Ang Aking Buhay

Ang Aking Buhay Those who r content r truly the richest.Even f they hve little, their minds are filled with happiness
(4)

ANG AKING BUHAY, SA IYO LAMANG IAALAY... SA IYO LAMANG IBIBIGAY.

Smile lang...
14/12/2024

Smile lang...

01/12/2024

Ang buhay ay hindi madali para sa lahat. Marami sa atin ang dumaranas ng hirap. Subalit lahat tayo ay binibigyan ng pagkakataon. Pagkakataon kung paano malalampasan ang mga suliranin, nasa ating sariling paraan kung paano pagaanin ang mga dalahin, kailangan lang nating maging masaya at magpatuloy sa nga lakbayin at doon mo makikita na ang lahat ng paghihirap ay may hangganan. Huwag sumuko sa mga pagsubok dahil dito makikita ang tibay ng loob .

Huwag mong kainggitan ang taong umaangat ang buhay dahil hindi mo alam kung gaano kahirap ang kanyang mga naranasan bago...
29/11/2024

Huwag mong kainggitan ang taong umaangat ang buhay dahil hindi mo alam kung gaano kahirap ang kanyang mga naranasan bago nakatikim ng kaginhawaan.
Magsikap ka rin at maging mapagpakumbaba, para ikaw din ay pagpapalain ng Amang lumikha.

19/11/2024

Ang taong mapagmataas ay laging minamalas.
Ang taong mapagpakumbaba, laging pinagpapala.
Anuman ang narating mo dapat matuto ka pa ring rumespeto sa kapuwa-tao.

17/11/2024

Ang katrabaho kong perpek

Mayron akong katrabaho doon sa opisina
Ang kaniyang ugali sadyang kakaiba
JOLLIBEE kung tawagin pagkat laging bida
Ayaw masapawan ayaw ng kinokontra.

Minsa'y MANILA PAPER ang kanyang galawan
Mahilig pumapel kahit ano na lang
Madalas ding POZO NEGRO sipsip nakahiligan
At laging nagda-DOWNY pabangong mapanlinlang.

May mga sandaling OROCAN ang asal
Mapagkunwari sanay sa kaplastikan
Gamit ay PRIDE BAR gusto'y nasa kaitaasan
Ayaw magpakumbaba kahit may kamalian.

AASA PA BA ANG PUSO?Paano kita makakalimutanKung pagpikit ng mataNakikita ang iyong larawanBugso nitong damdaminHindi ko...
03/11/2024

AASA PA BA ANG PUSO?

Paano kita makakalimutan
Kung pagpikit ng mata
Nakikita ang iyong larawan
Bugso nitong damdamin
Hindi ko maintindihan
Pilit bumabalik ating nakaraan.

Ang sakit na iyong ipinadama
Puso ko'y iyong sinugatan
Ibinaon sa limot
Upang kirot ay maibsan
Hinanakit sa puso'y wala ng naiwan
Tanging masasayang ala-ala
Ang narito sa kaibuturan
Ang iyong pagbabalik aking inaasam-asam.

Subalit ang tadhana ay sadyang mailap
Sa panaginip na lamang nagku-krus ang ating landas
At doo'y magkaulayaw
Sumasayaw sa galak
Sa paggising ng diwa
Luha sa mata'y pumapatak.

Nais ko mang ibaling sa iba ang pansin
Ngunit ako'y bigo kahit anong gawin
Ika'y nag-iisa dito sa aking damdamin
Ako'y magbabaka- sakali
Na muli kang dumating.

Aasa pa ba itong puso ko
Kahit batid kong ika'y napakalayo
At may ibang pagsinta at kasuyo
Sa pangarap na lang ako ang iyong kasalo.

Ikaw ang aking lakas.Kapag nanghihina isipin ko lang na nariyan ka ako'y sumisigla.Ikaw ang aking pahingaSa mga sandalin...
02/11/2024

Ikaw ang aking lakas.
Kapag nanghihina isipin ko lang na nariyan ka ako'y sumisigla.
Ikaw ang aking pahinga
Sa mga sandaling nakakaramdam ng kapaguran makita ko lang na masaya ka gumagaan na ang pakiramdam
Ikaw ang aking kapayapaan.
Sa tuwing isip at puso'y nagugulumihan isang ngiti mo lang kalmado na ang aking kapaligiran.
Ikaw ang karugtong ng buhay ko.....

Malinis at tahimik na kapaligiran, bukas pagkatapos ng undas, siguradong kalat ang basura ng mga taong walang disiplina ...
31/10/2024

Malinis at tahimik na kapaligiran, bukas pagkatapos ng undas, siguradong kalat ang basura ng mga taong walang disiplina at ang mindset nila may janitor na binabayaran. Sana kahit sa munting paraan, ipakita ang disiplina at pagtutulungan upang umangat ang kalidad ng bawat mamamayan.

30/10/2024

Napakahusay ang dulot ng pagiging kalma sa lahat ng oras. Hindi ka mai- stress, hindi ka makakaramdam ng galit, pati puso mo naka-relax at nakakahinga ka ng maluwag.... subukan mo rin kaibigan, makakaramdam ka ng katahimikan ng buhay.

30/10/2024
Proud ako kung ano ako, hindi sa mga bagay na meron ako.
30/10/2024

Proud ako kung ano ako, hindi sa mga bagay na meron ako.

Mahalin at pahalagahan ang trabahong pinagkukunan mo ng pang kain araw -araw. Huwag mong ikahiya ito lalo na at marangal...
28/10/2024

Mahalin at pahalagahan ang trabahong pinagkukunan mo ng pang kain araw -araw. Huwag mong ikahiya ito lalo na at marangal. Huwag kang magdamdam kung anuman ang estado ng iba, isipin mo lahat tayo ay pantay-pantay.

Lahat tayo may kanya kanyang laban, yong iba masyado ng pagod para saluhin pa yong laban mo. Pag may tumulong sayo, be t...
17/10/2024

Lahat tayo may kanya kanyang laban, yong iba masyado ng pagod para saluhin pa yong laban mo. Pag may tumulong sayo, be thankful and Make sure magamit mo sa tama, hindi sa luho because not all the time may handang umalalay sayo. 😉

Maging masaya ka pag may isa sa pamilya mo ang nananalo sa buhay. Wag mong kainggitan, wag mong hilahin pababa. Ipagpasa...
17/10/2024

Maging masaya ka pag may isa sa pamilya mo ang nananalo sa buhay. Wag mong kainggitan, wag mong hilahin pababa. Ipagpasalamat mo sa taas na kahit papano, may isa sainyo ang hindi na nakakaranas ng hirap.

Thanks for being a top engager and making it on to my weekly engagement list! 🎉 Arlene Paccial, Editha D. Apostol Laurin...
15/10/2024

Thanks for being a top engager and making it on to my weekly engagement list! 🎉 Arlene Paccial, Editha D. Apostol Laurino, Honey Villar, Glady Abrea, Doriz Banaag, Angela Mendoza, Julie Agana, Iylen Escaran, Nesie San Andres, Remedios Dela Torre

Address

Serrano, Coral
Ramos
2311

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Aking Buhay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

Nearby media companies


Other Digital creator in Ramos

Show All