28/11/2024
"LILIPAS DIN YAN"
Yung tambak na tupiin,
Yung tambak na hugasin,
Yung tambak na laruan,
Yung puro sulat na dingding,
Yung mga asaran,
Yung mga iyakan,
Yung mga sigawan,
Lahat ng yan ay lilipas din paglaki ng mga anak mo.
Kaya sulitin mo lahat ng pagkakataon habang bata pa sila at nasa puder mo pa, dahil pagdating ng panahon at nagsilakihan na sila may kanya-kanya na silang buhay at bahay na uuwian. Magiging tahimik na at malungkot ang iyong bahay.