[VIDEO] Ngayong nakauwi na si Mary Jane Veloso, nananawagan ang BAYAN MUNA Partylist sa ligtas ding pag-uwi ng 49 pang OFW na nanganganib na mabitay sa ibang bansa. Panoorin ang pahayag ni Bayan Muna 2nd nominee Atty. Karlos Ysagani Zarate.
Video: Binuksan ni Raymund Villanueva ng Kodao Productions at Tagapangulo ng Altermidya ang ika-5 Kongreso ng People's Altenative Media Network. Mainit niyang tinanggap ang pagdalo ng mga alternative media organizations mula sa iba't ibang rehiyon at probinsya.
December 13, 2024
(JDM/Kodao)
[PAHAYAG] "Presyo ibaba, sahod itaas" ang panawagan ni BAYAN MUNA Partylist 3rd nominee Ferdinand Gaite para sa mamamayang Pilipino ngayong Kapaskuhan. Aniya, sa pagbabalik ng Bayan Muna sa Kongreso, ito ang kanilang patuloy na ipaglalaban..
Kumusta ang human rights sa bansa? | ALAB Analysis (Disyembre 10, 2024)
MAALAB NA PAGBATI, PILIPINAS!
Kumusta na ang sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa?
Pag-uusapan natin 'yan sa ALAB Analysis kasama si former senator Leila De Lima. Tumutok at makisali sa diskusyon! 🔥
Video: Muling umapela kaninang umaga ang mga kaanak ng mga bilanggong pulitikal sa Korte Suprema sa pangunguna ng KAPATID hinggil sa pagpapatupad ng Writ of Kalayaan na una nang inihain ni Senior Associate Justice Marvic Leonen at inindorso naman Chief Justice Alexander Gesmundo noong 2020. Ang Writ of Kalayaan ay magbibigay ng pahintulot sa mga nakabilanggo na matatanda at may sakit na makalaya at makapamuhay kasama ng kanilang pamilya.
Ayon kay Fides Lim, tagapagsalita ng KAPATID, mayroon ng walong bilanggong pulitikal ang nasawi sa loob ng kulungan sa loob lamang ng dalawang taong panunungkulan ni pangulong Bongbong Marcos. Hinaing nila na sana ay maigawad na ang Writ of Kalayaan sa lalong madaling panahon.
Korte Suprema, Manila
December 10, 2024
(JDM/Kodao)
Video: Muling nagsalita sa harap ng mga progresibong grupo si Jonila Castro sa pagtatapos ng programa sa Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao kaninang tanghali. Si Jonila na isa ring biktima ng pagdukot kasama si Jhed Tamano noong Setyembre 2, 2023 ay matapang na hinamon ang mga kabataan na tumindig at ipaglaban ang kanilang mga karapatan at huwag tumigil sa pagkilos para sa kalayaan.
Claro M. Recto Avenue, Manila
December 10, 2024
(JDM/Kodao)
Video: Pahayag ni Teddy Casino ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa pagtatapos ng programa sa Pandaidigang Araw ng Karapatang Pantao kaninang tanghali. Si Casiño ay tumatakbong senador sa ilalim ng Makabayan Coalition.
Claro M. Recto Avenue, Manila
December 10, 2024
(JDM/Kodao)
Pahayag ni BAYAN MUNA Partylist 3rd Nominee Ferdinand Gaite kaugnay sa pag-amin ng pamahalaan na nagkaroon ng 2.5% inflation at ang epekto nito sa mamamayan ngayong Kapaskuhan.
Pahayag ni BAYAN MUNA Partylist 2nd nominee Atty. Carlos Isagani Zarate sa napipintong pag-uwi ni Mary Jane Veloso at panawagang bigyan agad siya ng clemency ng gubyerno ng Pilipinas.
Mga basehan ng impeachment laban kay VP Duterte | ALAB Alternatibong Balita (Disyembre 6, 2024)
MAALAB NA PAGBATI, PILIPINAS!
Narito ang mga balita’t pananaw ngayong linggo mula sa Altermidya Network:
🔥 Impeachment complaint, isinampa dahil sa maanomalyang rekord ng Bise-Presidente
🔥 Mga katutubo, pinapalayas ng DAR para raw sa San Miguel Corp project?
🔥 Rights Watch: Freezing ng bank accounts ng mga NGO, ano ang nilalabag?
Sama-sama nating panoorin ang #ALAB Alternatibong Newscast
Disyembre 2. Department of Justice.
Kabilang si Amanda Echanis na apat na taon na ngayong nakakulong dahil sa gawa-gawang kaso at si Eric Jun Casilao na isang Consultant ng National Democratic Front of the Philippines sa usapang pangkapayapaan sa mahigit 700 bilanggong pulitikal sa bansa na inaresto ng magkakasunod na rehimen hanggang kay Presidente Marcos Jr. Panoorin at pakinggan ang pahayag ni Ariel "Ka Ayik" Casilao ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura.
📷 N. Bacarra/Kodao