21/12/2017
ANG KUWENTO NG TUYO, GALUNGGONG, AT TALBOS
Sa isang tinatayong matayog na building, Habang abala sa trabaho ang mga karpentero, biglang tumunog ang bell......"Klang!..Klang!..Klang!"...ay may sumigaw..."Oh Break muna!"...
Tumigil muna sa pagtatrabaho ang mga karpentero para mag-break at kumain muna...
Tatlo sa mga Karpentero ang nagkumpulan sa isang silid...
si JUAN, si PEDRO, at si GARDO..
JUAN: "Tara mga 'tol, mag tanghalian muna Tayo"..
PEDRO: "Sige Bro Tara"...
GARDO: "Ano ba ulam mo Juan?"...
JUAN: "Hay..pustahan Tayo..Tuyo na naman ito"...( at binuksan ang kanyang lunch box..napasigaw si Juan! )...."TUYOOOOO NA NAMAAAAAN!!!"....
"Walanjong 'yan!..Pag bukas Tuyo na naman ang baon ko, pangako tatalon ako sa building na ito!"...
GARDO: "Grabe ka naman Bro!"..Ikaw Pareng Pedro, ano ulam mo?"...
PEDRO: "Wala..panigurado ganun din kahapon"...( at binuksan ang kanyang lunch box..napasigaw din si Pedro! )..."GALUNGGOOONG NA NAMAAAAN!!!"....
"Badtrip din Ako Pre!..Kapag Bukas, Galunggong pa din ang baon ko, tatalon din Ako sa building na ito!"...Hmpt!..Bakit Ikaw ba Gardo, ano ba ulam mo?...
Binuksan na din ni Gardo ang kanyang lunch box, at kagaya din sa dalawa, napasigaw din Siya!..
GARDO: ..."TALBOOOOOS NA NAMAAAAAN!!!"....
"Tsk!..Badtrip!...Walanjo bukas tatalon na din Ako sa building na ito kapag Talbos pa din ulam ko!"...
KINABUKASAN...
Break Time ulit!...Malakas ang tunog ng bell!...
Nagsama-samang ulit sila Juan, Pedro, at Gardo...
This is the Moment of Truth!..Sabay saby silang nagbukasan ng kani-kanilang lunch boxes!...
At sa kasamaang palad, ganun pa din ang mga ulam nila!..So sabay sabay na tumalon ang tatlong mokong sa building kung saan sila nagtatrabaho...and guess what?...Siyempre Patay silang lahat!...
Nung araw ng libing, Nagiiyakan ang mga Asawa nina Juan, Pedro, at Gardo...
Sabi ng Asawa ni Juan: "Huhuhuhuh!"...Kung sinabi lang sana ni Juan my loves na sawa na Siya sa Tuyo, eh di sana pinagluto ko na lang Siya ng iba...Huhuhuhuhu!"....
Sabi naman ng Asawa ni Pedro: "Oo nga..Huhuhuhuh!"...si Pedro ko din, hindi naman nagsasabi na sawa na Siya sa Galunggong, eh dati naman favorite Niya 'yun!..Bakit ba Nila nagawa ito sa Atin?!..Huhuhuhuhu!"....
Napansin Nila ang Asawa ni Gardo..ni hindi man lang kasi ito umiiyak....."Oh Misis?...Bakit hindi ka umiiyak?...Hindi ka ba nalulungkot sa pagkamatay ng Asawa mong si Gardo?"....
Sabi ng Asawa ni Gardo: "Nagtataka lang kasi Ako kung Bakit nagpakamatay si Gardo?..Imposible namang dahil sa baon Niya ang dahilan?...Kasi Siya naman ang Nagpe-Prepare at Nagluluto ng Sarili Niyang Baon eh?!"....
At Diyan po nagtatapos ang Kuwento ng Tuyo, Galunggong, at Talbos....Tsk, Tsk!...
So bakit ko kinuwento ito?...( Wala lang!..Para magutom Kayo!..Joke! )
Dalawang Bagay ang Puwede mong Matutunan sa walang kuwentang kuwento na ito...
Una...sa Buhay Natin, Tayo mismo ang gumagawa ng Sarili Nating Kapalaran...Kung ano man ang Kalagayan Natin sa buhay, 'yun ay ang resulta ng mga napili nating desisyon...Minsan kasi hindi Natin naiisip na Nasa Kamay o nasa Atin ang kakayahan Natin para magbago,at para sa pagbabago..Sa halip ay naghahanap na lang Tayo ng ibang masisisi kung Bakit paulit-ulit na lang ang nangyayari sa Ating Buhay...
Pangalawa, parang si Gardo....Gumaya Siya kila Juan at Pedro...Kasi 'yun ang nakikita Niya sa dalawa...'Yun ang Naging Mindset Nila..Sabi nga NIla, ang Success mo ay nakadepende sa environment na ginagalawan mo...So kung ang mga Tao sa paligid mo ay Puro na lang Reklamo, at Paninisi na lang sa ibang bagay dahil daw sa hirap ng buhay, hindi mo namamalayan, nagagaya mo na din Sila, at Nahahawa ka na din sa Kung ano mang Negatibong Mindset meron Sila....
So Better Choose Your environment, at ang Piliin mo 'yung environment na Magpu-Push Sa'yo na mag-Grow at abutin 'yung mga Gusto mong mangyari sa Buhay mo..Huwag kang Tumulad kila Juan, Pedro at Gardo...Step Out of Your Comfort Zone...
So 'yun lang naman..Sana ay may napulot Kayong Kalokohan...Este!...Karunungan....πππ