DZUP The Official Radio Station of the University of the Philippines. Established 1958 — Revitalized 2010.
(16)

Hello mga klasmeyts! Sa darating na Lunes, alas-onse ng umaga, tatalakayin natin kung paano nakatutulong ang Humanitaria...
15/11/2024

Hello mga klasmeyts! Sa darating na Lunes, alas-onse ng umaga, tatalakayin natin kung paano nakatutulong ang Humanitarian Engineering sa ating komunidad upang tugunan ang mahahalagang isyu tulad ng water accessibility, shelter, sanitation and disaster resilience.

Makakasama natin si Dr. Julius Rhoan T. Lustro, Assistant Professor mula sa College of Engineering.

Makisali sa ating usapan sa facebook.com/dzup1602am at sa dzup.org.

Ang Serbisyong Tatak UP sa DZUP 1602 ay hatid sa inyo ng NSTP Diliman Office. Sa DZUP 1602, kasali ka!




14/11/2024

Alin, alin? Mahiwagang salamin! Pagkakaiba ng comets, meteors, at asteroids, sa 'kin ay sabihin!

Bago nila tayo kuwentuhan tungkol sa buwan at everything in bituin, makakasama muna natin si Teacher Eteny at Teacher Alfred sa ating episode na pinamagatang, “Ano Nga Ba Ang Pagkakaiba ng Comets, Meteors, at Asteroids?”☄️

Guests:
Anthony Guiller E. Urbano and John Alfred C. Pelenio
Science Education Specialist, UP NISMED

Host: Renz Salas and Ralph Robles

Happy National Children’s Month, mga kasali!Sama-sama natin itong ipagdiwang sa bagong episode ng Sikhay Kilos bukas, 11...
12/11/2024

Happy National Children’s Month, mga kasali!

Sama-sama natin itong ipagdiwang sa bagong episode ng Sikhay Kilos bukas, 11am, saDZUP!

Pakinggan sa DZUP 1602 kHz o sa audio stream sa https://dzup.org/, at panoorin sa DZUP page: https://www.facebook.com/dzup1602am.

Sikhay-Kilos sa Dzup1602

Napalo ni tatay ng sinturon dahil ayaw matulog tuwing hapon. Nakurot ni nanay dahil pabalang sumagot. Pinaluhod sa mongg...
12/11/2024

Napalo ni tatay ng sinturon dahil ayaw matulog tuwing hapon. Nakurot ni nanay dahil pabalang sumagot. Pinaluhod sa monggo o kaya’y pinag-face the wall for 30 minutes. Na-experience mo ba ang mga ito noong bata ka pa? O kaya nama’y never mo itong naranasan dahil madali kang makuha sa tingin kapag galit na ang parents mo. I-Share Mo Yarn! sa amin kung paano ka dinisiplina noong bata ka pa o kaya nama’y paano mo dinidisiplina ang iyong mga anak ngayong isang magulang ka na. 😊

12/11/2024

[NEW SCHEDULE]

Alin, alin? Mahiwagang salamin! Pagkakaiba ng comets, meteors, at asteroids, sa 'kin ay sabihin!

Bago nila tayo kuwentuhan tungkol sa buwan at everything in bituin, makakasama muna natin si Teacher Eteny at Teacher Alfred sa ating episode na pinamagatang, "Ano Nga Ba Ang Pagkakaiba ng Comets, Meteors, at Asteroids?"☄️

Tara na, ating tuklasin ang pagkakaiba ng mga bagay na nakikita natin sa kalangitan! Mapanonood at mapakikinggan ito ngayong Huwebes, sa bagong nitong schedule, November 14, mula 11:00 a.m. hanggang 12:00 p.m. sa DZUP!

Go Teacher Go! Kaagapay ng Makabagong G**o!

Pag-usapan natin ang iba’t ibang paraan ng pagdidisiplina sa mga bata at kung anong konsepto ng batang “pasaway” o “mati...
12/11/2024

Pag-usapan natin ang iba’t ibang paraan ng pagdidisiplina sa mga bata at kung anong konsepto ng batang “pasaway” o “matigas ang ulo.” Bawal mag-tantrum ha pero pwede niyo kaming kulitin para makisali rito sa National Children’s Month episode ng UP Atin ‘To!

12/11/2024

Okay lang maging “sweet” tayo sa ating mga darlings, pero pagdating sa pagkain kailangan nating itong kontrolin! 🍪🍭🍰

Paano nga ba makakaiwas sa komplikasyon ng Diabetes? Pag usapan natin ang kondisyong ito sa susunod na episode ng programang TSEK UP! Talakayan Sa Edukasyong Pangkalusugan sa UP. Kasama ang eksperto sa diabetology na si Dr. Myrissa Melinda Lacuna Alip at ang co-host ng programa na si Dr. Oliva Basuel mula sa UPHS.



Inihahandog UP Diliman Health Serviceice



https://facebook.com/dzup1602am
https://instagram.com/dzup1602
https://twitter.com/dzup1602
https://dzup.org/

Hello mga klasmeyts! Kahapon, pinag-usapan natin ang importansya ng urban gardening at iba't-ibang benepisyo ng mga hala...
12/11/2024

Hello mga klasmeyts!

Kahapon, pinag-usapan natin ang importansya ng urban gardening at iba't-ibang benepisyo ng mga halamang gamot na matatagpuan sa ating mga bakuran kasama si Dr. Rodrigo Angelo C. Ong, Professorial Lecturer ng Science and Society Program sa UP Diliman.

Balikan ang ating usapan sa https://www.facebook.com/dzup1602am/videos/1826564651210423.

Ang Serbisyong Tatak UP sa DZUP 1602 ay hatid sa inyo ng NSTP Diliman Office. Sa DZUP 1602, kasali ka!




Sa panibagong episode ng Yun Yon, pag-uusapan ang kahalagahan ng unyon sa akademikong sektor, pati na ang nalalapit na F...
11/11/2024

Sa panibagong episode ng Yun Yon, pag-uusapan ang kahalagahan ng unyon sa akademikong sektor, pati na ang nalalapit na Faculty Regent Selection. Gaano nga ba kahalaga ang representasyon ng kaguruan sa Board of Regents?

Makakasama natin si Early Sol Gadong ng UP High School Iloilo sa ating talakayan ngayong Miyerkules, ika-13 ng Nobyembre, alas-diyes ng umaga, dito lang sa DZUP 1602!

Napakinggan n’yo na ba ang latest episode ng Katipunan Dialogue Podcast?Pakinggan ang ikatlong episode ng Katipunan Dial...
11/11/2024

Napakinggan n’yo na ba ang latest episode ng Katipunan Dialogue Podcast?

Pakinggan ang ikatlong episode ng Katipunan Dialogue Podcast at matuto mula sa talakayan nina Amb. Laura Del Rosario at Asst. Prof. Aaron Mallari tungkol sa papel at nagpapatuloy na halaga ng United Nations sa kasalukuyang panahon, lalo na sa harap ng nagpapatuloy na digmaan ng Israel at Palestine.

Maaaring balikan ang third episode ng Katipunan Dialogue Podcast at iba pang previous episodes sa kanilang Spotify account, bit.ly/cidskatipunanpodcast.

Abangan ang susunod na episode ng Katipunan Dialogue Podcast sa December 4, 2024, ala-una ng hapon (1:00-1:30 PM), dito lang sa DZUP 1602! 🎙️

Ang Katipunan Dialogue Podcast ay inihahandog ng UP Center for Integrative and Development Studies Strategic Studies Program at ng DZUP. Para sa karagdagang impormasyong tungkol sa UP CIDS, pumunta lang sa kanilang website: cids.up.edu.ph.

Okay lang maging “sweet” tayo sa ating mga darlings, pero pagdating sa pagkain kailangan nating itong kontrolin! 🍪🍭🍰Paan...
09/11/2024

Okay lang maging “sweet” tayo sa ating mga darlings, pero pagdating sa pagkain kailangan nating itong kontrolin! 🍪🍭🍰

Paano nga ba makakaiwas sa komplikasyon ng Diabetes? Pag usapan natin ang kondisyong ito sa susunod na episode ng programang TSEK UP! Talakayan Sa Edukasyong Pangkalusugan sa UP. Kasama ang eksperto sa diabetology na si Dr. Myrissa Melinda Lacuna Alip at ang co-host ng programa na si Dr. Oliva Basuel mula sa UPHS.

Manatiling naka-TSEK ngayong Martes, Nobyembre 12, alas-11 ng umaga sa DZUP1602 kHz, sa page na https://www.facebook.com/dzup1602am, at sa audio stream https://dzup.org/.


UP Diliman Health Service

08/11/2024

Isang nakakatakam at nakakabusog na talakayan ang hatid namin sa inyo ngayong araw! Pagsaluhan natin ang mga bagong kaalaman kasama ang ating panauhin na si Chef Laorence Castillo, isa sa aktibong tagapagtaguyod at tagapagtanggol ng mga pamanang sangkap at lutuing Pilipino.

Sapagkat lahat ng bagay, FOLKLOR!


Aliguyon- University of the Philippines Folklorists

07/11/2024

“There is no friend as loyal as a book” sabi nga ng Amerikanong manunulat na si Ernest Hemingway. Kaugnay sa sabayang pagdiriwang ng Library and Information Services Month at Philippine Book Development Month ngayong Nobyembre, pag-usapan natin ang mahalagang papel ng ating mga silid-aklatan bilang bulwagan ng kaalaman at kung paano ito nakatutugon sa panahon ng inobasyon.

Hosts: Ram Simbajon and Almira Mendoza

Guests:
Dr. Mary Ann M. Ingua
University Librarian
UP Los Baños

Ms. Analiza S. Galang-Linaugo
University Librarian
UP Visayas

Mga ka-folklore, ano ang ilan sa mga paborito niyong lutuin? 🍽️ Narinig niyo na ba ang tinatawag na Pamanang Sangkap at ...
06/11/2024

Mga ka-folklore, ano ang ilan sa mga paborito niyong lutuin? 🍽️
Narinig niyo na ba ang tinatawag na Pamanang Sangkap at Pamanang Lutuin? Paano kaya ito konektado sa ating kaalamang bayan, at gaano ito kahalaga sa kasalukuyang lipunan?

Isang nakakatakam at nakakabusog na talakayan ang hatid namin sa inyo ngayong linggo! Kasama ang ating panauhin na si Chef Laorence Castillo, isa sa aktibong tagapagtaguyod at tagapagtanggol ng mga pamanang sangkap at lutuing Pilipino.

Pagsaluhan natin ang mga bagong kaalamang tampok sa episode ngayong Biyernes, Nobyembre 08, alas-11 ng umaga, sa DZUP 1602 kHz, https://www.facebook.com/dzup1602am, at https://dzup.org/.

Sapagkat lahat ng bagay, FOLKLOR!



Aliguyon- University of the Philippines Folklorists

Sa panahong "surf and click" ay click pa rin ba’yo ang mag-research sa library? Na-search mo ba rito ang hinahanap mong ...
06/11/2024

Sa panahong "surf and click" ay click pa rin ba’yo ang mag-research sa library? Na-search mo ba rito ang hinahanap mong libro o baka naman searching ka lang sa magpapatibok sa puso mo lalo’t malapit na ang Pasko? Acheche!
I-Share Mo ‘Yarn! kina Ram at Almira at pag-usapan natin ang silid-aklatan bilang isang malawak na espasyo ng kaalaman.

Address

University Of The
Quezon City
1101

Opening Hours

Monday 9am - 8pm
Tuesday 9am - 8pm
Wednesday 9am - 8pm
Thursday 9am - 8pm
Friday 9am - 8pm

Telephone

+63289818500

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DZUP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DZUP:

Videos

Share

Category

The DZUP Story

DZUP 1602. The official radio station of the University of the Philippines Diliman.

Nearby media companies


Other Radio Stations in Quezon City

Show All