#IJRecap | FEU-D Baby Tamaraws, sumabak sa UAAP Season 87 Chess Tournament
Pilipinas, Maynila - Napuno ng kagalakan ang Adamson University sa pagpasok at paghaharap ng mga defending champions mula sa iba’t ibang unibersidad.
Ramdam ang tensyon sa iba’t ibang koponan, partikular sa paghaharap ng FEU-D Baby Tamaraws at De La Salle Santiago Zobel, kasunod ng koponan mula sa Adamson Falcons.
Nagpakita ng iba’t ibang estratehiya ang mga manlalaro upang maabot ang salitang ‘checkmate’ at tuluyang maipanalo ang laro.
Caption ni Elisha Corpin
Bidyograpiya ni Samantha Donila
Edit ni Timothy Racelis
#IJRecap | MGA KALAHOK NG SIGTALKAS, NAGPAKITANG GILAS
Alamin ang mga pananaw ng ilang mga miyembro sa bawat koponan ng SigTalKas 2024.
#SigTalKas2024
Isinulat ni Mark Vlare Custudio
Bidyograpiya nina Jeanelle Morales at Greg Roxas
Edit ni Timothy Racelis
#IJRecap | SINING, TALINO, AT LAKAS, IPINAMALAS
Pinasigla, pinatalino, at pinalakas na Baby Tamaraws ang matutunghayan natin sa araw na ito.
Ngayon ay opisyal nang gaganapin ang pinakahihintay nating kaganapan sa buwan na ito—ang SigTalKas 2024.
Pinaghandaan, pinagsikapan, at pinaghirapan ng mga mag-aaral ang araw na ito upang magpasikat at ipamalas ang kani-kanilang talento sa pamamagitan ng sining at tagisan ng talino.
Sinimulan ang SigTalKas 2024 sa pagtitipon ng mga mag-aaral sa Main Lobby kung saan sama-samang inawit ang pambansang awit at nagdasal para sa araw na ito.
Naging kaabang-abang din ang inihandang raffle na siyang gumising sa diwa ng senior high school students.
Pagkatapos ay nagpakitang gilas ang mga kalahok ng PINASigaw kung saan natunghayan natin ang kakaiba at natatanging pagtatanghal ng iba’t ibang grupo.
Ang huling aktibidad naman para sa umagang ito ay ang PINAHenyo kung saan sinubok ang kaalaman at kaisahan ng mga kalahok nito.
Hindi naman nagpabigo ang mga manlalaro sa aktibidad na ito sapagkat ibinuhos nila ang lahat nilang makakaya.
Dito ay ipinamalas nila ang angkin nilang husay at talino na siyang tatak ng isang Tamaraw.
#SigTalKas2024
Isinulat ni Tyra Carmona
Bidyograpiya ni Greg Roxas
Edit ni EJ Agtunong at Timothy Racelis