MENSAHE NI PANGALAWANG PANGULO SARA Z. DUTERTE SA PKT NG GAWAD BAGONG BAGANI
Matapos na pormal na italagang Bagong Bagani ng 2024 Gawad Bagong Bagani (GBB) nang makakuha siya ng 85% kabuuang puntos mula sa Pangkalahatang Konsehong Tagapangasiwa (PKT) at Komite ng Pagtatabing (KP) ng nasabing gawad parangal, ipinahatid ni Pangalawang Pangulo Sara Z. Duterte ang kanyang taos pusong pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng GBB.
#bagongbagani
#VPSaraDuterte
#2024gawadbagongbagani
QC MAYOR JOY BELMONTE UNANG NAGTAMO NG 2 PARANGAL SA GAWAD BAGONG BAGANI
Noong Disyembre 2020 unang ginawaran ng pagkilalang Kampilan ng Bagong Bagani si Quezon City Mayor Joy Belmonte dahil na rin sa mga programa at proyekto ng Lungsod Quezon na para sa preserbasyon at pagpapayabong ng ating kasaysayan, pamanang lahi, katutubong kultura at sining, gayundin ang kaugalian at tradisyong Pilipino. At nung sumunod na Gawad Bagong Bagani nung 2022, muling pinarangalan si Mayor Belmonte bilang Bagong Bagani na pinakamataas na pagkilala ng Gawad Bagong Bagani. Siya ang kauna-unahang nagtamo ng dalawang magkasunod na pagkilala sa iisang larangan.
BB. GLAIZA DE CASTRO MENSAHE NG PAGTANGGAP
Hindi pa man pormal na nakukuha ni BB. Glaiza de Castro ang kanyang Plake ng Pagkilala bilang isang Bagong Bagani noong Disyembre 2020, nagpasalamat na ito sa pamunuan ng Gawad Bagong Bagani. Hindi nakadalo si De Castro noong Gabi ng Parangal noong 2020 bunsod na rin ng paghihigpit dulot ng pandemya. Umaasa ang pamunuan ng Gawad Bagong Bagani na makukuha na ni De Castro ang kanyang Plake ng Pagkilala sa darating na 2024 Gawad Bagong Bagani. Si De Castro ay kinilala bilang Bagong Bagani sa Larangan ng Kultura at Sining dahil sa kanyang mga natatanging pagganap bilang aktres sa mga pelikula at teleserye na nagtatampok, nagtataguyod, nagsusulong, at nagpapalakas ng ating katutubong kultura, sining, pamanang lahi, tradisyon, kaugalian at kasaysayang Pilipino.
#2020BagongBagani
#BBGlaizaDeCastro