalamat sa natanggap nilang Maagang Pamasko para sa kanilang opisina.

Muli karangalan ng 11th Sangguniang Bayan ang makapag Lingkod sa bawat mamayan.

November 24, 2022COMMITTEE HEARINGBARANGAY ANNUAL BUDGET CALENDAR YEAR 2023“Ang isang Barangay ay nangangailangan ng pon...
25/11/2022

November 24, 2022

COMMITTEE HEARING
BARANGAY ANNUAL BUDGET CALENDAR YEAR 2023

“Ang isang Barangay ay nangangailangan ng pondo upang ang bawat proyekto nito ay maisakatuparan at makapangyayari para sa ikauunlad, ikabubuti at kapakinabangan ng mga mamamayan.”

Ang mga Barangay na naglahad ng kanilang mga Budget Proposal sa ginanap na Committee Hearing para sa Pundo ng mga Proyekto sa kanilang mga Barangay sa Taong 2023 ay ang mga sumusunod:

Barangay Casanicolasan
Barangay Guiling
Barangay Bakit-Bakit
Barangay Zone I
Barangay Palakipak
Barangay Don Antonio Village
Barangay San Pedro East

Dinaluhan ito ng kanilang mga Punong Barangay kasama ang kanilang mga Barangay Kagawad, Barangay Secretary at Barangay Treasurer.

Pinangunahan ito ni Hon. Anafeil Marie C. Cruz-Lauraya, Chairman on Budget, Appropriation and Finance. Sina Hon. Christopher Coloma, Hon. Edita Y. Quiambao, ay naroon din na pawang mga miyembro ng naturang Committee.

Buong suporta namang dinaluhan nina Hon. Susan P. Casareno, Vice-Mayor, Hon. Emwil Monje, Municipal Councillor, at Hon. Alvin P. Bince Municipal Councillor.

November 10, 2022COMMITTEE HEARINGBARANGAY ANNUAL BUDGET CALENDAR YEAR 2023“Ang isang Barangay ay nangangailangan ng pon...
11/11/2022

November 10, 2022
COMMITTEE HEARING
BARANGAY ANNUAL BUDGET CALENDAR YEAR 2023

“Ang isang Barangay ay nangangailangan ng pondo upang ang bawat proyekto nito ay maisakatuparan at makapangyayari para sa ikauunlad, ikabubuti at kapakinabangan ng mga mamamayan.”

Ang mga Barangay na naglahad ng kanilang mga Budget Proposals sa ginanap na Committee Hearing para sa Pondo ng mga Proyekto sa kanilang mga Barangay sa Taong 2023 ay ang mga sumusunod:

Barangay ACOP
Barangay Tomana East
Barangay Camangaan
Barangay Cabalaoangan Sur
Barangay Calanutan
Barangay San Angel
Barangay San Antonio
Barangay Rabago
Barangay Zone V
Barangay San Bartolome
Barangay San Isidro
Barangay Tomana West

Dinaluhan ito ng kanilang mga Punong Barangay kasama ang kanilang mga Barangay Kagawad, Barangay Secretary at Barangay Treasurer.

Pinangunahan ito ni Hon. Anafeil Marie C. Cruz-Lauraya, Chairman on Budget, Appropriations and Ways &Means. Sina Hon.Harry B. Bernabe. Hon. Christopher Coloma, Hon. Edita Y. Quiambao ay naroon din na pawang mga miyembro ng naturang Komite.

Buong suporta namang dinaluhan nina Hon. Susan P. Casareno, Vice-Mayor, Hon. Emwil Monje, Municipal Councillor.

Naroon din sina G. Noel Rolluda, MLGOO of Rosales, Romiel Casanova, Budget Officer para sa mga karagdagang impormasiyon sa naturang pagdinig.

Nobyembre 7, 2022COMMITTEE HEARING Pedicab Drivers and E-Trikes ( RACAL) Drivers           Ang usapin sa araw na ito ay ...
09/11/2022

Nobyembre 7, 2022

COMMITTEE HEARING
Pedicab Drivers and E-Trikes ( RACAL) Drivers

Ang usapin sa araw na ito ay Kapakanan ng mga Mananakay at mga Pedicabs at E-Trikes.

Pinag-usapan dito ang mga sumusunod:

1.Biglaang pagtaas ng pamasahe sa Pedicab at Electric Tricycle (RACAL)
2.Pamasahe ng mga estudyante at Regular Commuters
3.Kaukulang Parusa sa mga Lalabag sa Napagkasunduan rate ng Pamasahe.

Hangad ni Hon. Enrique Cosue, Chairman of Transportation na maisaayos at maresolba ang mga hinaing ng mga mananakay patungkol sa Biglaang Pagtaas ng pamasahe sa Pampasaherong Pedicab at Electric Tricycle. At ayun sa kanya ay papatawan ng Kaukulang Parusa sa mga lalabag sa napagkasunduan.

Buong Husay din na nakasuporta sina Hon. Joselito Cariño, Vice-Chairman of Transportation, Hon. Harry Bernabe, Hon. Christopher Coloma at Liga President Crisanto Coloma Jr. na pawang mga Miyembro ng Committee on Transportation.

Dumalo rin sa pagdinig si Sk-Pres. Randy S. Opeña. Nakaagapay din si Hon. Susan P. Casareno, Bise-Mayor sa usaping ito.

Dinaluhan din ito nina Bonifacio Raguindin, Electric Tricycle President at Lorenzo Villanueva, Pedicab President at kanilang mga Miyembro.

Sa kabuuan, naging maayos ang kasunduan para sa kapakanan ng mga Mananakay ng Bayan Ng Rosales.

Address

Rosales Pangasinan
Rosales
2441

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 11th Sangguniang Bayan of Rosales posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 11th Sangguniang Bayan of Rosales:

Share

Nearby media companies


Other Rosales media companies

Show All