18/06/2023
Pahimakas
Isinulat Nina: Cleolyn Maderazo at Paula Sarmiento
Sa tuwing sumasapit ang tatlumpung minuto makalipas ang alas dose ng tanghali sa orasan kasabay ng mensaheng โBumaba na po kayo at mag-ingat,โ sabay-sabay na ang bawat hakbang ng mga paang may iisang destinasyong nais puntahan. Habang ang bawat isaโy dinala na ng kanilang mga paa sa lugar na itinakda, ikaw ang sa amin ay naghihintay. Dala-dala ang iyong striktong tindig at ang hindi nawawalang tinging nangangahulugang โHuli na naman kayo.โ Kung maaari lamang naming balikan ang bawat alas dose y medya sa orasan ay amin nang ginawa subalit sa pagkakataong ito, tanging mga ala-ala na lamang ang maaari naming balikan.
Sa katunayan, hindi ako naniniwala sa pagpapaalam sapagkat naninindigan akong hindi lahat ng bagay ay nagtatapos sa tuldok, matapos man ang isang pangungusap ay magkakaroon at magkakaroon pa rin ng espasyo para sa susunod. Noong unaโy patuloy akong nanindigang kailamaโy hindi ko matutuhan ang tunay na dahilan ng pagpapaalam hanggang sa narinig ko ang balita. Sa oras na iyon ay tila baโy ninakawan na ako ng lahat ng salitang maaaring sabihin, pilitin ko mang isiping marahil nilalaro na naman ako ng tadhana ngunit saang parte man pagmasdan, hindi na mababago ang katotohanan. Iyon na sig**o ang unang pagkakataon na mas ninais kong maniwala na lamang sa kasinungalingan.
Noong una pa lamang na kamiโy pinapili mula sa dalawang silid, hindi ko na mabigyan ng makatwirang dahilan kung bakit ang berdeng kwadrado ang pinili kong tahakin. Tunay na iba ang atmospera, marahil ang ibaโy gaya ko na kinakain na rin ng kaba lalo naโt ikaw ang nasa aming harapan. Aking pang naalala ang naging kauna-unahang pagkakataon na kamiโy iyong pinasulat ng artikulo kung saan iyong inisa-isang pinuna ang bawat sulat, talata, pangungusap, at salitang laman ng papel na iyong hawak-hawak. Sa pagkakataong iyon, siguradong hindi na napigilan ng ilan sa amin ang kwestyunin ang kanilang desisyong pinili. Subalit ngayon ay akin ng napagtantong sa kabila ng iyong mga nakasusugat na tingin, sa una pa lamang ay hinangad mo na ang mas ikabubuti namin.
Mula sa bawat โAyusin paโ hanggang sa โMahusay, pagbutihin pa,โ ang lahat ng iyong payoโt suporta ay kailanman hindi magiging salitang sinulat sa buhangin sapagkat sisiguraduhin naming ang lahat ng itoโy sa batoโy uukitin. Sa mga oras na ating ginugol, mabuo lamang ang labing anim na pahinang inalayan ng pagod, pagsusumikap, at mga matang pinagkaitan ng tulog, sa wakas ay maaari na nating sabihing nagtagumpay tayo ngayong taon. Malawak pa ang hinaharap na sa inyoโy naghihintay, mga bagong kamay na nais sumulat, mga bibig na nais magsalita, mga tengang nais makinig, at mga indibidwal na puno ng pagsusumikap na ipaglaban ang katotohanang matagal mo nang sinimulang ihatid. Marahil dumating na ang huling pangungusap sa kabanatang iyong sinimulan, subalit hindi ito nangangahulagang wala ng espasyo sa susunod na pahina.
Tunay na walang papantay sa iyong dedikasyon, umabot man sa puntong ipilit mo na ang iyong sarili kahit pagod na ang umiiral sa iyong sistema, hindi ka pa rin nagdalawang isip na kamiโy unahin. Mula sa inyong bawat, โMagpahinga muna kayo,โ hayaan niyong kami naman ang magsabi nito. Magpahinga kayo ng mabuti, Maโam. โWag kayong mag-alala dahil ngayoโy malaya na kayong makapagpapahinga, wala ng mga artikulong irerebisa, wala ng makukulit na estudyanteng hindi nagpapasa, at wala ng mga patnugot sa alas tres ng hapon ang sa inyoโy gagambala. Minsan maโy nakasasakit na kami ng ulo, maraming salamat dahil hindi kayo nagsawa. Kayo ang aming dahilan at mananatiling dahilan kung bakit kami nanatili sa mundo ng pagsulat.
Kailanmaโy hindi na magiging tulad ng dati ang pasilyo ng Mathay 1, patuloy naming hahanap-hanapin ang iyong imaheng palapit ng palapit dala-dala ang iyong mga nakatutuwang kwento o mabuting balitang patuloy naming babalikan. Hindi kami magsasawang sariwain ang ating bawat pagkikita, hindi man naging perpekto, nangingibabaw pa rin ang masasayang ala-ala. Sa huli nating pagkikita, sa inyoโy wala kaming narinig na paalam kayaโt patuloy naming pagkakapitan ang inyong โMagkita-kita tayo bukas.โ At kung dumating man ang pagkakataong tayoโy magkita muli, pangakong handa na ang aming mga artikulo upang inyong basahin at siguradong hinding hindi na kami mahuhuli.
Naging maaga man ang iyong paglisan, kailanmaโy hindi maaalis ang iyong mga iniwan. Ito man ay maging isang paalam, hindi ito magiging pagkalimot sapagkat hanggaโt ang mga bolpen ay mayroong tinta at nariyan ang mga kamay ng mga batang mamamahayag ay hindi mawawala ang iyong sarkoseng nakatanim sa aming mga puso. Papadayon man ang araw, bukas, at ang susunod na mga buwan, ikaw pa rin ang mananatili naming haligi, ilaw, suporta, taga-payo, at ina. Kailanmaโy hindi magiging Pahatid ang Pahatid ng wala kayo. Pangakong sa bawat salita, pangungusap, talata, at akdang isusulat ng aming mga kamay ay ikaw ang dala-dala. Sa pamamagitan moโy patuloy naming ihahatid ang katotohanang sinisid at opinyong โdi makitid. Mula sa Lagro Pahatid, maraming salamat sa iyong tiwalaโt paniniwala. Hindi ito ang magiging huli sapagkat gaya ng iyong sinabi, magkikita-kita pa tayo sa susunod na bukas. Hanggang sa muli, Maโam.