Matanglawin Ateneo

Matanglawin Ateneo Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Ateneo de Manila. Para sa malaya at mapagpalayang pamamahayag.

  | SA PANANALASA ng sunod-sunod na matitinding bagyo sa bansa ngayong taon, kapansin-pansin ang pinsala at lagim na sin...
22/12/2024

| SA PANANALASA ng sunod-sunod na matitinding bagyo sa bansa ngayong taon, kapansin-pansin ang pinsala at lagim na sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng bulok na pamamahala.

Anong uri ng Pasko kaya ang matatamasa ng mga tao kung napilayan na ang kanilang kabuhayan, nasira ang kani-kaniyang tahanan, at namatayan pa ng mga mahal sa buhay?

BASAHIN ang buong ulat dito:
https://www.matanglawin-ateneo.com/articles/paskumukutitap

Sulat nina Alyannah Abarrientos at Renzie Venturozo
Disenyo ni Calix Del Rosario

  | Ang pasko ay sumapit, tayo ay mangagsiawit...🎶Ang perpektong imahen ng kapaskuhan ay karaniwang patungkol sa buong p...
21/12/2024

| Ang pasko ay sumapit, tayo ay mangagsiawit...🎶

Ang perpektong imahen ng kapaskuhan ay karaniwang patungkol sa buong pamilyang nagsasalusalo sa hapag na puno ng masasarap na handaan kasabay ng mumunting kwentuhan.

Ngunit hindi lahat ay may sapat na kakayahan para gawing reyalidad ang ganitong larawan. Dahil kakambal ng ganitong mga selebrasyon ay ang patuloy na pag-aray ng bulsa ng nakararami.

BASAHIN ang buong kwento rito:
https://www.matanglawin-ateneo.com/articles/uuwing-talunan-o-ulila-sa-kapaskuhan

Sulat nina Louise Anne Moloa at Ivan Andrei Guaimal
Disenyo ni Calix Del Rosario

TINGNAN: Patuloy pa rin ang mga aktibidad sa mga bahagi ng SOM Forest, Faber Hall, at Red Brick Road para sa pagbubuo ng...
18/12/2024

TINGNAN: Patuloy pa rin ang mga aktibidad sa mga bahagi ng SOM Forest, Faber Hall, at Red Brick Road para sa pagbubuo ng bagong express lane ng mga bumibiyaheng e-jeep sa kampus ilang linggo matapos ang Unang Semestre.

Ayon kay Arch. Michael Canlas, Direktor ng Central Facilities Management Office (CFMO), target na matapos ang pagpapatayo sa bagong daanan sa Enero 12, bago ang simula ng Ikalawang Semestre. Kaagad namang gagamitin ito ng mga e-jeep matapos ang turnover.

Matatandaang kinwestiyon ng mga miyembro ng komunidad ang diumano'y pagpuputol ng mga punong nakaharang sa proyekto at ang kawalan ng kaukulang konsultasyon ng Administrasyon dito, kabilang na ang paglalabas ng Campus Master Plan.

Sulat ni Lance Arevada
Kuha ni Bea Frago

  | NAGKASUNDO NA ang panig ng Administrasyon ng Pamantasang Ateneo de Manila at Ateneo Employees and Workers Union (AEW...
18/12/2024

| NAGKASUNDO NA ang panig ng Administrasyon ng Pamantasang Ateneo de Manila at Ateneo Employees and Workers Union (AEWU) sa kanilang negosasyon para sa collective bargaining agreement (CBA) ng mga manggagawa sa taong 2024 hanggang 2027.

Ayon sa anunsyo ng Ateneo, nilagdaan ang kasunduan sa pagitan ng dalawang panig sa isang memorandum of agreement ngayong Miyerkules, ika-18 ng Disyembre.

Kabilang raw sa mga bagong probisyong pinagtibay ng kasunduan ay ang pagsasaayos ng sahod ng mga empleyado, seguridad ng unyon, at tulong-pinansyal sa mga namatayan sa pamilya.

Sabi pa ng Ateneo, inaasahang ipatutupad ang bagong CBA matapos itong ganap na ratipikahan ng mga panig na nakiisa sa mga diskusyon para sa pagbuo nito.

  | SA PATULOY NA PAGDINIG ng extrajudicial killings (EJK) sa Kongreso at Senado, ilang mga salita ang namutawi sa bibig...
16/12/2024

| SA PATULOY NA PAGDINIG ng extrajudicial killings (EJK) sa Kongreso at Senado, ilang mga salita ang namutawi sa bibig ng mga pinaghihinalaang puno't dulo ng mga pagpatay.

Ang mga salitang ito ay tila isang pagtangkang baguhin ang intensyon at intensidad ng pagpaslang sa libo-libong Pilipino sa kamay ng mga kapulisan.

BASAHIN ang buong ulat dito:
https://www.matanglawin-ateneo.com/articles/tinik-ng-mabubulaklak-na-salita

Sulat nina Lance Londres at Reizel Coco
Disenyo nina Justine Evora at Calix Del Rosario

MGA LARAWAN: Nagsagawa ng isang malawakang mobilisasyon ang iba’t ibang progresibong grupo at mula sa hanay ng mga sekto...
14/12/2024

MGA LARAWAN: Nagsagawa ng isang malawakang mobilisasyon ang iba’t ibang progresibong grupo at mula sa hanay ng mga sektor upang ipagdiwang ang International Human Rights Day noong ika-10 ng Disyembre.

Nagsimula ang martsa sa Liwasang Bonifacio na patungo sana ng Mendiola ngunit hinarang ito sa kahabaan ng Recto Avenue. Bagaman sinubukan ng mga lider ng hanay na makipag-usap sa mga kampo ng kapulisan, bahagyang gumalaw lamang ito palapit sa tarangkahan ng Mendiola.

Sa kanilang pagkilos, ipinahayag ng mga lider at kinatawan ng mga organisasyon ang kanilang mga panawagan at patuloy na hangarin upang maitaguyod ang karapatang pantao sa kabila ng giit nilang umiiral na inhustisya at paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.

Sulat ni Charles Perez
Kuha ni Marty Apuhin

BALIK-TANGLAW: Nagkasa ng isang malawakang mobilisasyon nitong ika-30 Nobyembre ang iba’t ibang mga progresibong grupo a...
11/12/2024

BALIK-TANGLAW: Nagkasa ng isang malawakang mobilisasyon nitong ika-30 Nobyembre ang iba’t ibang mga progresibong grupo at organisasyon hango mula sa iba’t ibang sektor ng bayan upang gunitain ang kapanganakan ni Andres Bonifacio.

Nagsimula ang malawak na hanay sa Liwasang Bonifacio patungong Mendiola ngunit hinarangan ito ng kapulisan. Nagpumiglas ang mga raliyista ngunit natigil din ito malapit sa tarangkahan ng Mendiola Peace Arch.

Isang organisador mula sa Bayan Muna, si Ka Nilo edad 61 taong gulang, ang inaresto at pinagtulungan ng kapulisan matapos nitong maglakad patungo sa arko ng Mendiola.

Kuha ni Marty Apuhin
Sulat ni Charles Perez

Hanggang saan aabot ang pakikibaka mo?Para kay Andres, umabot ito sa mga lansangan ng Maynila, at tulad ng mga kapwa bay...
30/11/2024

Hanggang saan aabot ang pakikibaka mo?

Para kay Andres, umabot ito sa mga lansangan ng Maynila, at tulad ng mga kapwa bayani ay humantong sa pag-aalay ng buhay. Sa araw na ito, ika-30 ng Nobyembre, ginugunita natin ang Bonifacio Day bilang pag-alala at pagkilala sa buwis-buhay na pagmamahal na ipinamalas ni Gat Andres Bonifacio.

Higit sa pag-alala, ang ating paggunita ng Bonifacio Day ay pagkilala sa dugo’t pawis na ibinuhos ni Andres sa ngalan ng paglaya ng sambayanang Pilipino mula sa pagkakasakop at panghihimasok, sa kabila ng realidad na sila pa mismo ang kumitil sa kanyang buhay. Ang pag-alala sa pamamagitan ng pagkilala ang nagpapakatao sa mga bayani nating tulad ni Andres sa pag-ungkat at pagdiin nito hindi lang sa identidad niya bilang tao, kundi pati sa kanyang buhay at mga gawa bilang Ama ng Rebolusyon. Sa ganitong paraan ng paggunita, pinapaalala sa atin na siya ay isang totoong tao—na umiral bilang isang Pilipinong may simpleng hangad na lumaya bago siya pinarangalan bilang isang bayaning naghimagsik.

Sa panahon ngayon kung saan nakikita ang ganitong mga paggunita bilang mga araw na walang pasok upang makapagpahinga, at kung saan unti-unting nagkakaroon ng pingas ang ating mga kalendaryo sa mga mahalagang petsa, higit na nagiging importante ang iba’t ibang uri ng pagsisikap na ipaalala sa bayan ang dapat na pag-iral ng mga paggunitang ito. Sa pagpaskil man online o simpleng talakayan kasama ng mga kaibigan, mga tanda ito na patuloy na kumikilos ang bayan patungo sa tunay na kalayaan. Hindi man umabot sa mismong lansangan ang pakikibaka, may kahahantungan pa rin itong makabuluhan.

Ang pag-alala at pagkilala ay ang paggiit ng pag-iral, lalo na sa mga pinagkaitan nito. Sa ating paggunita ng Bonifacio Day, alalahanin at kilalanin natin si Andres at ang kanyang kasaysayan, at nawa’y gawin din nating siyang inspirasyon at ehemplo ng isang mulat at responsableng mamamayan—na sa pamamagitan ng kanyang pagmamasid, pakikinig, at pakikilalam ay binago ang agos ng kasaysayan.

Magmasid. Makinig. Makialam. Makibaka.

Sulat ni Trisha Perez

  | Bago pa man matapos ang buwan ng Nobyembre, siguradong nakabisita na ang nakararami sa mga namayapang mahal nila sa ...
25/11/2024

| Bago pa man matapos ang buwan ng Nobyembre, siguradong nakabisita na ang nakararami sa mga namayapang mahal nila sa buhay. Ang ilan ay nakasama na ang kanilang pamilya, nakapagsindi na ng kandila, at nakapag-alay pa ng bulaklak.

Subalit, paano kung hindi mo alam kung buhay pa o patay na ang iyong kapamilya? Paano nga ba kung hindi pa rin sila natatagpuan matapos ang ilang dekada?

Panahon na bang magluksa kung patuloy pa ring silang umaasa sa hustisya?

BASAHIN ang buong tula rito:
https://www.matanglawin-ateneo.com/articles/sana-patay-na-lang-sila

Sulat ni: P. Escuro
Sining ni: J. Semilla
Disenyo ni: C. Canonigo

  | NILINAW ng Barangay Loyola Heights na walang naiulat na insidente ng pananaksak o riot sa komunidad ng Loyola Height...
22/11/2024

| NILINAW ng Barangay Loyola Heights na walang naiulat na insidente ng pananaksak o riot sa komunidad ng Loyola Heights nitong gabi ng ika-21 ng Nobyembre, matapos ang ulat tungkol sa umano'y nasaksak na indibidwal sa kahabaan ng Esteban Abada at Rosa Alvero.

Klinaro ni Darwin Hayes, punong barangay ng Loyola Heights, sa isang pahayag na wala silang natanggap na blotter report kaugnay ng isang sugatang indibidwal na dinala sa ospital kagabi.

Batay sa CCTV ng barangay, wala ring nakitang riot o komosyon sa mga kalye habang naglalakad nang mag-isa ang hindi pinangalanang indibidwal.

Hindi pa malinaw ang dahilan ng natamo nitong sugat.

Mula naman sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Quezon City Police District Station 9, iginiit niya na wala rin daw na nabuong opisyal na police report hinggil sa nasabing insidente habang patuloy ang kanilang sariling imbestigasyon.

"The barangay is currently conducting its own investigation to determine what had happened, as we are just as concerned for the safety of the injured person and our community. Rest assured that the barangay is doing its best to keep our community safe and prevent such incidents from occurring," pahayag ni Hayes.

BASAHIN ang pahayag ng barangay dito: https://www.facebook.com/share/p/15Z5GeAZxU/?mibextid=K35XfP

Sulat ni Lance Arevada

TINGNAN: Bilang paggunita sa ika-20 anibersaryo ng Hacienda Luisita Massacre, nagsagawa ang One Big Fight for Human Righ...
21/11/2024

TINGNAN: Bilang paggunita sa ika-20 anibersaryo ng Hacienda Luisita Massacre, nagsagawa ang One Big Fight for Human Rights and Democracy (OBFHRD) at Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA Pilipinas), sa tulong ng Kagawaran ng Filipino ng Ateneo de Manila, ng pagpapalabas ng dokumentaryong "Sa Ngalan ng Tubo" at isang talkback session noong ika-19 ng Nobyembre sa Bellarmine Hall.

Nagbahagi si Aurelio Estrada, isang beteranong aktibista at media liaison officer ng UMA, ng mga kaalaman ukol sa kalagayan ng mga manggagawang bukid at ang patuloy na pakikibaka para sa hustisya at karapatan.

Ang "Sa Ngalan ng Tubo," na likha ni Onin Tagaro, ay naglalantad ng pakikibaka ng mga manggagawang bukid at manggagawang gilingan sa Hacienda Luisita. Layunin ng inisyatibo na suriin ang kasalukuyang kalagayan ng mga manggagawa sa lugar, 20 taon matapos ang madugong masaker, at palakasin ang pagkakaisa laban sa militarisasyon at pang-aabuso sa mga manggagawang Pilipino.

Sulat at Kuha ni Regulus Gutierrez

  | Isang open letter ang inilabas kagabi ng mga mag-aaral ng Pamantasang Ateneo de Manila upang tutulan ang desisyon ng...
17/11/2024

| Isang open letter ang inilabas kagabi ng mga mag-aaral ng Pamantasang Ateneo de Manila upang tutulan ang desisyon ng Administrasyon na ituloy ang onsite classes sa pamamagitan ng pag-boycott dito ngayong Lunes, ika-18 ng Nobyembre.

Aabot na sa 221 na mga mag-aaral ang nagpahayag ng pakikiisa sa panawagang hindi pumasok nang onsite habang nasa 115 na indibidwal naman ang nagpahayag ng pagsuporta sa liham, batay sa pag-uulat ng balitang ito ngayong 7:00 N.U.

Inilabas ang liham matapos ang abiso ng ADMU na may pasok pa rin sa pamantasan sa kabila ng anunsyo ng Quezon City LGU na dahil sa pananalasa ng Bagyong .

Kalaunan, nag-abiso rin ang QC LGU na maaaring magpatuloy ang klase sa mga pamantasan matapos maibaba na lamang ang Metro Manila sa Public Storm Warning Signal #1 sa 11:00 PM na advisory ng PAG-ASA.

Giit naman ng mga Atenista sa liham, "We cannot go to class when our lives are at risk. Why should we go to onsite classes when many of our classmates and countrymen are in danger in the onslaught of a super typhoon?”

Hinimok din ng mga mag-aaral ang pamunuan ng Ateneo na magpakita ng malasakit sa kaligtasan ng mga estudyante, guro, at kawani sa gitna ng kalamidad.

BASAHIN ang buong pahayag dito: https://bit.ly/CallForADMUPepitoBoycott

Sulat ni Thea Tomaneng at Lance Arevada

Address

MVP Center For Student Leadership Rm. 201-202, Ateneo De Manila University, Katipunan Avenue
Quezon City
1108

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Matanglawin Ateneo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Matanglawin Ateneo:

Videos

Share