PNE Media

PNE Media Ang masasandigan sa makatotohanang balita ngayon!

19/12/2024
Heart or Ha-ha?
12/12/2024

Heart or Ha-ha?

COMELEC: BABAENG GUMAMIT NG PANGALAN NG LALAKI SA KANYANG KANDIDATURA SA LAGUNA DISKWALIPIKADOMANILA -- Idineklarang kan...
05/12/2024

COMELEC: BABAENG GUMAMIT NG PANGALAN NG LALAKI SA KANYANG KANDIDATURA SA LAGUNA DISKWALIPIKADO

MANILA -- Idineklarang kandidatong panggulo o nuisance candidate ng Commission on Elections (COMELEC) ang isang babae na tumatakbo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Laguna gamit ang alyas na “Ram,” isang pangalang panlalaki na sinasabing ginaya upang linlangin ang mga botante.

Sa desisyon ng Second Division ng Comelec, nakasaad na kanselado ang kandidatura ni Winy “Ram” Villanueva Hernandez para sa posisyong Kinatawan ng House of Representatives ng 2nd District ng Laguna sa nalalapit na halalan sa Mayo 12, 2025.

Ayon sa petisyon na isinampa ng kasalukuyang Gobernador ng Laguna na si Ramil Hernandez, ang alyas na “Ram” ay ginamit lamang ni Winy Hernandez nang siya’y magsumite ng kanyang sertipiko ng kandidatura noong Oktubre 6, 2024.

Sa petisyon, iginiit ni Gob. Hernandez na kilala si Winy sa kanilang komunidad bilang “Winy” o “Winnie” at hindi kailanman ginamit ang alyas na “Ram.”

"Ang biglaang paggamit ng alyas na ito ay malinaw na sinadya upang lituhin ang mga botante at linlangin sila na isipin na siya ay may kaugnayan sa akin," pahayag ng gobernador.

Dagdag pa ng gobernador, kung hindi ito aaksiyunan, maaaring magdulot ng kalituhan ang mga pangalang lilitaw sa balota, na kinabibilangan ng “Hernandez, Ram,” “Hernandez, Ramil,” at “Hernandez, Romeo.”

Sa sinumpaang salaysay ng dalawang testigo na residente ng Barangay Tuntungin Putho, Los Baños, Laguna, inilahad nila na kilala nila si Winy bilang “Winnie” at ito rin ang pangalang ginagamit niya sa social media. Anila, halos hindi kilala si Winy sa kanilang bayan, na nagbibigay-duda sa kanyang layunin sa pagtakbo para sa posisyon.

Sa desisyon ng Comelec, nakasaad: “Ang paggamit ng alyas na ‘Ram’ ay malinaw na may layuning magdulot ng kalituhan sa mga botante at maaaring magdulot ng pagbaluktot sa resulta ng halalan. Dahil dito, idinedeklarang kandidatong panggulo si Winy ‘Ram’ Villanueva Hernandez, at ang kanyang kandidatura ay kanselado.”

Matatandaang una nang idineklarang kandidatong panggulo ng Comelec ang isa pang tumatakbo sa parehong distrito na si Dante Aguilar Hernandez, na gumamit naman ng alyas na “Romeo” upang magdulot din ng kalituhan.

Ang desisyong ito ng Comelec ay naglalayong tiyakin ang maayos at patas na proseso ng halalan, ayon sa tagapagsalita ng komisyon.

- 30 -

05/12/2024
TUPAD sa Serbisyong TamaSa pamamagitan ng tulong na pondong ipinagkaloob ng tanggapan ni House Speaker Hon. Martin Romua...
04/12/2024

TUPAD sa Serbisyong Tama

Sa pamamagitan ng tulong na pondong ipinagkaloob ng tanggapan ni House Speaker Hon. Martin Romualdez para sa Laguna ay isinagawa ng tanggapan ni Congw. Ruth Hernandez ang TUPAD Pay Out ng nasa 1,061 na mga benepisyaryo katuwang ang tanggapan ni Gov. Ramil Hernandez.

Kapartner sa aktibidad na ito ang DOLE na syang nangasiwa sa pagpapatupad ng programa sa loob ng 10 araw.

“Lubos na pasasalamat ang ating ipinaabot sa ating butihing House Speaker Martin Romualdez para sa patuloy niyang pagsuporta sa Serbisyong Tama para magbigay ng tulong para sa mga Lagunense na nangangailangan ng suporta mula sa pamahalaan. Hangad po natin ang patuloy na pagtutulungan ng lokal at nasyunal na pamahalaan upang mas makapaghahatid pa po tayo ng mga makabuluhang serbisyo at programa sa Laguna,” pahayag ni Congw. Hernandez.

Comelec ibinasura ang pagtakbo sa Kongreso ng ‘manghihilot’ mula LagunaMANILA — Tunay sa pangako nitong gawing maayos at...
02/12/2024

Comelec ibinasura ang pagtakbo sa Kongreso ng ‘manghihilot’ mula Laguna

MANILA — Tunay sa pangako nitong gawing maayos at kapita-pitagan ang darating na pambansa at lokal na halalan sa 2025, idineklara ng Commission on Elections (Comelec) noong nakaraang linggo bilang nuisance candidate ang isang lokal na manggagamot mula Cabuyao, Laguna.

Ang 2nd Division ng Comelec ang nagpasya matapos mapatunayan na ang naturang kandidato, na nakilala bilang si Dante Aguilar Hernandez, ay naghain ng kandidatura upang magdulot ng kalituhan sa mga botante sa pamamagitan ng paggamit ng palayaw na “Romeo,” na halos katunog ng pangalan ng petisyoner at kasalukuyang Gobernador na si Ramil L. Hernandez.

Ayon sa resolusyon: “Noong ika-26 ng Nobyembre 2024, pinagtibay ng Komisyon (Ikalawang Dibisyon) ang Resolusyong naggagawad sa naturang Petisyon at idinedeklarang nuisance candidate ang Respondent na si Dante “Romeo” Aguilar Hernandez.”

Dagdag pa nito: “Kaugnay nito, malinaw na ipinapahayag ng Komisyon (Ikalawang Dibisyon) na ang Certificate of Candidacy na inihain ng Respondent na si Dante “Romeo” Aguilar Hernandez para sa posisyon ng Member, House of Representatives ng 2nd District ng Laguna para sa Mayo 2025 National at Local Elections ay WALANG BISANG TINANGGAP AT KINANSELA.”

Pinirmahan ang resolusyon nina Presiding Commissioner Marlon S. Casquejo, at Commissioners Rey Bulay at Nelson Celis ng Comelec 2nd Division.

Napag-alaman na noong Oktubre 8 ngayong taon, naghain ng kanyang Certificate of Candidacy ang respondent para sa posisyon ng kongresista ng 2nd District ng Laguna para sa 2025 halalan.
Gayunpaman, naghain ng petisyon si Gov. Hernandez upang ideklara bilang nuisance candidate ang respondent matapos mapag-alaman na wala itong tunay na layunin na tumakbo, kundi ang lituhin lamang ang mga botante at pigilan ang tunay na pagpapasya ng kanilang kagustuhan.

Ayon kay Gov. Hernandez, base sa mga sinumpaang pahayag ng mga saksi, “malinaw na sinusubukan ng respondent na tumakbo gamit ang pangalang ‘Romeo Hernandez,’ na hindi naman kilala sa kanilang komunidad.”

“Ang sadyang pagpapalit ng pangalan na ito ay malinaw na hakbang upang linlangin ang mga botante, kaya’t kwalipikado siyang ideklarang nuisance candidate sa ilalim ng Section 69 ng Omnibus Election Code,” dagdag pa niya.
Isinumite sa Comelec ang mga sinumpaang salaysay nina Christopher Lozada Barrientos, Edmon Misa Arcita, at Hjan KZ Macapacial Baniaga, mga residente ng Brgy. Bigaa, Cabuyao City, Laguna.

Ayon sa mga saksi, personal nilang kilala ang respondent bilang “Dante” at hindi kailanman narinig na tinatawag itong “Romeo” hanggang maghain siya ng kandidatura noong Oktubre 8.

Si Barrientos, isa sa mga saksi, ay nagpahayag na kilala sa kanilang barangay si Dante bilang isang “manghihilot” at dating barangay tanod sa Brgy. Bigaa. Dagdag pa, tumakbo at natalo siya noong 2018 Barangay Elections bilang Barangay Kagawad gamit ang tunay niyang pangalan.

Matapos ang masusing pagsusuri, pinaboran ng Comelec 2nd Division ang petisyon ni Gov. Hernandez at idineklarang nuisance candidate si Dante Hernandez.

Ayon sa Comelec, ang Section 69 ng Omnibus Election Code ay nagbibigay kapangyarihan sa Komisyon na tanggihan o kanselahin ang Certificate of Candidacy ng isang kandidato kung mapatutunayang isinampa lamang ito upang gawing katawa-tawa ang proseso ng eleksyon, magdulot ng kalituhan sa mga botante, o walang tunay na layunin na tumakbo.

- 30 -

01/12/2024

Credits to the rightful owner of this video

ISANG BILYONG PASASALAMAT! ❤️Iniulat ng Star Cinema ngayon November 23 ay kumita na ng P1.06 bilyon ang "Hello, Love, Ag...
24/11/2024

ISANG BILYONG PASASALAMAT! ❤️

Iniulat ng Star Cinema ngayon November 23 ay kumita na ng P1.06 bilyon ang "Hello, Love, Again, ang kauna-unahang Filipino Movie sa kasaysayan na umabot ng isang bilyon sa worldwide box office ayon sa ABS-CBN Films.

📸 Star Cinema IG

PARAMDAM SA BAGSIK NI PEPITO!Isang shelf cloud formation ang nabuo at nasilayan ng mga residente sa Bacon District, Sors...
16/11/2024

PARAMDAM SA BAGSIK NI PEPITO!

Isang shelf cloud formation ang nabuo at nasilayan ng mga residente sa Bacon District, Sorsogon City ngayong umaga.

Patuloy na kumikilos papalapit sa ang bagyong na inaasahang tatama na sa mamayang gabi.

📸 Michael Fugnit

13/11/2024

LIVE: Dating Pangulong Rodrigo Duterte, haharap sa Quadcomm para talakayin ang drug war | November 13

13/11/2024

LIVE: Dating Pangulong Rodrigo Duterte, haharap sa Quadcomm para talakayin ang drug war | November 13

NAGMISTULANG DAGAT!Lubog na sa baha ang ilang kabahayan sa Tuguegarao City dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa Cagay...
12/11/2024

NAGMISTULANG DAGAT!

Lubog na sa baha ang ilang kabahayan sa Tuguegarao City dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa Cagayan River.

📸 Cagayan Provincial Information Office

ILANG BAHAGI NG BICOL REGION LUBOG SA BAHA!Mahigit isang libong sasakyan ang stranded sa Naga City at bayan ng San Ferna...
24/10/2024

ILANG BAHAGI NG BICOL REGION LUBOG SA BAHA!

Mahigit isang libong sasakyan ang stranded sa Naga City at bayan ng San Fernando, Camarines Sur dahil sa hindi pa passable ang National Highway patungong Manila, pati na rin patungo sa Visayas at Mindanao.

Kanya-kanyang lakad na ang mga pasahero sa baha na umaabot sa mahigit 12 kilometro, at inaasahang huhupa ito bukas ng hapon bago payagan ang mga sasakyan na makadaan. Samantala, ilang alagang hayop na dapat sana'y dadalhin sa Manila ay namatay na sa gilid ng kalsada.




BABALA: SENSITIBONG BALITANatagpuang nakahandusay ang isang 19-anyos na babae sa EDSA Northbound sa Pasay ngayong Biyern...
18/10/2024

BABALA: SENSITIBONG BALITA

Natagpuang nakahandusay ang isang 19-anyos na babae sa EDSA Northbound sa Pasay ngayong Biyernes, October 18.

Ayon sa inisyal na impormasyon, tumalon umano ang babae mula sa istasyon ng Metro Rail Transit (MRT) Taft kaninang bago mag-alas singko ng madaling araw.

Kinordonan na ng mga awtoridad ang lugar.



Address

Quezon City
1106

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNE Media posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to PNE Media:

Videos

Share

PANAAD NGA MAKABANWA

PANAAD NGA MAKABANWA Karay-a Translation

by : Evelyn Tumangday

GINAHIGUGMA KO ANG PILIPINAS AMU JA ANG LUPA NGA AKON GIN TAWHAN AMO JA ANG BALAY KANG AKON PAGKATAWO GINA SAPUPO NA AKO KAG GINABULIGAN PARA MANGIN MABASKOG, MALIPAYON KAG MAPUSLANUN

PARA MAKA BALOS, PAMATIIAN KO ANG LAYGAY KANG AKUN MGA GINIKANAN SUNDUN KO ANG MGA REGULASYON KANG AKUN ESKWELAHAN