10/01/2025
Jeremias 10:8-10
[8]Silang lahat ay pawang hangal at mangmang. Ano ang maituturo sa kanila ng mga diyus-diyosang kahoy?
[9]Ang kanilang diyus-diyosa'y binalutan ng pilak na galing sa Tarsis, at ng gintong mula sa Upaz, ginawang lahat ng mahuhusay na kamay; pagkatapos ay binihisan ng kulay ube at p**a na hinabi naman ng manghahabing sanay.
[10]Ngunit ikaw, Yahweh, ang tunay na Diyos, ikaw ang Diyos na buháy, at ang Haring walang hanggan. Nayayanig ang daigdig kapag ikaw ay nagagalit, at walang bansang makakatagal sa tindi ng iyong p**t.