Ang Akap Bata ay progresibong organisasyong partylist na nagtataguyod ng pangkalahatang kapakanan ng mga bata, para sa kagalingan at karapatan ng mga bata, at bilang pagkilala sa karapatan ng mga bata na likas, di-malalabag at di-mapaghihiwalay na bahagi ng karapatang pantao. Ang Akap Bata ay itinatag na partylist noong 2008. Mula sa pagbibigay ng serbisyo para sa maagang pagkalinga sa bata, napag
pasayahan sa Pangkalahatang Asembleya na may pangagailangang magbuo ng partylist na magsusulong ng pambansang adyenda ng mga bata at sambayanang Pilipino sa malawak na larangan ng pulitika, ekonomiya at kultura. Binubuo ito ng mga magulang, daycare workers, g**o, child care workers, child advocates at mga kampeon ng karapatang pambata at iba pa na nabubuklod sa layuning:
1. Makalikha, magsulong at magsikap na makabuo ng mga batas, patakaran, programa at iba pa na magtataguyod ng buong karapatan ng batang Pilipino.
2. Makapaglunsad ng mga kampanya sa edukasyon, makapag-organisa sa bata, kababaihan, pamilya at komunidad upang magbigay-daan sa isang lipunang mapagkalinga sa bata.
3. Aktibong makahanap ng mga pamamaraan sa mga suliranin at isyung kinakaharap ng mga bata sa kasalukuyang kalagayan, upang makapagambag at lumahok sa iba’t ibang isyu na may kinalaman at kaugnayan sa pagbubuo ng lipunang mapagkalinga sa bata.
4. Makapag-organisa ng mga magtataguyod ng kapakanan ng bata at magsusulong ng mga adyenda para sa proteksyon, pag-unlad at partisipasyon ng mga bata sang-ayon sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.
5. Itaguyod at ipagtanggol ang sosyo-ekonomiko, pampulitika at pangkultura na kapakanan ng kasapian.