Nakaapak na si Mary Jane Veloso sa Pilipinas pero nananatili pa rin siyang nakakulong sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.
Kaya sa pangunguna ng Migrante International, inilunsad ng petition signing sa Baclaran Church para ipanawagan sa pamahalaan ang clemency para kay Mary Jane na biktima ng human trafficking.
Panoorin:
Beauty standard: Dune sa malayo.
New #TalkBaks episode tonight Saturday, December 21, premiering on the Altermidya Youtube channel!
#alternativemedia #podcast #philippines
Clemency para kay Mary Jane Veloso
'Full and absolute clemency' ang panawagan ng pamilya at mga tagasuporta ni Mary Jane Veloso kasunod ng pag-uwi niya sa Pilipinas ngayong araw matapos ang 14 taong pagkakakulong sa Indonesia.
Panoorin ang aming ulat.
New #TalkBaks episode this Saturday, December 21 where we're getting vulnerable (kinda). Tune in on the #Altermidya Youtube channel!
#LakanUmali #NeilEco #philippines #podcast
PANOORIN: Pagsalubong sa magulang ni Mary Jane Veloso.
Matapos iwan ng convoy ng Bureau of Corrections sa airport, nakasunod na ang pamilya ni Mary Jane Veloso sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
Papasok na sina Celia at Cesar Veloso, magulang ni Mary Jane, ngayon sa loob ng CIW kasama ang kanilang mga abugado para siya ay makita na.
PANOORIN: Pagdating ni Mary Jane Veloso sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong ngayong umaga, Disyembre 18
Mary Jane Veloso, nasa Pilipinas na
Matapos ang mahigit isang oras na paghihintay, dumating na si Mary Jane Veloso sa NAIA Terminal 3.
Hindi na nabigyan ng pagkakataong makasalubong ni Mary Jane ang kanyang mga kapamilyang naghintay sa kanya dahil agad siyang isinakay sa van ng Bureau of Corrections at dinala patungong Correctional Institution for Women sa Mandaluyong.
Video courtesy of Liza Maza
'Welcome home, Mary Jane'
Inaabangan na sa NAIA ngayong umaga, Disyembre 18, ng mga kapamilya ni Mary Jane Veloso ang kanyang pagdating sa Pilipinas mula Indonesia matapos ang higit 14 taong pagkakakulong.
Ang pagbabalik ni Mary Jane Veloso ay naging posible dahil sa kasunduan sa pagitan ng gobyerno ng Indonesia at Pilipinas na dito sa bansa na ituloy ang kanyang sentensya.
Pero giit ng pamilya Veloso, bigyan na dapat ng Malacañang si Mary Jane ng clemency at hindi na ikulong muli dahil siya ay biktima ng human trafficking.
Kasama rin sa mga sasalubong kay Mary Jane ay ang mga abugado niya, mga miyembro ng Migrante International, church leaders mula sa Save Mary Jane Task Force, at si former Gabriela Rep. Liza Maza.
Video courtesy of Liza Maza
PANOORIN: Video call ni Mary Jane Veloso sa kanyang pamilya mula Jakarta airport kung saan siya ay naghahanda na sa kanyang flight pabalik sa Pilipinas.
Tumungo sa Maynila ang mga kapamilya ni Mary Jane mula Nueva Ecija para salubungin siya. Inaasahang makakarating na si Mary Jane sa Pilipinas ngayong madaling araw ng Disyembre 18.
Video mula sa Migrante International
Kumusta ang human rights sa bansa? | ALAB Analysis (Disyembre 10, 2024)
MAALAB NA PAGBATI, PILIPINAS!
Kumusta na ang sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa?
Pag-uusapan natin 'yan sa ALAB Analysis kasama si former senator Leila De Lima. Tumutok at makisali sa diskusyon! 🔥