Tambayan ni Kuya Kim

Tambayan ni Kuya Kim Everything in Kim's World

TINGNAN| Kapitan Dominador Pantalita ng Bgy Iraan wagi sa ginanap na 2023 Liga Election sa bayan ng Rizal ngayong araw s...
15/12/2023

TINGNAN| Kapitan Dominador Pantalita ng Bgy Iraan wagi sa ginanap na 2023 Liga Election sa bayan ng Rizal ngayong araw sa ganap na ika 11 ng umaga. Sa Sampung (10) mga Punong Barangay na dumalo, (Hindi nakadalo Ang Bgy Ransang) lahat ay pumabor kay Pantalita at s'ya nga ay naihalal bilang bagong pangulo ng Liga ng mga Barangay.

Siya rin ang magiging kinatawan ng Liga sa Sangguniang Bayan bilang ex-officio member.

Vice President: Ferdinand Khu-Culasian
Auditor: Reynaldo Cortaje-Bunog

"Bangka ko, gawa ko." Awarding of fiberglass boats from DA-BFAR thru the efforts of Congressman Jose Chaves Alvarez and ...
11/12/2023

"Bangka ko, gawa ko." Awarding of fiberglass boats from DA-BFAR thru the efforts of Congressman Jose Chaves Alvarez and the Municipal Government of Dr. Jose P. Rizal.

08/12/2023
Kanina sa pagpupulong ng Committee on Energy na pinamumunuan ng inyong lingkod kasama si Hon. Harvey Mongcal bilang miye...
16/11/2023

Kanina sa pagpupulong ng Committee on Energy na pinamumunuan ng inyong lingkod kasama si Hon. Harvey Mongcal bilang miyembro ng kumite, iprinisenta ni Gng. Joy Tabuada ng Archipelago Renewable Corporation ang kanilang mga plano sa hinihingi nilang pag endorso sa kanilang proyektong pagpapailaw sa Sitio Linao Bgy Taburi, Sitio Tagbita Bgy Taburi, Latud proper Bgy Latud at Bgy Canipaan.

Ang nasabing kumpanya ay naka base sa bansang Singapore. Sila ay pinagkalooban ng PALECO na siyang may hawak ng prangkisa ng pagpapailaw sa buong lalawigan na magtayo at magpatakbo ng pailaw sa mga nasabing mga Barangay.

Hybrid ang tawag sa magiging operasyon nito. kalahating ektarya ang kinailangan para pagtayuan ng mga solar panels kasama dito ang paglalagyan ng diesel generator bilang backup kapag kinulang ang suplay na naipon mula sa sikat ng araw upang makapagbigay ng 24 Oras na pailaw sa ating mga kababayan.

Naitanong din ng inyong lingkod ang tungkol sa iba pang Bgy na hindi pa rin napapailawan sa ngayon ngunit aniya ito lamang ang pinagkaloob sa kasalukuyan ng PALECO dahil maaring may plano ang kooperatiba para sa mga Hindi naisamang Barangay na maidugtong sa linya ng kanilang operasyon sa kasalukuyan.

Dagdag pa ni Gng. Tabuada, tinatayang magsisimula ang proyekto sa 2nd quarter ng susunod na taon at matatapos sa loob ng 6 na buwan. Ciao!

Mga bagong pulutong ng mga lingkod bayan.
16/11/2023

Mga bagong pulutong ng mga lingkod bayan.

08/11/2023

May hinimatay sa budget office. 🀭

Basic life support training @ Municipal Budget Office conducted by the MDRRMO.

β€œBad officials are elected by good citizens who don’t vote.”-George Jean Nathan
30/10/2023

β€œBad officials are elected by good citizens who don’t vote.”

-George Jean Nathan

Reminder from your friendly neighborhood drugstore. πŸ˜‰
19/09/2023

Reminder from your friendly neighborhood drugstore. πŸ˜‰

19/09/2023

Ribbon cutting + session + basketball πŸ’ͺ

Lesgo, sago! πŸ’ͺ
18/09/2023

Lesgo, sago! πŸ’ͺ

I've received 1,000 reactions to my posts in the past 30 days. Thanks for your support. πŸ™πŸ€—πŸŽ‰
15/08/2023

I've received 1,000 reactions to my posts in the past 30 days. Thanks for your support. πŸ™πŸ€—πŸŽ‰

ATM: SPS Medical mission @ MDRRMO training center. Punta Baja, Dr. Jose P. Rizal.
15/08/2023

ATM: SPS Medical mission @ MDRRMO training center. Punta Baja, Dr. Jose P. Rizal.

Pengeng rescue, diki na masandaran. 🀣Yung mga nanjan lang sa malapit, sugod na. 😁
10/08/2023

Pengeng rescue, diki na masandaran. 🀣

Yung mga nanjan lang sa malapit, sugod na. 😁

Peke ata level hose na nabili ko ah. πŸ˜‘Nigue-nigue, Canipaan080620231403H
10/08/2023

Peke ata level hose na nabili ko ah. πŸ˜‘

Nigue-nigue, Canipaan
08062023
1403H

Salamat sa siopao Vice Maria Gracia Goh Macasaet-Zapanta , hanggang midnight snack na ito. πŸ˜…
09/08/2023

Salamat sa siopao Vice Maria Gracia Goh Macasaet-Zapanta , hanggang midnight snack na ito. πŸ˜…

Nigue-nigue, Canipaan080620231318H
08/08/2023

Nigue-nigue, Canipaan
08062023
1318H

Latud proper, Latud080620231426H
08/08/2023

Latud proper, Latud
08062023
1426H

Taralets!
04/08/2023

Taralets!

Biyahe tayo sa Barangay Ransang sa pagpapatuloy ng Panghabangbuhay na Hanapbuhay ni Congressman Jose Chaves Alvares.

PAGLILINAW | 3million worth ng CRMagandang araw po sa inyo. Isa lamang paglilinaw tungkol sa viral na post na kung saan ...
03/08/2023

PAGLILINAW | 3million worth ng CR

Magandang araw po sa inyo. Isa lamang paglilinaw tungkol sa viral na post na kung saan ang isang CR sa Sitio Magkalip, Bgy Taburi ay nagkakahalaga ng 3 milyon. Sa mga nakakita ng post na ito "as is" ay talagang maha-highblood ka, yan din po ang una kong reaksyon ukol sa isyu na yan, kaya nangailangan din ako ng paliwanag.

Maaga pa kanina kinapanayam po natin ang Alkalde ng bayan na si Mayor Norman Ong ukol dito. Unang pagkakamali ay ang "typo" error sa tarpaulin nito na sumobra ng isang zero (0) kaya ang proyekto na dapat nagkakahalaga lamang ng 300k ay lumubo ng sampung doble.

Pasok ba sa 300k na budget yung ganitong klaseng proyekto? Kinapanayam din natin si Arch. Conales. Para I justify ang halaga ng proyektong ito. Ang 30% ng kabuuang budget ay para sa OCM o Overhead, Contingencies and Miscellaneous. Para sa labor, taxes contractor's profit, mobilization etc. Sa standard na computation sa construction katulad ng ganitong pagkakagawa na ang termino nila ay "bare", konting paletada, pintura para maging disente ay 25k per square meter.

Sa pagkakataong ito umabot ng 26,851.85 ang proyektong ito per square meter na may sukat lamang na 5.4sqm. Mataas ng 0.07% kumpara sa standard na sinusundan kapag gumagawa ng program of works, pero karagdagang paliwanag niya kailangan din kumita yung kontraktor at sa layo ng lugar sa kabayanan kailangan din natin ikunsidera ang karagdagang gastos ng kontraktor madala lamang sa site and mga materyales, tao at karagdagang gastos ng kontraktor para lamang magawa ang proyekto dahil hindi sapat ang 1% mula sa OCM para dito.

Karagdagan ni Mayor Ong, hindi pa natin tinatanggap ang proyektong ito. Kailangan pumasa ito sa dalawang inspection team, una ang Team ng Engineering office at team ni Mayor bago ito pwedeng tanggapin. Pero ayon sa kanya, hindi ito pumasa sa inspection team ng Engineering.

Dito, nagpasya na tayo na kapanayamin din ang nanguna sa inspeksyon na si Engr. Evina. Ayon sa kanya, maraming kadahilanan kaya hindi ito pumasa. Una ang palikuran na ito ay may probisyon para sa mga kababayan nating PWD. Sa aktuwal na inspection, wala itong grab bar at rampa na isa sa pangunahing kailangan dito. Pangalawa hindi tama ang pagkakalagay ng mga tubo at gripo. Pangatlo dapat may water closet ang toilet bowl nito at Hindi lamang pail flush. Pang apat, sub standard ang mga ginamit na kahoy dito, malayo sa nakasaad sa program of works.

Sa huli, nagbigay ng kasiguraduhan si Mayor Ong sa ating mga kababayan na palaging sinisikap n'ya at ng buong lokal na pamahalaan na mabigyan ng sapat at wastong proyekto na nakasunod sa panuntunan na nararapat para pangangailangan at kapakinabangan ng bayan.

Ciao!

Clear blue skies. Magandang umaga. 😊0921H07312023Pakpaklawin, Punta Baja
31/07/2023

Clear blue skies. Magandang umaga. 😊

0921H
07312023
Pakpaklawin, Punta Baja

Kahapon sa ika 42 regular na sesyon ng inyong 16th Sangguniang Bayan ganap na ika 9 ng umaga, inanyayahan ang mga Manage...
25/07/2023

Kahapon sa ika 42 regular na sesyon ng inyong 16th Sangguniang Bayan ganap na ika 9 ng umaga, inanyayahan ang mga Manager/OIC ng nga tindahan ng mga Motorsiklo sa ating bayan.

Ito ay bunsod ng mga hinaing ng ating mga kababayan ukol sa matagal na pagre-release ng OR/CR ng kanilang mga nabiling Motorsiklo.

Dumalo sina G. Shamir Vicente-RUSI, G. Gibson Obaniana-METRO MOTORBIKES CORP, G. Jaysin Galveri-PROBIKES, Karl Martos-STARBIKE at si G. Norbenz Himaya ng MITSUKUSHI.

Katulad ni VM Zapanta, inabot din ng 8 taon ang mga nakuhang motor ni SB Fuentes ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nila hawak ang mga OR nito.

Paliwanag ng ating mga panauhin ang problema ay hindi sa kanila kundi sa LTO mismo mula 2016 hanggang 2019. Pero sa mga mas bagong nabibiling motorsiklo inaabot lamang ng 2-3 mos ay pwede nang makuha ang mga papeles nito.

Sa problema ni VM Zapanta at SB Fuentes, maari nang i request ang kanilang mga OR dahil maaring nasa kanilang records section na sa kanilang main branch ang mga nasabing papeles.

Ang pangunahing violation na nasisita ng ating mga kapulisan sa mga checkpoints ay kawalan ng mga helmet at pangalawa ang lisensya kaya ang katanungan ng inyong lingkod ay kung ang lahat ba ng nilalabas na mga motor ay may kasamang helmet at kung nirerequire ba na magpakita ng kahit student permit nalang ang mga bibili nito.

Tugon ng ating mga panauhin, may kasama talagang helmet ang kanilang mga motor na bago at ayon din kay G. Vicente ng RUSI, bago ilabas ang motor hinahanapan nila ng lisensya ang mga bumili at kung sakali namang wala, pinapayuhan nila na kumuha ang mga ito.

Ang access naman sa mga tanggapan ng LTO ang pangunahing problema ng mga taga Rizal. Ito ang tinuran ni G. Himaya mula sa Mitsukoshi. Ipinaliwanag naman ng inyong lingkod na hindi nagkulang ang inyong Sangguniang Bayan sa pagpapadala ng paanyaya sa pamunuan ng LTO na para sila ay pumunta sa ating bayan ngunit ito ay hindi pa rin napagbibigyan sa kasalukuyan.

Batid ng inyong lingkod na ang mga kumpanyang ito ay nag ooperate sa prinsipyo ng negosyo at nandito sila para kumita. Humiling na lamang ang inyong lingkod na gawin ng bawat isa na responsibilidad na bago maglabas ng motor ay gawin na nila ang ginagawa ng RUSI na hanapan ng lisensya o hikayatin ang mga ito na kumuha ng kahit student permit na lamang basta magkaroon ng kahit konting seminar sa mga umiiral na batas ng lansangan upang maiwasan ang mga aksidente sa kalsada.

Sa huli, alam natin na pansamantalang solusyon lamang ang mga ito at sa pakikipagtulungan ng inyong 16th Sanggunian sa ating alkalde na meron ding plano upang dalhin dito ang tanggapan ng LTO na permanente na kanyang binabanggit sa mga nakaraang mga pagkakataon, maisasakatuparan din natin ito. Kapit lang. πŸ™‚

19/07/2023

Pa react naman sa original post mga Lods..

Kahapon, ika 18 ng Hulyo ginanap ang pagpupulong ng market committee na pinamumunuan ng ating Alkalde Norman S. Ong sa i...
19/07/2023

Kahapon, ika 18 ng Hulyo ginanap ang pagpupulong ng market committee na pinamumunuan ng ating Alkalde Norman S. Ong sa ikalawang palapag ng food court sa Bgy Punta Baja.

Nag ulat ang tanggapan ng MEEDO sa pamamagitan ni Engr. Nelson AvanceΓ±a na sya namang namumuno dito sa kalagayan ng ating merkado. Kabilang dito ang presentasyon ng mga koleksyon sa ating palengke na may positibong lampas dalawampong porsyentong mahigit kumpara sa kanilang target sa kasalukuyang buwan.

Napag usapan din ang kasalukuyang estado ng ilang mga umuukupa sa ilan sa mga stall sa palengke na may mga kakulangan sa pagbabayad sa kanilang buwanang obligasyon.

Ipinagbigay alam din ng mga mga bagong opisyal ng vendors association na kasabay na nanumpa din sa kanilang mga tungkulin sa harap ni Mayor Ong ang talamak na pagreretail ng isda sa ating fishport na mahigpit na ipinagbabawal.

Ipinagbigay alam din ni Mayor na magkakaroon ng panibagong lokasyon ng talipapa sa Municipal Complex kung saan ililipat ang mga manininda ng talipapa sa bandang Core.

Humiling naman ang inyong lingkod na bigyan naman ng pwesto ang mga lokal na magsasaka ng prutas at gulay lalo na ang mga kababayan nating mga katutubo na madalas ay binabarat lamang ng mga mapagsamantalang "middleman" sa kanilang mga produkto na sya namang pinaunlakan ng ating alkade.

Pinaunlakan din ng alkalde at ng market committee ang kahilingan ng vendors association na muling ibalik sa dating lokasyon ang market day na magsisimula sa susunod na Lunes ng hapon at buong araw ng Martes.

Kanina ganap na ika 11:32 ng umaga, dumalo ang mga kinatawan ng NAPOCOR at PALECO sa paanyaya ng inyong 16th Sangguniang...
17/07/2023

Kanina ganap na ika 11:32 ng umaga, dumalo ang mga kinatawan ng NAPOCOR at PALECO sa paanyaya ng inyong 16th Sangguniang Bayan upang magbigay linaw sa mga katanungan ng taumbayan sa madalas na pagkawala ng serbisyo ng kuryente sa ating bayan.

Ayon sa kinatawan ng NAPOCOR na si Engr. Alberto Dalonos, ang pagkawala ng serbisyo ng kuryente partikular noong ika sampu ng Hulyo ay dahil sa mga problemang teknikal na sanhi ng pagkasira ng isa sa mga generator. Nagbigay naman ito ng kasiguruhan na maliban sa ipapakumpuni ito ay may mga backup generators na dadalhin dito bago matapos ang susunod na buwan

Ayon naman sa kinatawan ng PALECO na si Engr Allan Lacquiores, ang mga pagkawala ng serbisyo ng kuryente niyong nagdaang linggo ay sanhi ng malalakas na ulan at malakas din na hangin na madalas matumbahan ng mga puno o malaglagan ng mga sanga ng punongkahoy ang mga linya ng kuryente kaya kinakailangan pa nitong maalis sa linya bago maibalik ang daloy ng kuryente.

Sa ilang mga katanungan ng ilan nating kasamahan na sina Hon Macasaet, Hon Fuentes at VM Zapanta tungkol naman sa pag lobo ng kanilang mga bill ng kuryente, ipinaalam din ng isa pang kinatawan ng PALECO na si Engr. Tawtawan na merong pagtaas ng singil na aprubado ng DOE na hindi naman tayo naimpormahan. Dahil dito gumawa ng resolusyon ang Inyong 16th Sangguniang Bayan na humihiling sa pamunuan ng PALECO na magsagawa ng Public Forum sa ating bayan.

Ang inyo namang lingkod ay nagmungkahi na kung maaari, mag talaga ang mga mga ahensyang ito ng mga individual na palaging magbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng social media, radio announcement o textblasts sa ating mga kababayan ng mga kadahilanan o paliwanag sa mga pagkawala ng serbisyo ng kuryente o magtataya ng pagbalik nito dahil malaki ang epekto ng mga ganitong sitwasyon hindi lamang sa mga ordinaryong residente kundi pati na rin sa mga negosyo na ang mga kalakal ay kinabibilangan ng mga frozen foods o serbisyo na nangangailangan ng kuryente upang makapag plano at magawan agad ng paraan para maisalba ang kanilang mga kalakal o mga serbisyo na nangangailangan ng serbisyo ng kuryente. Ito naman ay pinagtibay at ginawang isang resolusyon ng inyong 16th Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Zapanta.

Sa huli, nagpasalamat pa rin ang inyong lingkod sa serbisyo ng mga ahensyang ito na sa kabila ng mga aberya ay masasabi pa rin natin na mas maayos ang kanilang serbisyo dito sa ating bayan kumpara sa lungsod ng Puerto Princesa at iba pang mga bayan na nakakabit sa grid.

Congratulations to all the graduates. πŸ₯°
14/07/2023

Congratulations to all the graduates. πŸ₯°

Pa-isa muna with former Congressman and former Governor of Maguindanao Esmael "Toto" Mangudadatu.
07/07/2023

Pa-isa muna with former Congressman and former Governor of Maguindanao Esmael "Toto" Mangudadatu.

Isang pambihirang pagkakataon na makasama sa isang "selfie" ang dalawa sa mga pinaka hinahangaan nating dating mga Gober...
06/07/2023

Isang pambihirang pagkakataon na makasama sa isang "selfie" ang dalawa sa mga pinaka hinahangaan nating dating mga Gobernador. Former Governor Jose Chaves Alvarez (Palawan) Former Governor (Cotabato) & Former Agriculture Secretary Manny Fantin PiΓ±ol.

Eid UL-adha Mubarak.0820H062803Municipal ComplexPunta Baja, Rizal, Palawan
28/06/2023

Eid UL-adha Mubarak.
0820H
062803
Municipal Complex
Punta Baja, Rizal, Palawan

REGISTERED VOTERS PER BARANGAY FOR THE NEXT BGY ELECTIONSBunog - 3,129Campong Ulay - 1,880Candawaga - 5,421Canipaan - 2,...
26/06/2023

REGISTERED VOTERS PER BARANGAY FOR THE NEXT BGY ELECTIONS

Bunog - 3,129
Campong Ulay - 1,880
Candawaga - 5,421
Canipaan - 2,386
Culasian - 2,588
Iraan - 5,823
Latud - 2,592
Panalingaan - 3,699
Punta Baja - 9,884
Ransang - 4,437
Taburi - 3,585

Total 32,287

Source: COMELEC-RIZAL

22/06/2023

Check out Galadgad's video.

Anong kwentong Baragatan mo?πŸ“Έ Louie Jay Tolentino
21/06/2023

Anong kwentong Baragatan mo?

πŸ“Έ Louie Jay Tolentino

16/06/2023

Uuuuuy, uuuuuy, uy, uy, uy!

Tuloy po kayo. πŸ™‚
14/06/2023

Tuloy po kayo. πŸ™‚

PABATID: LUMIPAT NA PO ANG OPISINA NG IKALAWANG DISTRITO NG PALAWAN SA LUMANG MUNISIPYO NG BAYAN NG BROOKES POINT, SA DATING MAYOR'S OFFICE PO.

Bunog SMART towerActual speedtestNovember 26, 2021Maharlika, Bunog1731H
26/11/2021

Bunog SMART tower

Actual speedtest
November 26, 2021
Maharlika, Bunog
1731H

Maglilingkod sa inyo, bente kuwatro oras.Palawan Rescue 165Rizal OpCenHotline: 09994538988
19/11/2021

Maglilingkod sa inyo, bente kuwatro oras.

Palawan Rescue 165
Rizal OpCen
Hotline: 09994538988

Gobyerno Sa Barangay (GSB) Laban sa COVID19 by the Provincial Government of PALAWAN.Municipal Gym, Punta Baja0730H
12/11/2021

Gobyerno Sa Barangay (GSB) Laban sa COVID19 by the Provincial Government of PALAWAN.

Municipal Gym, Punta Baja
0730H

Address

Nigue-Nigue, Canipaan
Rizal
5323

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tambayan ni Kuya Kim posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share


Other Digital creator in Rizal

Show All