98.3 Brigada News FM Quezon,Palawan

98.3 Brigada News FM Quezon,Palawan The Music and News Authority
(2)

19/03/2024

TRICYCLE SA QUEZON PALAWAN, MAY BAGONG TARIPA


SALI NA MGA KA-BRIGADA!!!!
19/03/2024

SALI NA MGA KA-BRIGADA!!!!

😀😀😀 Unang Ka-Brigada natin sa Quezon,Palawan na nabigyan ng limang piraso na Maxan 8-in-1 coffee!!!
14/03/2024

😀😀😀 Unang Ka-Brigada natin sa Quezon,Palawan na nabigyan ng limang piraso na Maxan 8-in-1 coffee!!!

08/03/2024
08/03/2024

Mga Ka-Brigada,mamimigay tayo ng 5 pcs.na Maxan Coffee dito sa Quezon, Palawan next week!!!!

18/01/2024

Hi mga Ka-Brigada!!!! mayroon bang magandang epekto ang aming mga brigada health products sa inyo? comment lang mga Ka-Brigada 😀

07/12/2023
06/12/2023

LALAKI SINAKSAK ANG KA-TRABAHO DAHIL KINAGAT SIYA NG LANGGAM

Sugatan ang isang Johnny Ariston Quiñanola, 33 anyos matapos saksakin ng kanyang katrabaho na si Romulo Albania, 38 anyos bandang ala-una ng hapon kahapon, Ika-5 ng Disyembre.

Ayon sa PNP, inutusan ni Johnny si Romulo na dalhin ang graba sa ginagawa nilang gusali ngunit habang dinadala ng suspek ang graba ay kinagat umano siya ng langgam.

Dahil dito kinompronta umano ni Romulo si Johnny na humantong sa pagtatalo at nauwi sa pananaksak.

Kaugnay nito, isinugod sa pagamutan ang biktima at ang suspek ay naaresto ng mga rumesponding tauhan ng Narra PNP.

Samantala, nahaharap na sa kasong Frustrated Murder ang suspek.

06/12/2023
06/12/2023

PANAWAGAN | 16-ANYOS NA DALAGA, APAT NA ARAW NG NAWAWALA

Nanawagan ang Pamilya Endrico ng Taytay, Palawan sa maaaring nakakita o tinutuluyan ng kanilang anak na si Baby Love Emit Endrico, 16-anyos mula sa Barangay Poblacion, Taytay, Palawan.

Ayon kay Redelyn Longcayana, nitong Biyernes (December, 1) ay maaga umanong pumasok ang kanyang kapatid sa eskwelahan ngunit hindi na ito nakauwi.

Batay umano sa update sa kanila ng ilang mga concern citizen ay huling nakita si Baby love sa bayan ng El Nido.

Aniya, kasama rin nila umanong naghahanap ngayon ang Boyfriend nito at nagpa-blotter na sa PNP.

Lubos na nag-aalala na umano ang mga magulang nito sa kanilang nawawalang anak.

Samantala, sa maaring nakakita maaring makipag-ugnayan sa numerong 0967-790-6725

05/12/2023
03/12/2023

QUOTA SYSTEM SA MGA AHENSYA NG LAW ENFORCEMENT, NAGDUDULOT UMANO NG NEGATIBONG EPEKTO

Inihayag ng isang associate justice ng Sandiganbayan noong Sabado, Disyembre 2, na kailangan ng mga ahensya ng law enforcement na tiyakin na maayos at de-kalidad ang kanilang mga pag-aresto upang mabawasan din ang dami ng mga nakakulong sa bansa.

Sa isang forum, ipinahayag ni Sandiganbayan Associate Justice Karl Miranda na ang sistema ng quota sa pag-aresto ay nagdudulot ng paglobo ng bilang ng mga nakakulong.

“Malaki ang papel nito [quota sa pag-aresto] sa kanilang promosyon, ngunit minsan … ito ay nagreresulta sa walang pinipiling pag-aresto, para lamang maabot ang quota o mga target,” sabi ni Miranda.

Idinagdag pa ng hukom ng Sandiganbayan na ang “batayan ng promosyon ay hindi dapat ang bilang ng mga naaresto, kundi ang kalidad ng pag-aresto.”

03/12/2023

Lotto Result
December 03, 2023
9PM Draw

03/12/2023
05/11/2023

BINATILYO, PATAY MATAPOS SAKSAKIN SA BAYAN NG RIZAL PALAWAN

Patay ang isang binatilyo matapos saksakin nitong madaling araw ng sabado sa Purok Base, Barangay Punta Baja, Rizal, Palawan.

Kinilala ang biktima na si James Cardero Mesa @ Eboy Mesa,16 anyos, isang mangingisda, residente ng Sitio Bliss, Barangay Alfonso Xiii, Quezon habang kinilala naman ang mga suspek na sina Aerljhin Montiseno Lagtapon @ Jackie Lagtapon at si Sandy Lacandi Borja pawang mga nasa hustong gulang at mga residente rin sa Rizal, Palawan.

Sa imbestigasyon ng Rizal MPS, papauwi na ang biktima kasama ang mga kaibigan nito galing sa isang disco party (sayawan sa barrio) nang makasalubong ng mga ito ang isang grupo ng mga suspek at nagkaroon ng komusyon.

Natukoy naman ng witness sa mga suspek sinabi nitong sinuntok muna ang biktima bago ito sinaksak ng dalawang beses sa bahaging likod ng katawan.

Samantala, naaresto naman ang mga suspek sa isinagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad at nahaharap na ngayon sa kasong murder.

16/10/2023

AMA, TINAGA NG LASING NA ANAK- SUGATAN

Sugatan ang isang Oscar Tadle Sr. matapos na tagain ng kanyang lasing na anak sa kanilang bahay sa Purok Calachuci, Barangay Alfonso XIII, Quezon, Palawan.

Ang suspek ay si Oscar Tadle Jr. 47 anyos.

Ayon sa PNP, ito ay nangyari nitong Linggo, Ika-15 ng Oktubre, nang magkaroon umano ng pagtatalo ang mag-ama.

Sa imbestigasyon, nagpapahinga umano si Tadle Sr. sa kanyang Rocking Chair ng oras na iyon nang dumating si Tadle Jr bago nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

Dahil dito, kumuha ng itak suspek bago tinaga sa ulo ang kanyang ama.

Samantala, agad na isinugod sa pagamutan ang biktima habang ang suspek ay inaresto ng pulisya at mahaharap sa kasong Parricide.

28/09/2023

RIDER, SUMALPOK SA KASALUBONG NA VAN-PATAY

Patay ang isang rider na si Rosiedi Asan Labit, 29 anyos matapos na sumalpok sa kasalubong na van sa National Highway ng Sitio Pajo, Barangay Punta Baja, Rizal, Palawan bandang alas-singko ng hapon kahapon, Ika-27 ng Setyembre.

Ang driver ng van ay si Vicente Servando Alisangco, 48 anyos.

Ayon sa PNP, pabalik na sana ang van sa Puerto Princesa City nang makasalubong nito ang humaharurot na rider sa kurbadang bahagi ng daan.

Nag-overshoot umano ang rider dahilan para bumangga ito sa kasalubong na sasakyan.

Kaugnay nito, sinubukan pang isugod sa pagamutan si Labit ngunit idineklara itong dead on arrival dahil sa tinamong malalang pinsala sa katawan.

Samantala, nasa kustodiya na ng PNP ang dalawang behikulo.

22/09/2023
13/09/2023

ILANG DATI AT KASALUKUYANG BOARD OF DIRECTOR NG PALECO, PINAGPALIWANAG NG NEA; 2 SINUSPENDE NG 90 ARAW, 1 MAY DISMISSAL

Pinatawan ng dismissal at sinuspende ng 90 araw ang isang Board of Director (BOD) at isa pang kasalukuyang BOD ng Palawan Electric Cooperative (PALECO).

Ito ay sa katauhan ni District II BOD Moises R. Arzaga, Jr. na dinismiss ng National Electrification Administration (NEA) at sinuspende rin ng siyamnapung araw mula noong September 7, 2023.

Bukod sa kanya, suspended din ng 90 days si District 1 Director Ms. Maylene del Rio Ballares.

Nag-ugat umano ang order of dismissal ni Arzaga noong siya’y naging BOD rin noong taong 2008 ng PALECO dahil umano sa mahal o sobra na pagbili ng poste ng kooperatiba.

Habang sinuspende umano ang dalawang nabanggit na BOD dahil sa kontrata sa pagitan ng PALECO- BOD at kontraktor sa Sitio/Barangay Electrification Program taong 2017 sa westcoast Barangay ng Puerto Princesa.

Binigyan ng 15 days ang mga ito para magpaliwanag o maghain ng apela.

Samantala, kinumpirma sa Brigada ni PALECO Manager Engr. Rez L. Contrivida na marami ang dati at kasalukuyang BOD ang inisyuhan ng summon ng NEA, ngunit wala na umano siyang alam tungkol sa nilalaman nito.

Address

Quezon

Telephone

+639123849142

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 98.3 Brigada News FM Quezon,Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Nearby media companies


Other Broadcasting & media production in Quezon

Show All

You may also like