Montalban News & Public Affairs

Montalban News & Public Affairs The official news portal of the Municipality of Montalban, Rizal.

09/12/2024

FLAG RAISING CEREMONY | DECEMBER 09, 2024

04/11/2024

FLAG RAISING CEREMONY | NOVEMBER 04, 2024

28/10/2024

FLAG RAISING CEREMONY | OCTOBER 28, 2024

21/10/2024

FLAG RAISING CEREMONY | OCT. 21, 2024

14/10/2024

FLAG RAISING CEREMONY | OCTOBER 14, 2024

07/10/2024

FLAG RAISING CEREMONY | OCTOBER 07, 2024

  | BAYAN NG MONTALBAN, NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG NATIONAL ELDERLY FILIPINO WEEKLibreng manicure at pedicure, massage, a...
02/10/2024

| BAYAN NG MONTALBAN, NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG NATIONAL ELDERLY FILIPINO WEEK

Libreng manicure at pedicure, massage, at haircut ang inihandog ng Pamahalaang Lokal sa mga Montalbeñong senior citizen nitong Martes, October 1, 2024.

Dinagsa ng mga Montalbeñong lolo’t lola ang naturang aktibidad na ginanap sa Municipal Gymnasium.

Kaugnay naman ang kaganapang ito sa pakikiisa ng Pamahalaang Lokal ng Montalban sa pagdiriwang ng National Elderly Filipino Week, na pinangasiwaan ng Office of the Senior Citizens Affairs, sa tulong ng National Commission of Senior Citizens (NCSC).

Ginawaran naman ang limang Montalbeñong senior citizen ng Natatanging Nakatatanda na sina Ma’am Erlinda Valentino, Ma’am Lily Tolosa, Sir Monchirito Panes, Sir Vener Alpapara, at si Ma’am Lourdes S. Evangelista – ang butihing ina ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.).



  | LIBRENG PNEUMOCOCCAL VACCINE, HANDOG PARA SA MGA SENIOR CITIZEN SA BAYAN NG MONTALBANNaglabas ng anunsyo ang Pamahal...
02/10/2024

| LIBRENG PNEUMOCOCCAL VACCINE, HANDOG PARA SA MGA SENIOR CITIZEN SA BAYAN NG MONTALBAN

Naglabas ng anunsyo ang Pamahalaang Lokal sa kanilang official page na Bagong Montalban, ukol sa gaganaping libreng pneumococcal vaccine para sa mga Montalbeñong senior citizen.

Ayon sa post, gaganapin ang “Pneumococcal Vaccination for the Elderly: Alagang Bakuna Para kay Lolo’t Lola!” sa October 4, 2024 (Biyernes), sa Municipal Gymnasium na magsisimula ng alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

500 slots naman ang nakalaan sa serbisyong ito para sa mga Montalbeñong lolo’t lola na nais magpabakuna na pangangasiwaan ng Municipal Health Office (MHO), mula sa direktiba ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.).



30/09/2024

FLAG RAISING CEREMONY | SEPTEMBER 30, 2024

  | RESIDENTE NG BRGY. BALITE, TINURUAN NG CANDLE MAKING UPANG MAGAMIT SA KANILANG KABUHAYAN‘Mahalaga ang mga training n...
23/09/2024

| RESIDENTE NG BRGY. BALITE, TINURUAN NG CANDLE MAKING UPANG MAGAMIT SA KANILANG KABUHAYAN

‘Mahalaga ang mga training na ibinibigay ng Pamahalaang Lokal tulad ng candle making upang magamit sa pangkabuhayan’, ito ang binigyang-diin ni Montalban Livelihood Technical Vocational Education and Skill Development Center (MLTVESDC) Ms. Evangeline Manahan-Gaspar.

Kaugnay ito ng isinagawang pagsasanay sa paggawa ng kandila para sa Homeowners’ Association sa Orange St. corner Cherry Espiritu., Brgy. Balite noong September 20, 2024.

Dagdag pa sa post sa Bagong Montalban patungkol sa aktibidad, “Layunin ng naturang aktibidad na mabigyan ng karagdagang kaalaman at matulungan din ang mga residente na magkaroon ng mapagkakakitaan sa naturang lugar, upang makatulong sa pangtustos sa kanilang pang araw-araw na mga pangangailangan”.

Nagsilbi namang tagapagturo sa naturang training si Ms. Merlita De Guzman. Maglalaan naman ang Pamahalaang Lokal ng Montalban, sa paglilingkod ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), ng iba pang training para sa mga Montalbeño.


23/09/2024

FLAG RAISING CEREMONY | SEPTEMBER 23, 2024

  | FUR BABIES SA BAYAN NG MONTALBAN, HINANDUGAN NG LIBRENG BAKUNA KONTRA ANTI RABIES “Mahalaga na maging responsable an...
20/09/2024

| FUR BABIES SA BAYAN NG MONTALBAN, HINANDUGAN NG LIBRENG BAKUNA KONTRA ANTI RABIES

“Mahalaga na maging responsable ang mga nagmamay-ari ng mga a*o, pusa, at iba pang furbabies — sa pamamagitan ng pagpapaturok ng kanilang mga alaga upang maiwasan ang rabies infection sa ating lokalidad.”, ito ang nakasaad sa post ng Bagong Montalban, ang official FB page ng naturang bayan tungkol sa pagpapabakuna ng mga furbabies.

Kaugnay rin ito sa isinagawang libreng Anti-Rabies Vaccination sa mga alagang pusa’t a*o sa Montevilla, Brgy. Burgos noong September 16, 2024 na pinangunahan ng Municipal Agriculture (MAO).

Hinihikayat din ng Pamahalaang Lokal ang iba pang Montalbeñong fur parents na paturukan ang kanilang mga alaga ng anti-rabies vaccination.

Batay pa sa post, “maaaring magtungo sa tanggapan ng MAO tuwing Martes at Huwebes, mula alas-8 hanggang alas-11 ng umaga”.



  | IBA’T IBANG MAHAHALAGANG PAKSA UKOL SA PAGSASAAYOS NG KOMUNIDAD TINALAKAY SA BARANGAY SAN JOSEUgnayan ng pamahalaang...
17/09/2024

| IBA’T IBANG MAHAHALAGANG PAKSA UKOL SA PAGSASAAYOS NG KOMUNIDAD TINALAKAY SA BARANGAY SAN JOSE

Ugnayan ng pamahalaang barangay at mga residente ang pangunahing tuon ng mga isinasagawang seminar ng Pamahalaang Barangay nang sa gayon ay maisaayos ang pamumuhay sa komunidad.

Ito rin ang layunin ng ginanap na Community Awareness Seminar sa Phase 1B St. Peter Ville Sub-Urban, Brgy. San Jose, kung saan tinalakay ang iba’t ibang paksa ukol sa pagpapa-unlad at pagsasaayos ng mga residente at komunidad.

Pinangasiwaan ng iba’t ibang departamento ng pamahalaang barangay ng San Jose ang bawat paksa. Tinalakay ng VAWC/BCPC ang Strengthening Family Affairs, sa BADAC naman ang Community Based Seminar on R.A. 9165, habang paksa naman ng BENRO ang tungkol sa segregation ng basura na pinamagatang “Bawasan ang Basurang Itatapon, Mag Segrigate!” at Community Based Disaster Preparedness naman ang sa BDRRMO.

Taos-puso namang sumuporta at naguna sa naturang seminar si Brgy. San Jose Capt. Glenn S. Evangelista.


  | SANGGUNIANG BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN NG SAN ISIDRO NAGKAISA PARA SA KALINISAN NG KAPALIGIRAN“Tulong-tulong p...
17/09/2024

| SANGGUNIANG BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN NG SAN ISIDRO NAGKAISA PARA SA KALINISAN NG KAPALIGIRAN

“Tulong-tulong po Tayo aming mga Kabarangay para mapanatili nating maayos at malinis ang ating Barangay SanIsidro” ito ang mababasa sa official page ng San Isidro kaugnay sa pagkakaisa ng ng nasabing barangay patungkol sa kalinisan ng kapaligiran.

Kaugnay rin ito sa kanilang isinagawang Barangay at Kalinisan Day (BarKaDa) nitong September 14, 2024 kung saan nagtulong-tulong ang Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng naturang lugar upang linisin ang bahagi ng kalsada papuntang Avilon Zoo.

Buhat naman ang nasabing aktibidad sa direktiba ni San Isidro Punong Barangay Dennis “Tom” Hernandez. Nakiisa rin sa paglilinis na ito ang mga kawani ng Pamahalaang Barangay ng San Isidro, Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT), MRF Ecological Balance Multipurpose Cooperative at Rodrock and Aggregates Corporation.




kaya pala ang cold na
16/09/2024

kaya pala ang cold na

16/09/2024

FLAG RAISING CEREMONY | SEPTEMBER 16, 2024

  | LEGAL CLINIC CARAVAN, NAGTUNGO SA BAYAN NG MONTALBAN; MGA MONTALBEÑO NAHANDUGAN NG SERBISYONG LIGAL Karapatan, ito a...
13/09/2024

| LEGAL CLINIC CARAVAN, NAGTUNGO SA BAYAN NG MONTALBAN; MGA MONTALBEÑO NAHANDUGAN NG SERBISYONG LIGAL

Karapatan, ito ang isa sa agarang natatamasa ng isang indibidwal mula nang magkaroon ito ng buhay, kaya naman ang pagkakaroon ng kaalaman ukol dito ay maituturing na sandata sa pang araw-araw.

Kaugnay nito, ang Pamahalaang Lokal ng Montalban ay nagdaos ng libreng legal advice na “Legal Clinic Caravan: Free Legal Assistance and Discussion” kahapon, September 12, 2024, sa Montalban Gymnasium. Nagkaroon din ng talakayan ukol sa mga paksang Basic Human Rights Concepts and Principles, Bill of Rights under the 1987 Constitution, RA No. 9262 (Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004), at RA No. 11313 (Safe Spaces Act).

Ang aktibidad ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lokal, sa paglilingkod ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.) at Vice Mayor Edgardo "Umpek" Sison, at pakikipag-ugnayan ng tanggapan ni Councilor David Acob (Chairperson, SB Committee on Human Rights) sa Commission on Human Rights Regional Office IV-A.


Address

Rodriguez
1860

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Montalban News & Public Affairs posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

Nearby media companies