22/05/2024
Ang Da'wah at Tabligh o Khoroj Fii Sabiilillah:
Ang kahulugan nito ay ang Pag-iimbita at Pagpapalaganap o Paglakbay sa Landas ng Allah (SWT).
Ang ating layunin ay upang maglaan ng oras sa pagsisikap ng pag-iimbita at pagpapalaganap ng Agama (Deen/Relihiyon) nang sa gayon ay magkaroon tayo ng Hidayah (Gabay) kagaya ng nasabi ng Allah sa Qurโan Surah Al-Ankabut
29:69;
ููุงูููุฐูููู ุฌูุงููุฏููุง ูููููุง ููููููุฏููููููููู
ู ุณูุจูููููุง
(Ang mga taong nagsusumikap para sa Amin, ay tunay na aming gagabayan sa mga daan sa Amin). Ang nagsasakripisyo sa landas ng Allah ay magkakaroon ng matibay na Iman (Paniniwala) sa Allah (SWT) at mabubuhay ang Sunnah (Pamamaraan) ng Propeta Mohammad (SAW) sa ating mga sarili at magkakaroon tayo ng magagandang katangian tungo sa tagumpay at kasiyahan ng Allah (SWT). Ang tunay na tagumpay ay ang maligtas sa Impiyerno at makapasok sa Paraiso.
Ang mga Propeta (AS) ay nagsikap sa Agama ng Allah (SWT) at sila ay binigyan ng iisang gawain na mag-imbita ng sangkatauhan tungo sa kanilang Tagapaglikha kaya sila ang kinalugdan ng Allah at makamit ang mataas na gantimpala sa kabilang-buhay. Ang Propeta Mohammad (SAW) ay sinugo sa buong mundo hanggang magunaw ang mundo. Subalit siya ay pumanaw na at wala nang propeta na susunod sa kanya.
Isang karangalan na tayo ay napabilang sa Ummah ng Propeta (SAW) na binigyan ng pahintulot at pagkakataong ipagpatuloy ang misyon ng Propeta (SAW) at ito ay hindi bilang pasan kundi isang napakalaking biyaya. Ang Allah ay nagsabi sa Qurโan Al-e-Imran 3:110
ูููุชูู
ู ุฎูููุฑู ุฃูู
ููุฉู ุฃูุฎูุฑูุฌูุชู ููููููุงุณู ุชูุฃูู
ูุฑูููู ุจูุงููู
ูุนูุฑูููู ููุชููููููููู ุนูู ุงูู
ููุฒู
Tayo ay hinirang ng Allah bilang KHAIRAH UMMAH (Pinakamabuting Nasyon) dahil tayo ay UKHRIJAT LINNAAS (Pinalabas para sa mga tao) dahil ang gawain natin ay TAโMURU NA BIL MAโRUF WA TANHA ANIL MUNKAR (Mag-utos ng mabubuti at magbawal ng masasama).
Ang Allah (SWT) ay RABBUNNAAS (Panginoon ng Sangkatauhan), ang Qurโan ay HUDALLINNAAS (Patnubay sa Sangkatauhan), Ang Propeta (SAW) at KAAFATAN LINNAAS (Sinugo sa Sangkatauhan) at ang Nasyon nya na hinirang ng Allah na KHAIRAH UMMAH ay UKHRIJAT LINNAAS (Pinalabas para sa Sangkatauhan). Tayo ay pinalabas hindi lang para sa isang tribo, lalawigan, bansa kundi para sa sangkatauhan hanggang katapusan ng mundo kaya ang pagsisikap sa agama ay resposibilidad ng salinlahi.
Ang ilan sa ang kahalagahan ng Daโwah at Tabligh na nakasaad sa Muntakhab Hadith ay;
ยท โIsang umaga o isang gabi na ginugol sa Landas ng Allah (SWT) ay mas mabuti kaysa sa mundo kasama ang lahat ng nilalaman nitoโ. (Bukhari)
ยท โKanino mang paa ang magka-alikabok sa Landas ng Allah (SWT); ipinagbawal ng Allah ang mga paa na iyon mula sa Apoy (Naraka).โ (Musnad Ahmad)
ยท โSinuman na ang mukha ay magka-maalikabok sa Landas ng Allah, ang Allah ay pangangalagaan ang kanyang mukha mula sa Apoy sa Araw ng muling pagkabuhay. At para sa kanya na ang mga paa ay makakuha ng alikabok sa Landas ng Allah, ang Allah pangangalagaan ang kanyang mga paa sa Araw ng muling pagkabuhay mula sa Apoy (Naraka).โ (Baihaqi)
ยท "Kapag ang alikabok sa Landas ng Allah ay pumasok sa katawan ng isang Muslim, ipinagbawal ng Allah ang Apoy (Naraka) sa kanya". (Musnad Ahmad, Tabarani, Majma-'uz-Zawaid)
ยท โIsang araw na ginugol sa Landas ng Allah (SWT) ay mas mabuti kaysa isang libong mga ibang araw.โ (Nasai)
ยท "Ang iyong pagsusumikap sa Landas ng Allah ng ilang sandali, ay mas higit kaysa sa iyong magagandang aโmal (gawa) nang buong buhay kasama ang iyong pamilya". (Mustadrak Hakim)
ยท โSinumang lumabas ng isang gabi sa Landas
ng Allah ay pagkakalooban ng Pabangong Muska sa Araw ng muling pagkabuhay, katumbas ng alikabok na dumampi sa kanyang katawan.โ (Ibn Majah)
ยท "Sinumang gumabay sa isang tao sa magandang gawa, ang gantimpala ay katumbas ng gumawa nito." (Muslim).
ยท May nagtanong sino ang pinakamagaling sa mga tao? Ang Propeta (SAW) ay tumugon: โAng mga tao na nagsusumikap sa Landas ng Allahโ. Nagtanong ang Sahabah: Sino ang sumunod? Siya ay tumugon: โAng Mu'min na nakatira sa isang lambak sa gitna ng mga lambak na may takot sa kanyang Panginoon at ligtas ang mga tao mula sa kanyang kasamaan.โ (Tirmidhi)
ยท Sino sa mga Mu'minin ang may pinaka-perpektong Iman? Ang Propeta (SAW) ay tumugon: โAng isang tao na nagsusumikap sa Landas ng Allah kasama ng kanyang buhay at kayamanan at ang tao na sumasamba sa Allah sa isang lambak sa gitna ng mga lambak at ligtas ang mga tao mula sa kanyang kasamaan.โ (Abu Dawud)
ยท โSiya na gumugol sa Landas ng Allah (SWT), pitong daang beses na naitala sa kanyang aklat ng mga gawa.โ (Tirmidhi)
ยท โSigurado, ang gantimpala ng nag-aalay ng Salah, Siyam at Dhikr, sa Landas ng Allah ay pinahusay, pitong daang beses kaysa paggasta sa Landas ng Allah. (Abu Dawud)
ยท โAng maging sa Landas ng Allah ng ilang sandali, ay higit pa kaysa sumasamba sa gabi ng Lailatul-Qadr sa harap ng Hajar-al-Aswad (Batong Itim). (Ibn Hibban)
PAGSISIKAP: Ang ating layunin na makamit ang Hidayat at matibay na Iman ay sa pamamagitan ng pagsisikap;
ยท Sa pagbigay Da'wat at p**ikinig sa talakayan ng pagsasakripisyo sa agama o Khoroj Fii Sabiilillah,
ยท Sa pamamagitan ng pagsisikap at paglaan ng oras sa pagpapalaganap ng Agama ng Allah (SWT). Dapat tayong magtakda ng oras at pilitin sa abot ng ating makakaya na masubukang lumabas sa daan ng Allah (SWT) ng 4-buwan sa buong buhay natin, 40-araw sa isang taon, 3-araw bawat buwan at ang 5-a'mals sa aming Mahala. Iyon ang 3-araw khoroj buwan-buwan, 2-Jaula (Maqami at Intiqali), Ta'lim sa bahay at masjid, araw-araw na Mashwara, 2 ยฝ oras araw-araw at Huwebes ng gabi Iโtikaf sa Markaz.
ยท At ang mag-Duaa sa Allah na tanggapin ang mga nakakatanda sa atin, ang mga kasamahan natin, kakilala natin, kapamilya natin at sarili natin sa banal na gawain na ito ng Propeta (SAW).
DAPAT TANDAAN:
Ang bilang ng mga araw ay hindi sapilitan, ito ay inirerekomenda lamang tulad ng pag-aaral ng pangunang lunas. Halimbawa, isang buwan bilang pagsasanay.
Siya ay hindi magiging isang ganap na manggagamot, ngunit matutunan nya ang mga pangunahing bagay na maaaring gawin sa panahon ng isang pangangailangan. Katulad nito, ang isang tao na maggugol ng 3 araw, 40 araw, 4 na buwan, at IBP. ay hindi magiging isang dalubhasa sa Shariah Islamia, ngunit matutunan nya ang mga pangunahing kinakailangan ng Shariah Islamia dahil karamihan ng tao ngayon ay hindi nakapag-aral ng agama. Mas maraming na oras ibigay, mas matututo tayo sa larangan ng agama. Ang sukat ng oras ay hindi isang pamantayan ayon sa Shariah.
Mayroong ilang mga utos sa Shari'ah na kung saan ang paraan ay hindi itinakda. Halimbawa, isang utos ng Shariโah ang magkaroon ng kaalaman, ngunit ang paraan na kung saan ang mga Madrasa na itinatag ay hindi napatunayan ayon sa Quran at Hadith.
Sa nakaraan, ginamit ng Propeta (SAW), Mga Sahaba at mga iskolar sa pagtuturo ay ang mga masjids. Ang mga mag-aaral ay sa mga iskolar pumupunta para matutunan ang iba't ibang karunungan. Walang kaayusan sa tirahan o pagkain. Ngunit ang interes ng pag-aaral nabawasan sa paglipas ng panahon, kaya nagkasundo ang mga iskolar na kinakailangang magtatag ng sistema ng kurikulum sa pag-aaral kagaya ng nakikita natin ngayon.
Hindi ginawa ng Propeta (SAW) at mga Sahaba (RA) ang mag-aral sa madrasa ng antas, grado o mag-diploma bagkus ang sistema ng kurikulum na ito ay bago at hango sa sistema ng maliban sa islam ngunit walang nagpalagay sa umabot sa panahon ngayon na ito ay bid'ah.
Katulad nito, ang Shariโah ay iniutos sa ating gawin ang Da'wah & Tabligh.
Ang pagsagawa nito dati ay pang-indibiduwal ang batayan. Ang mga marurunong ay nagtuturo sa mga tao para mag-utos ng mabubuting gawa at magbawal ng masasama. Sa paglipas ng panahon, lumaganap ang kasamaan, at ang mga tao ay humintong mangaral ng mabuti at magbawal ng masasama. Samakatuwid, nararapat lang magkaroon ng isang panlahatang pagsisikap na may alituntuning sinusunod para ipagpatuloy ang gawaing ito.
Ang Allah ay nagsabi sa Qurโan Surah Al-Anโaam 6:160,
ู
ูู ุฌูุงุก ุจูุงููุญูุณูููุฉู ูููููู ุนูุดูุฑู ุฃูู
ูุซูุงููููุง
(Ang taong makagawa ng mabuti ay magkakaroon ng sampung beses na gantimpala). Kaya kung tayo ay magsisikap sa landas ng Allah (SWT) at maglalaan ng 3-days isang buwan ay katumbas ng 1-buwan, ang 40-araw isang taon ay katumbas ng 1-taon, ang 4-6 buwan ay katumbas ng halos buong buhay natin na sakripisyo sa Landas ng Allah (SWT).
Ang positibong tagumpay ng Daโwah at Tabligh ay dahil sa paghahayag ng Anim na Katangian (6-Siffat) na napapalooban ng Tawheed (kaisahan ng Allah), pagsunod sa Sunnah (pamamaraan) ng Nabi Mohammad (SAW) at Islahi-Nafs (Pagtutuwid sa sarili).
MAHAHALAGANG BAGAY:
a). Halos bawat Surah ng Qur'aan ay nagbanggit ng Jihaad sa landas ng Allaah (SWT) Kapag pinag-usapan ang Jihaad, ipinahayag nito ang maraming aspeto na may kinalaman sa pangangalaga ng Deen. Ibig sabihin, ang magsakripisyo para sa Deen, sa pagsusumikap para sa proteksyon ng Deen, sa pagsusumakit para sa pagtatanggol ng Deen, upang maikalat ang Deen, upang ipangaral at palaganapin ang Deen, upang ituro ang lahat ng mga sangay ng Deen, upang makisali ng pisikal na pangangalaga, pagpapanatili, pagtatanggol, protektahan, ikalat at palaganapin ang Kalimah ng Tawheed ng Islam.
b.) Da'wah (Pag-imbita) at Tabligh (Pagpalaganap) ng Deen ay Jihaad makipag labanan sa manga kufar para (Pagsusumikap sa Deen). Ang Jihad ay humahantong kalaunan sa "Qitaal" pagkamartir o pagpatayan para sa kasiyahan ng Allah (SWT) na sang-ayon sa Shariโah.
c.) Ang matuto tungkol sa Deen ay Fardh (tungkulin). Ang ipangaral at palaganapin ang Deen ay Fardh (tungkulin) din. Ang protektahan at ipagtanggol ang Deen ay maaaring gawin sa iba't-ibang mga paraan at ang Daโwah at Tabligh ay isa sa pinaka-mabisa paraan kung saan napatunayan sa pamamagitan ng karanasan upang protektahan ang Deen. Mapapansin na ang Daโwah at Tabligh tulad ng isang kumikilos na Madrasah at labis na mabisa sa masa at propesyonal. Ito ay pang internasyonal na kilusan na nagpabago sa buhay ng hindi lang daan-daan at libu-libo kundi milyon-milyong tao. Maraming pumapasok dito sa araw-araw at nabago ang kanilang mga sarili at naging masunurin sa Allah (SWT) at mabait na kasapi ng lipunan na hindi nila dating ginagawa.
PAGTATAPOS:
And depensa ng isang bansa ay binubuo ng hukbong-katihan, hukbong-dagat, hukbong pang-himpapawid, tabligh at mujahidin. Lahat ito at tulong-tulong sa pananatili ng kaayusan at pagtatanggol sa bayan. Isang malaking kalokohan kung sila ay mag-away-away o magsiraan..
Ganon din ang Ummah sa gawain ng agama, para mapalakas at mapalaganap ito, mayroong nasa larangan ng Madrasah, Imam, Muazen, ang Jihad, ay wajib din ito sa atin at ang Tabligh. Sila dapat ay tulong-tulong din at isang kamalian na hamakin o matahin ang isa. Dapat silang magkaroon ng magandang intensiyon at pagpapakumbaba ayon sa kagustuhan ng Allah at sa Sunnah ng propeta (SAW).
Ang payo natin sa lahat ay maging malawak ang ating kaisipan para sa isang banal at mabigat na gawain na hindi kaya ng iisa. Maaring nandon lang tayo sa isa, dalawa o tatlong larangan kundi man natin kayang sumali sa lahat ng gawain ng agama. Hindi natin dapat hamakin ang isang larangan dahil lang sa tayo nasa kabilang larangan.
Maaaring naranasan na natin na maliitin ang isang grupo dahil hindi pa natin naiintindihan ang sa kanila kaya sana ay magkaroon tayo ng bukas na kalooban para ipaintindi sa atin ng Allah (SWT). Hindi natin dapat maliitin ang isa bagkus ay magmahalan, magrespetuhan, magtulungan at magpahalagahan dahil ang karangalan ng isang Muโmin ay mahalaga pa kaysa Kaโbah ayon sa hadith ng Propeta (SAW).
Sa mga nagsasakripisyo ng agama, kailangan nating magpasalamat, magpakumbaba at magpasensiya dahil hindi pa naiintindihan ng iba. Kailangan natin laging mag-duaa sa Allah ng tulong at patnubay dahil sa kawalan natin ng lakas at kaalaman sa larangan ng pagsasakripisyo sa agama.
Dapat lang tayong magpatuloy dahil sa ito ay responsibilidad natin at pilitin nating huwag mawala sa gawaing ito nang makamit natin ang gantimpala ng Allah (SWT) dito sa mundo at lalo na sa kabilang-buhay.
Kapag pinabayaan natin ang mga pagsisikap at sakripisyo sa agama, ang pagpapasigla ng Islam ay mananatiling sa mga salita at pangarap lamang. Upang matupad ang mga ito, kailangan nating magbigay ng oras at kayamanan, ang ating mga sarili at mga kakayahan, ang ating mga personal na gusto at hindi gusto.
Kahit na ang ating pinakamahusay na pagsusumikap, gayunpaman, hindi maaaring maging perpekto at andiyan lagi yong mga kakulangan dahil hindi pa natin abot ang pagkaintindi ng Propeta (SAW) at mga Sahaba (RA) sa gawaing ito. Maaari tayong mag-alinlangan at magkamali. Maaaring mabigo at mawalan ng pag-asa. Dahil tayo ay tao lamang. Ngunit ang mahalaga ay ang ating intensiyon at pagsisikap.
Kaya tayo dapat ay laging humihingi kay Allah (SWT) para lagi tayong tulungan sa ating mga kakulangan, kahinaan at kawalan ng importansiya sa mga tao. Kaya dapat tayong magpasensiyahan at huwag tingnan ang kakulangan ng bawaโt isa.
Dapat nating palawakin ang ating pang-unawa dahil pag may hirap at sakripisyo ay may kapalit na Hidayah. Iwanan natin ang p**ikipagtalo dahil wala itong idudulot na mabuti sa mga taong nakasara ang puso.
Dapat lang tayong magpaliwanag kung hinihingi ng pagkakataon at mag-duaa lagi dahil ang Allah (SWT) ang may hawak ng mga puso at hindi ang tao. Lagi nating isipin ang mga pag-tutuwid sa mga sarili natin at pagsunod sa Amer at Mashwara. Dahil iyon na rin ang pagsunod sa Propeta (SAW) at ang pagsunod sa kanya ay pagsunod sa Allah (SWT).
Ang Allah (SWT) ang higit na nakakaalam. Isama ninyo po ako sa inyong mga dalangin na tayo ay tanggapin ng Allah sa gawaing ito at masali tayo sa mga taong bubuhayin sa kabilang-buhay na Daโee Ilallah. Ameen.