16/10/2023
GCASH— legal holdaper ng Pinas?
Last October 8, masaya pa ang gising namin, nag-plan mag breakfast sa Silog and then may supplier na nagrefund samin ng payment kaya inopen namin ang GCASH app to check kung pumasok PERO, disaster pala ang makikita namin, PITONG TRANSACTION NA TIG 10,000 pesos ang nawala, oo, total ng 70k!!!!
Nagpanic kami syempre kasi ang laki nun, tapos nagcheck kami cp, ang daming OTP na nasend para sa 7 transactions lang, tapos nag check and search kami sa FB, ang daming similar stories.
Yung 7 numbers, last 4 digits lang ang naiba, tapos nung sinubukan namin sendan ang sabi “not a gcash account, try gcash padala instead”.
So dahil nga similar stories sa FB tapos may biglaang maintenance si GCASH, nag keep parin kami ng faith baka system glitch lang, kaya nag report lang kami sa gcash and patiently nag-wait sa reply nila and ito na nga, kani-kanina lang, Nag reply na sila na di daw reversible kasi valid daw, like WTH, paano magiging valid kung 38x ang OTP, na ang OTP para sa 5 transactions lang, na nauna pa ang transaction time kesa sa sending ng OTP?
Wala sana ako balak mag post pero sobrang laki niyan GCASH and umaasa ako sa pagpost ko, mas makarating sakanila, sa BSP at iba pang stakeholder para matigil na ang ”legal” na pagkuha sa pinaghirapan nating pera.
Hindi equivalent ang convenience ng GCASH sa stress na dala ng unauthorized transaction, sobrang dali para sakanila na sabihin na “we regret to inform you”. Hindi biro kitain yung ganung halaga kaya sana ma-aksyunan to ng Gobyerno, ng BSP kasi unlike ng ma-hack ang BPI at BDO, parang napakatahimik nang sa GCASH, na parang di man lang masyadong na-isa publiko.