TFC News

TFC News Covering the Filipino community in Europe, Middle East, Asia, and North America

Itinampok sa book launch sa Barcelona ang librong pambata na isinulat ng isang Pinoy writer na nakabase sa Spain.Iniluns...
31/12/2024

Itinampok sa book launch sa Barcelona ang librong pambata na isinulat ng isang Pinoy writer na nakabase sa Spain.

Inilunsad din ng isang Filipina British nurse sa England ang isang aklat na naglalaman ng kaniyang koleksyon ng mga tula.

Nagpapatrol, Joefer Tacardon.

PANOORIN: https://youtu.be/ojjvLvjaH2U

Mahigit 100 OFW na high school graduate sa Pilipinas ang nabigyan ng pagkakataong makapagtapos ng kanilang bachelor's de...
31/12/2024

Mahigit 100 OFW na high school graduate sa Pilipinas ang nabigyan ng pagkakataong makapagtapos ng kanilang bachelor's degree sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Education Equivalency Accreditation Program.

Nagpapatrol, Rowen Soldevilla.

PANOORIN: https://youtu.be/jxljuJLifx4

30/12/2024

BARCELONA- Inilunsad kamakailan ang children’s poetry book ni Quintin Jose Pastrana na pinamagatang “The Kitten Who Lost Her Purr”. Sa kolaborasyon ng Asociación Vuelta at Casa Asia, binasa ang libro sa tatlong wika—Ingles, Tagalog, at Español. Ang libro, na isinulat sa Ingles, ay isinalin sa Tagalog ni Danton Remoto at sa Espanyol ni TFC Spain correspondent Esmeralda Sandra Sotelo.

CAMERA: RJ Placino

BOOK LAUNCH: THE KITTEN WHO LOST HER PURRBARCELONA-  Matagumpay na inilunsad ang children’s poetry book ni Quintin Jose ...
30/12/2024

BOOK LAUNCH: THE KITTEN WHO LOST HER PURR

BARCELONA- Matagumpay na inilunsad ang children’s poetry book ni Quintin Jose Pastrana na pinamagatang “The Kitten Who Lost Her Purr”. Sa kolaborasyon ng Asociación Vuelta at Casa Asia, binasa ang libro sa tatlong wika—Ingles, Tagalog, at Español.

Ang libro, na isinulat sa Ingles, ay isinalin sa Tagalog ni Danton Remoto at sa Espanyol ni TFC Spain correspondent Esmeralda Sandra Sotelo.

Binasa ito awtor na si Quintin Pastrana sa Ingles, ni Sotelo sa Tagalog, at ni Guillermo Gomez, na ilustrador ng libro, sa Español.

Nagbigay Din ng kulay sa programa ang pagtatanghal ng mga cultural dance tulad ng Filipiniana Jota Paragua at Spanish Flamenco, kasabay ng paghahain ng piling Filipino appetizers.

Camera: RJ Placino

Makasaysayan ang tagumpay ng isang Filipino karate club sa Abu Dhabi matapos silang makapasok sa Top 10 ng kauna-unahang...
30/12/2024

Makasaysayan ang tagumpay ng isang Filipino karate club sa Abu Dhabi matapos silang makapasok sa Top 10 ng kauna-unahang Al Buraimi Karate Open Championship sa Oman kamakailan.

Nagpapatrol, Raffy Reyes.

PANOORIN: https://youtu.be/Z6r3hKxGgw8

Hindi binigo ng iconic OPM rock band na Eraserheads ang kanilang libo-libong fans sa Middle East sa kanilang 'Ang Huling...
27/12/2024

Hindi binigo ng iconic OPM rock band na Eraserheads ang kanilang libo-libong fans sa Middle East sa kanilang 'Ang Huling El Bimbo World Tour.'

Nagpapatrol, ABS-CBN Europe, Middle East, and Africa Bureau Chief Rose Eclarinal.

PANOORIN: https://youtu.be/CB5X5CT3P5U

Patok sa mga Overseas Filipino Workers ang OFW Lounge sa NAIA Terminal 1 at 3. Isa ito sa mga proyekto ng Overseas Worke...
27/12/2024

Patok sa mga Overseas Filipino Workers ang OFW Lounge sa NAIA Terminal 1 at 3. Isa ito sa mga proyekto ng Overseas Workers Welfare Administration at Department of Migrant Workers para sa kanila.

Nagpapatrol, Florante Catanus.

PANOORIN: https://youtu.be/7NQ9Yb7A3eQ

Umuusbong na ang bagong henerasyon ng mga kabataang Pinoy sa Italya na sumasabak sa negosyo. Layon ng second generation ...
26/12/2024

Umuusbong na ang bagong henerasyon ng mga kabataang Pinoy sa Italya na sumasabak sa negosyo. Layon ng second generation Pinoys doon na makilala sa negosyo at hindi sa tradisyunal na trabaho ng kanilang mga magulang.

Nagpapatrol, Maricel Burgonio.

PANOORIN: https://youtu.be/kAunSkCR7Ho

Inilunsad ng Embahada ng Pilipinas sa España ang 'Trajeta Consular' o consular card, isang dokumentong kinikilala ng Esp...
24/12/2024

Inilunsad ng Embahada ng Pilipinas sa España ang 'Trajeta Consular' o consular card, isang dokumentong kinikilala ng España at sinasabing makatutulong sa mga OFW doon para sa kanilang pagkakakilanlan.

Nagpapatrol, Sandra Sotelo-Aboy.

PANOORIN: https://youtu.be/XQoU_6KG8Bg

Pinarangalan ang ilang Pinoy healthcare workers sa kauna-unahang 'Filipinos in Care Awards' sa United Kingdom, bilang pa...
24/12/2024

Pinarangalan ang ilang Pinoy healthcare workers sa kauna-unahang 'Filipinos in Care Awards' sa United Kingdom, bilang pagkilala ito sa kanilang dedikasyon sa trabaho sa social care sector at ambag sa Filipino community sa UK.

Nagpaaptrol, Joefer Tacardon.

PANOORIN: https://youtu.be/0xFCkUDRTuE

Four-chair turner ang tubong Cagayan de Oro City na si Gian Carlos Navea sa Blind Audition ng reality singing contest Th...
24/12/2024

Four-chair turner ang tubong Cagayan de Oro City na si Gian Carlos Navea sa Blind Audition ng reality singing contest The Voice of Germany 2024.

Malaki ang pasasalamat ni Gian Carlos sa mga sumuporta sa kanyang pagsabak sa The Voice .

Inilunsad kamakailan ng Embahada ng Pilipinas sa Madrid, Espanya ang Tarjeta Consular o Consular Card, isang bagong doku...
24/12/2024

Inilunsad kamakailan ng Embahada ng Pilipinas sa Madrid, Espanya ang Tarjeta Consular o Consular Card, isang bagong dokumentong pagkakakilanlan at papalit sa kasalukuyang tinatawag na “Yellow Card.”

Ang card ay magsisilbi rin bilang opisyal na ID para sa mga Overseas Filipino Worker sa Espanya.

Isa na namang Pinoy ang nagpahanga ng mga hurado sa reality singing contest sa Germany. Umabot hanggang semifinals sa 'T...
23/12/2024

Isa na namang Pinoy ang nagpahanga ng mga hurado sa reality singing contest sa Germany. Umabot hanggang semifinals sa 'The Voice of Germany 2024' si Gian Carlos Navea.

Nagpapatrol, Grace Sheela Pickert.

PANOORIN: https://youtu.be/6AgH9Tj2MXg

Bumida ang mga pagkaing Pinoy sa pagbubukas ng pinakamalaking Dubai shopping festival night market sa Alrigga.Nagpapatro...
21/12/2024

Bumida ang mga pagkaing Pinoy sa pagbubukas ng pinakamalaking Dubai shopping festival night market sa Alrigga.

Nagpapatrol, Rowen Soldevilla.

PANOORIN: https://youtu.be/ZY4EO4pYBr0

Mga beteranong OFW, pinarangalan sa Torino, Italy Torino- Ilang Filipino overseas  workers ang binigyan ng parangal ng F...
17/12/2024

Mga beteranong OFW, pinarangalan sa Torino, Italy

Torino- Ilang Filipino overseas workers ang binigyan ng parangal ng Filipino Seniors of Turin (FILSET) kamakailan. Sa ika-37 taong anibersaryo ng Filipino community group, may 15 Filipino workers ang binigyan ng rekognasyon ng pinakamatandang grupo sa Torino. Sila ang mga nakapagtrabaho dito mula 10 hanggang 50 taon bilang domestic workers. Ilan sa kanila ay mga mga professional workers at university graduates sa Pilipinas bago dumating sa Italya.

Isa na rito si Virginia Cacho, 70 taong-gulang, presidente ng Filset. Isa siya sa mga unang nakapagtrabaho sa Torino, na umabot ng 49 taon.

“Mahirap noong araw, hindi pwedeng bumili or umupa ng apartment. At walang one day-off,” sabi ni Virginia.

“Nag-iiyakan kami noon, pito lang kami (Filipino workers) at nagtrabaho ako sa bundok, hanggang unti-unting naging 100 kami,” anya.

Kasama din sa programa ang isang beauty pageant na nagbigay ng saya sa mga Pilipino sa gabi ng pagdiriwang. Via | Maricel Burgonio, TFC News, Torino.

Abangan ang buong ulat sa ABS-CBN News.

TINGNAN | Mga parol sa Torino gawa sa recycled materials  May 14 parol mula sa mga indibidwal at pamilyang Filipino ang ...
12/12/2024

TINGNAN | Mga parol sa Torino gawa sa recycled materials

May 14 parol mula sa mga indibidwal at pamilyang Filipino ang nagpaligsahan sa parol-making contest na pinangunahan ng Filipino community group sa Torino -- ACFIL Youth o Associazione Culturale Filippina del Piamonte.

Likha ang mga parol sa recycled materials tulad ng shampoo sachets, cans, bottles, plastic at iba pa.

Nanalong first prize winner si Carmelita Baylon na lumikha ng pinakamalaking parol at nakatanggap ng €100 at Trophy.

Likha ang kanyang parol ng plastic bags, styrofoam at papel.

“Para sa akin, ang ibig sabihin ng parol ko, tyaga at pagtitiis, yun ang naranasan ko habang ginagawa ko to. Muntik na kong sumuko, pero gusto ko yung ginagawa ko, ok lang sa akin ang may konting puyat,” ayon kay Carmelita.

Nanalo naman si Cris Zembrano ng second prize sa nilikhang parol AT nakatanggap ng €75. Third prize naman ang parol ni Jfs Cuballes na nakatanggap €50 at trophy.

Layunin ng Acfil Youth na maipakilala sa mga kabataan sa Torino ang tradisyon at kulturang Pinoy tuwing Pasko, kung saan ang parol ang nagsisilbing tala ng Bethlehem kung saan nagturo sa Three Wise Men sa kanilang paghahanap kay baby Jesus. Via | Maricel Burgonio, TFC News, Torino, Italy.

12/12/2024

ICYMI | Libo-libong Eraserheads fans ang nanood ng Eraserheads World Tour, “Ang Huling El Bimbo” concert sa Dubai Exhibition Center, Expo City nitong Linggo, December 8.

Sulit daw ang panonood ng mahigit dalawang oras world-class concert ng Eheads na binunuo nina Buddy, Marcus, Raymund at Ely. Sa Qatar ang sunod na performance ng grupo. Pasalamat din ang grupo sa suporta ng fans na dumayo pa sa Dubai para manood ng live concert. Via | Randy Lamsen, TFC NEWS, Dubai, UAE

Charity concert ng Pinoys sa Bergamo, sinuportahan ng mga Italiano  Bergamo, Italy - Nagtanghal ang Milan-based Filipino...
11/12/2024

Charity concert ng Pinoys sa Bergamo, sinuportahan ng mga Italiano

Bergamo, Italy - Nagtanghal ang Milan-based Filipino singers, kasama ang ilang Italian at Malaysian performers sa isang Christmas charity concert sa isang teatro dito sa mataas na parte sa siyudad o kilala bilang Citta Alta.

Pinangunahan ito ng Sodalis Italian-Filipino Association bilang organizer at producer ng ‘Gift of Giving’ concert, kasama ang Philippine Consulate General in Milan at MIA Foundation.

Nangalap ang Filipino community group na Sodalis ng pondo para sa kawanggawa, kung saan marami sa mga sumuporta ay mga Italiano, sa pagtatanghal ng Filipino songs and Christmas carols.

Ilan sa performers ang Milan-based choir Koro Hiraya, Joseleo Logdat, Baritone Desiree de Silva, Jazz Singer Elienor Castillo, Soprano Beatrice Ladub, Tiple Federico Trullu, piano at iba pang Italian musicians at performers.

“Our presence in Bergamo this evening is made meaningful by the cultural event. We hope this would strengthen the ties that bind the Filipino and Italian peoples by letting you know more about us and the country we came from through our shared passion for music,” ayon kay Philippine Consul general in Milan Elmer Cato. Via | Maricel Burgonio,
TFC News, Italy

Address

ABS-CBN Corporation Sgt. Esguerra Avenue
Quezon City
1103

Website

http://mytfc.com/news

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TFC News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share