ABAKADA's

ABAKADA's Ang binhi ng dunong na itinanim ko sa 'yong isipa'y sana lumago, at ang mga bunga nito'y ipamahagi mo

28/03/2024

Kung sakaling sa paggising ay walang telepono, paano mo ko kakausapin?

Kung hindi na kaya magluto ng paborito mong pagkain, paano iibigin?

Kung hindi na kayang maglakad, paano mo ako aakayin?

Kung sakaling malungkot, paano mo ko pangingitiin?

Paano?

Paano kung ang sitwasyon ay magbago? Mananatili ka ba?

Kung isang araw kaya bigla kong mawala, san ka mag-uumpisa?

-Kara Amate

11/05/2023

NAROON AKO

Matatagpuan mo ako sa pagitan ng mga pahina ng paborito mong libro.
Nananahan ako sa labi ng araw, bago 'to humalik sa karagatan. Nananahan ako sa sensaryong 'yong binabalik-balikan.
Makikita mo ako sa apat na sulok ng 'yong kwarto. Sa ibabaw ng aparador, ilalim ng 'yong k**a, maging sa paborito mong punda.
Ang init ko'y nasa kapeng hilig mong inumin.
Nakaipit ang ngalan ko sa likod ng luma mong retrato.
Nakaupo ako sa kung sa'n ka madalas tumungo.
Ang amoy ko'y naiiwan sa 'yong saplot.
Naroon ako sa kung nasaan ang 'yong mga paborito.
Narito ako, sa kung nasa'n ang tunay na ikaw.
Naroon ako sa mga bagay na minamahal mo.
Tulad ng kung pa'no mo sila minahal, gano'n din kita minamahal.
Kaya naman palagi akong narito, sa lilim ng mga minamahal mo.
Naroon ako, sa kung nasa'n ang puso mo.

-Kara Amate

Ang mga mata'y nadarang sa kawalan, ang isipa'y nakapako sa kaguluhan. Bagama't ang labi'y nananahang tahimik, halos sum...
09/04/2023

Ang mga mata'y nadarang sa kawalan, ang isipa'y nakapako sa kaguluhan. Bagama't ang labi'y nananahang tahimik, halos sumambulat ang mga kataga sa isipan. Hapo na 'ko sa kaiisip, matamlay na rin ang katawan. Gusto sanang lumisan, panandalian lamang. Subalit lumbay ang magiging tugon, para sa nag-iisang irog. Sa'n ba ko lulugar? Kung ngayong 'di na alam ang patutunguhan.

-Eros

Hapong katawan, sa maghapong pagpapagal. 'Di naman pabaliktad ang paglakad, subalit ba't parang ang tagal? Sinubukang bi...
06/04/2023

Hapong katawan, sa maghapong pagpapagal. 'Di naman pabaliktad ang paglakad, subalit ba't parang ang tagal? Sinubukang bilisan ang paghakbang, ang pag-usad ay 'di ramdam. Sino ba'ng problema? Ano nga ba ang problema? Ito bang mga paang sa paglakad ay nawili? O ang kalsadang walang hangganan? Alin man sa dalawa, walang mapaglugaran, sapagkat ang pagtigil ng paghakbang at ang pagkawala ng lalakaran ay isang kabalintunaan.

-Eros

25/02/2023

PAGBABALIK

Sa bawat pyesa ng buhay

May nakatagong lumbay

Tanaw sa panahon ng sayang walang humpay

Akala ay tunay na panghabambuhay

Madadapa sa laban na tunaym

Pero babangon upang magbalik sa diwa ng madla ng may dalang pag-asang di mawawala'y.

~ Blessedizz~

BISITANG WALANG PAHINTULOTNakaiinis ang kagyat na pagdalaw ng kalungkutan, mistulang bisitang dumadalaw ng walang abiso....
25/02/2023

BISITANG WALANG PAHINTULOT

Nakaiinis ang kagyat na pagdalaw ng kalungkutan, mistulang bisitang dumadalaw ng walang abiso. Biglang kakatok sa tarangkahan, walang permisong papasok at guguluhin ang 'yong tahimik na pananahan. Subalit ang nakaiinip na pagdalaw ay mas lalong titindig; sapagkat mananatili 'to ng ilang araw, kung minsa'y buwan. Aaluin ka ng katahimikang nakabibingi. Papagurin ang isipan sa walang katapusang pag-iisip. Magiging kalaban mo ang liwanag, maging ang kasiyahan. Subalit hindi ka magrereklamo, susuotin mo ang 'yong maskara. Maglalakad ka na parang walang nangyari, hanggang sa isang araw ay guguho ang 'yong mundo. Kasabay ng paglisan ng 'yong bisita ay ang paglisan mo. Subalit ang tanging pinagkaiba niyong dalawa, may pagkakataon pa siyang dumalaw sa 'yong pamilya.

-Kara Amate

06/08/2021

JESSICA SUHOL

"Nako, ito talagang anak ko hindi pa maliligo kung di ko pa bibigyan ng pera," iritang litanya ni Marites. "Para sa kan'ya rin naman yon. Para naman sa kapakanan at kabutihan n'ya kala mo naman may masamang epekto ang pag ligo, kailangan pang suhulan jusko! "

Napatawa na lang rin si Jessica sa kwento ng kumare, pano ba naman eh ganto rin ang lagay nila ng anak n'ya.

"Hay nako, mare. Hayaan mo na lang 'yang anak mo, kung 'yan lang ba paraan para mapaligo mo eh."

"Hays." Napabuntong-hininga na lamang si Marites.

"S'ya nga pala, mare. May nakita ako sa post ni kap, bibigyan daw ng limang kilong bigas ang mga magpapabakuna. Ano, tara pabakuna na tayo?" Pang-aanyaya ni Jessica.

"Sige ba, sakto di pa 'ko nagpapabakuna. Buti na lang, magkakaroon pa ko ng limang kilong bigas."

-Chris Airen

01/08/2021

MALINAMNAMIMINTAS

"Anak, bakit di mo ginagalaw 'yang gulay?" Tanong ni Ramon sa anak na tila walang gana at pinaglalaruan lamang ang kutsara.

"Si papa pa naman ang nagluto n'yang tortang talong," sunod pa nito.

"Ayaw ko po," sagot ng bata.

"Narinig ko po kasi 'yung sinabi ni Mama kay Aling Marites," pangangatwiran pa nito. "Hindi raw po masarap ang talong n'yo."

-Chris Airen

29/07/2021

CHISMIS LANG 'YAN

"Oh, mare. Nakabusangot na naman 'yang pagmumukha mo?" Pagbungad ni Kristine sa kumareng si Maris na nakapamewang labas ng bahay nito–di maipinta ang itsura at halos magkasalubong na ang mga kilay.

"Nako, mare. Alam mo ba 'yang si Feling, matapos manghiram sa'kin ng bidyoke nung nakaraan eh malaman-laman ko kung ano-ano na palang pinagsasabi sa likuran ko," iritang litanya nito, nagrereklamo na ani mo'y limang taong gulang. "Nako, mabait lang kapag may kailangan tapos 'pag wala eh kung ano-ano na'ng gagawin, nakakainis."

"Naku, gannyan talaga 'yang si Feling, nung nakaraan nga eh ganyan rin ginawa sa'kin; nanghiram ng kaldero tapos kung ano-ano na'ng chinichismis sa'kin," Panggagatong pa nito.

"Oh, nga pala, mare. Ito na pala 'yung hinihiram mong pera sa'kin nung nakaraan." Pagkuwa'y iniabot ni Maris kay Kristine ang liman-daang piso.

"Ah, eh, salamat dito, mare." tugon ni Kristine matapos tanggapin ang pera. "Sige, ibabalik ko na lang to sa susunod, ha, 'pag nakasahod na si mister."

Matapos ang mahabang chismisan ay nagsimula ng maglakad pauwi si Kristine.

"Hay nako, ang sama talaga ng ugali nitong si Maris, lagi na lang naninira ng kapwa." isip-isip pa nito. "Nako, kailangang malaman 'to ni Feling."

-Chris Airen

28/07/2021

BISITA NGA?

Nakapalibot ang buong pamilya sa pabilog na mesa. Lahat ay masayang kumakain, pinag-uusapan ang pamahiin tungkol sa mga kubyertos.

"Kapag kutsara raw ang nahulog, may darating na babaeng bisita. Kapag tinidor naman ay lala—" Napatigil ang lahat dahil sa tunog ng pagkalansing.

Aksidenteng naihulog ni Kristine ang kutsarita dahil sa kaba at panginginig ng k**ay.

"Ayan, may nahulog ng kutsarita, malamang maliit na tao ang bisita," biro ni Adel na nagpatawa naman sa lahat ng nakaupo sa harapan ng mesa.

Agarang ring pinulot ng dalaga ang nahulog na kutsarita at tsaka iniabot sa ama.

"P-pa, buntis po ako." Ani nito.

-Chris Airen

19/07/2021

CLAIRVOYANCE

Mula sa mahiwagang bola mo'y natanaw mo ang mga taong nagkakagulo, may mga nagugutom, nagnanakaw, sumisigaw at umiiyak.

"Ano? Anong nakikita mo?" tanong ng lalakeng nasa harap mo.

"A-Ah wala naman," kabado mong sagot habang pinupunasan ang 'yong pawis.

"Gano'n ba? Mananalo naman ba 'ko sa 2022?"

"Oo senator Manny," nakangisi mong tugon.

-Eros

14/07/2021

Sagisag ay panulat sa diwang baliko; ang rima'y singtalim ng lanzeta kung umukit madugo, letra mula sa pluma ang hatid na pabaon. Bangkay man ang babasa niring literatura'y babangon.

-Eros

04/07/2021

CONSUMMATUM EST

He is lying in bed, thinking about the deadline. This must be extravagant, he walk towards the table. He knows that the piece must be creative enough to catch the attention of his readers.

"This is it— my last piece," he whisper then continue writing his novel, El Felibusterismo.

-Eros

17/06/2021

PAG-AARAL O PAG-AARAL

Alas sais ng umaga, inihanda ni Christine ang kaniyang sarili. Naligo siya, kumain ng agahan at uminom ng isang tasa ng kape.

Ito ang karaniwan niyang ginagawa, paulit-ulit sa araw-araw na animo'y walang kapaguran. Pero ayos lang sapagkat lumalaban siya para sa kaniyang pangarap

"Present ma'am"

"Narito po ma'am"

"Christine?" usisa ng kaniyang g**o.

"A-Ah narito po ma'am," hingal na tugon ni Christine.

"LINISAN MO TO! 'di ba sabi ko sa 'yo ayaw ko ng makalat ang lababo!" malakas na tinig mula sa linya ni Christine.

-Eros

16/06/2021

BYAHENG LANGIT

Hindi bagay, hindi hayop. Siya'y isinilid sa karton ng sapatos.

-Eros

12/06/2021

PIITANG KWINTAS

"Not guilty!" Mga salitang umalingawngaw kasabay ng malakas na paghampas ng martilyong kahoy.

Umusbong ang sigawan sa buong kwarto, hiyawan, palakpakan at mga hindi magk**ayaw na tuwa. Ngunit hindi lahat nagsasaya, dahil ang iba'y galit at namumuhi; umiiyak at nagluluksa. Ngunit hinayaan ko na lang na ganon, dahil ako ang nanalo, sa wakas ay makakalaya na'ko.

"Maraming salamat po," bulong ko pagkalapit sa lalaking naka-puting polo.

"Gaya ng pinag-usapan natin ha, sa akin ka na ngayon magtatrabaho," mahinang sagot ni Kongresman.

-Chris Airen

08/06/2021

ANG INLABABONG MAG-AARAL

Sinisugurado kong plantsado, malinis at mabango ang aking polo, inayos ko rin nang mabuti ang aking buhok. Nang masigurado ang lahat ay matiyaga ko siyang hinintay sa entrada ng aming paaralan. Sa klase ay palaging nakapako ang tingin ko sa kaniya.

"Kumain ka na ba?" nakangiting tanong ko sa kaniya.

"A-Ah oo." tinitigan niya 'ko habang nakangiti.

"Pwede ka ba mamaya? Sa dating tagpuan." naglakad na siya pabalik sa silid.

"Oo anong ora—" 'di ko na natapos ang aking isasagot sapagkat malayo na siya.

Ito talaga si Sir palaging nagmamadali, aabangan ko na lang siya pagkatapos ng klase namin.

-Eros

05/06/2021

MS.PREDICTION

Festival day, Leo decided to visit a local circus in his town, when a certain signboard caught his attention. "Ms.Prediction: fortune telling services."

Him sitting parallel to an old woman dressed with black robe and a hood who poses as a fortune teller.

With everything set and done, the old lady started to draw cards. After a several minutes past, the lady started to talk. "Death... "

"Stab by the ice," she added with a straight face.

Leo let a loud laugh.

"Ice? in the middle of the dessert? What do you think I am? A kid?" Leo abruptly stand before the chair.

"You should've named yourself "MISS PREDICTION"," Leo shouted mockingly as he withdrew the woman's tent.

"There's no way that prediction comes true. How can I be stabbed by ice in a temperature as hot like this." Leo walking away. "Ms.Prediction? An old lady? Shouldn't it be Mrs? Even their sign were off. Horrible."

A loud commotion startled the night.

Screams of terror overflows.

A body falls to the ground.

Leo was lying down the sand, blood all over him and a knife on his face. Leo meets his demise—death, stab by the eyes.

-Chris Airen

04/06/2021

BIG BANG

Four-thirty in the morning when we receive a bomb threat.

"Five three zero, Elfenhiem street." that's what written subtly on the letter.

The address was directed to mine, probably someone despising me, but I don't even know someone mad at me that much to be targeting me and my family.

Luckily, the potential bombing has been alerted to the police force sooner. They evacuated our family and several around ours, away enough from the probable explosion.

News spread faster than the local government expected. People swarmed at our street, far enough to be safe, yet close enough to witness the commotion.

It's already past five, reporters keep coming, filming and surrounding our house hoping for a great scoop from the impending explosion.

A deafening noise was heard all the through city

Not just our house was blown away, every establishment at our street exploded, along everyone around it.

It's 5:30am not 530.

-Chris Airen

02/06/2021

NGANGA LANG SAKALAM

Masayang nag-uusap ang tatlong magkakaibigan na sina Juan, Pedro at Pepe.

"Pepe! mas malakas ang kapit ko sa 'yo," pagmamalaking turan ni Juan.

"Ayos lang mas maputi naman ako kaysa sa inyong dalawa!" pasigaw na sagot ni Pepe

"Basta ako ang pinak**atibay," sambit ni Pedro.

Nagpatuloy ang magkakaibigan sa paglasap ng nganga na animo'y nagtatagisan.

Walang ano-ano ay biglang natahimik si Juan, nagtaka ang magkaibigang Pedro at Pepe hanggang sa narinig nilang magsalita si Marites.

"Mare! mahina na ang kapit ng postiso ko," turan ni Marites sabay pulot ng potiso niyang nahulog sa sahig.

-Eros

01/06/2021

BUHAY BLOGGER

"Magandang gabi mga kaibigan!" pambungad ni Jay sa hawak na cellphone.

"Para sa blog natin ngayong gabi ay ililibot ko kayo sa aking trabaho," buong galak nitong pagbibida.

Buong-buo ang tuwa ni Jay habang Iniikot ang kamera upang ipakita ang kanyang asul na uniforme na may konting p**a at ang lugar na kanyang pinagtatrabahuan.

"Hoy! itigil mo na nga 'yan," sita sa kanya ng kasamahang si Mark kasabay ng pag-ngisi.

"Kung ano-anong kalokohan talaga pinaggagawa mo." Hindi na napigilan ni Mark ang matawa. "I-delete mo na 'yang bidyo at baka may makakita pa talaga n'yan," dagdag pa nito habang nililinis ang mga dugong nagkalat sa sahig.

-Chris Airen

28/05/2021

The steepest steps and murkiest sky leads to brightest lights.

-Chris Airen

26/05/2021

MILLION SUNSETS AFTER CREATION

Shadow blossoms upon, gleams transcends fro oblivion,
Zeus dwells through gust, Poseidon by plains of dust.
Devine insignia of wings and engendering omnipotence,
The ascension of foremost sunrise along pragmatism.

Million of sunsets, there rose myriad epitomes;
Candidates thorned for supremacy, veins spurting regency.
Demeanor bearing of animus; animosity and commiseration.
Kingdom between two rivers of Jekyll and Hyde leaders.

Vociferous cacophony; illusive words of rosy lips,
Mantra summoning floods of crimson sea and terror.
Adverasy for resentments and verity of grieving wounds,
Battering in abyss of profound artifice of sundered liberty.

Thy rulings by atrocity shall surcease to ashes,
Rendezvous beyond ocean and clouds beckons.
Apropos the resonance of thriving juxtapose to demise,
There reside the probable century of
blitheful destiny.

-Chris airen

26/05/2021

UTOPIA

Whenever I discern his white-headed chats, I can feel the butterflies in my stomach.

"Honey, are you ok?" he asked me.

"Yes Honey but I want to see you," I replied in an awful manner.

My man knows that I am in an ill situation right now, simply because of my family. I've experienced a lot of troubles and all I want is his sympathy. Whenever I see him, I am in comfortable state of mind.

"Let us do it together honey." he smiled while holding my hand.

"I love you." I fastened the rope and start the love story of the two of us in paradise.

-Eros

23/05/2021

TRIUMPH

Bloods painted all over the plains, guns and screams of soldier sang in melody, along the grievance of their family.

As the leader, it's hurting to see my countrymens dying, suffering and resenting in the middle of battlefield.

Even the resistance's chance of winning is getting thinner and thinner each time.

This war needs to end, the demise of my men should.

Being the President, there's only one thing I could do to bring peace and hopefully ending the war.

To end the origin of this warfare—to kill my friend.

To kill the leader of my army, Gen. Luna.

—Chris Airen

21/05/2021

LIHAM NG NARARAHUYO

Tahimik lamang si Jane, katabi ang kaibigang maingay na nanunuod, ngunit wala dito ang kanyang atensyon, lahat ay nakalagak sa liham na natanggap kanina.

"Mahal kong Jane, kumusta na?
Nawa'y nasa mabuti kang kalagayan, sana'y ligtas ang kutis mong malaporselana, ang buhok mo na malaseda at ang mga ngiti mong 'sing liwanag ng mga bituin.

Balita ko'y nakapagtapos ka na ng kolehiyo. Ilang taon rin mula no'ng huli tayong magkita, malamang ay nakalimutan mo na'ko, pero 'wag kang mag-alala magkakasama na muli ta—"

Paulit-ulit na kinakalabit si Jane ng kaibigan, tinuturo ang balita sa telibisyon, dahilan para matigil sa pagbabasa. "Si Leo, yung stalker mo nung hayskul, nakatakas daw kahapon."

-Chris Airen

19/05/2021

HELL'S TIME OUT

Fire, flames, blazing gust feast on me.

Devour me up to the very bits, piece by piece until your satisfaction.

Oh, Lucifer, bestow me your generosity.

I want you to own me, all of me— only me!

Until my skin wail in tears!

Until my skin burns to coal, or even to ashes!

Mark me with your affection, every inch of my bod—

"Who in earth turned off the goddamn tanning machine! "

-Chris Airen

17/05/2021

JUSKO PO

Mabuti na lamang at nakaabot siya, pasado alas sais na kasi ng umaga at tumunog na ang kampana. Yun nga lang ay siksikan na sa oras na 'yon, wala na siyang p'westo. Lumuhod na lamang siya sa sulok, inilabas niya ang plato at saka itinaas. Nagsimulang basahin ng paring may buntot ang mga bersikulo, tumahol ito nang malakas. Matapos ang serimonya ay lumabas ang isang kabayo, kinuha ang kaniyang ikapu at nilagyan ng kapirasong tinapay ang kaniyang plato. Nanalangin silang muli.

"Sa 'ngalan ni Jesus dakila naming tagapagligtas," aniya ng paring may buntot

"Amen," tugon ng mga kalansay na tao.

-Eros

14/05/2021

BAMBOOZLE

The bluish-white sky turns into a grayish-black decor. The land is filled with fume and hopeless pawns. A multiple surge serves as a mark for a catastrophic bash. This is not the match that you had dreamt.

The king starts to move, this is not a defensive one but merely a point that will end this conflagration. Heimer starts to decipher a letter from the person of the century. He wraps and drop the gift. More than seventy thousand people died.

The battle flag starts to demise, thank you to the people of Hiroshima and Nagasaki.

-Eros

14/05/2021

HALIK

Payapa lamang at tahimik na nagmamasid ang mga bituin na wari'y nakikisimpatya mula sa bintana.

Ang k**ang kulang man sa p**ang rosas ay binalewala dahil sa makamundong kagustuhan.

Oras namin to, amin lang!

Ang pagdampi ng kanyang katawan sa aking mga palad, mga daliring napapaso at mga haplos na bumubusog sa pagnanasa.

Ang lamig na nanunuot sa kalamna'y unit-unting napapawi ng init.

Mali man ang pagniniig na ito ay wala na akong pakialam, basta mawawala lahat ng kalungkutan.

Ang labi nito sa aking pisnge na unti-unting naglalakbay patungo sa gilid ng aking mata.

Damang dama ko ang init nito sa aking sentido— kada butil nito.

Pagputok.

Naramdaman ko ang laway nitong tumatagos sa aking bungo— ang halik ng kwarenta-y-singko, at muli, tuluyang nagkalat ang p**ang likido na nagsisilbing rosas na kukumpleto sa aking makamundong pagnanasa.

-Chris Airen

Address

Quezon City

Telephone

+639304059370

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ABAKADA's posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category


Other Publishers in Quezon City

Show All

You may also like