
24/01/2024
90s
Nagising ka ng 5:30 at nakita mong umuulan ng malakas tapos pumayag ang nanay mo na huwag muna pumasok at natulog ka ulit. Nagising ka ng 7:30 tapos sumilip ka sa bintana pero malakas parin ang ulan at napakalamig ng panahon. Kaya ang ginawa mo eh nag taklob ka muna ng kumot para mainitan ka tapos mga 8 ng umaga bumangon kana para mag almusal ng pancit canton at itlog na may milo pang mainit na hinanda pa ng nanay mo para sayo, habang nanonood ng favorite mo na anime sa umaga tulad ng voltes v o doraemon.
Nakakamiss ung araw araw mong routine. Wala kang iniisip na iba kundi mga school activities lang. Walang stress, walang mabigat sa loob, walang iniisip na kung ano kakainin sa kinabukasan. Nakakamiss maging bata. Life was simple and so good.