09/11/2020
"Hindi hadlang ang kahirapan sa pagkamit ng Tagumpay" Simpleng kasabihan Pero ang hirap paniwalaan .Lalong lalo na sa parte ng isang mahirap na pamilya.Sa panahon ngayon, Karamihan sa mga tao ay madaling sumusuko kapag may kinakaharap na mabibigat na problema.Tila kayhirap at napakaimposibleng lagpasan ang kahirapan lalo na kapag kapag wala ni isa sa ating pamilya ang umaasenso sa Sariling pamamaraan.Ang iba naman binabase ang pamamaraan ng pamumuhay sa mga paniniwala na kung minsan ay wala namang naidudulot na mabuti sa ating buhay.Karamihan sa mga tao ngayon nakatatak na sa kanilang isipan na Kapag mahirap ka mahirap ka na habangbuhay.Sa mundong ito, hindi natin malalaman ang buhay na ating mararanasan, kung mamumulat ba tayo sa buhay na puno ng karangyaan o buhay na isang kahig isang tuka lamang. Marami ang naghangad, nagnais at nangarap ng maginhawang buhay, ngunit nahadlangan ito ng isang bangungot na kay hirap talikuran, ang bangungot ng buhay na kahit sino ay ayaw pagdaanan, buhay na puno ng kakulangan o kakapusan. Ito'y maituturing salot sa ating buhay.sa buhay ng tao ang kahirapan ay hindi isang sumpa kundi ito'y bungga ng katamaran at kapabayaan sa buhay. Ang kahirapan ay madaling lagpasan kung ika'y masigasig at maging masipag sa lahat ng bagay, ito'y isang simpleng bangungot ng buhay na pwedeng takasan sa pamamagitan ng paggising na may pangarap at buong lakas ng loob na ito'y tapusin. Ang edukasyon ay isang pangunahing sandata para makawala sa kadena ng kawalan, lumikha ng pangarap at abutin ito ng buong tapat upang makamtan at malasapan ang buhay na hinahangad ng sangkatauhan.
Sa buhay, hindi hadlang ang kahirapan upang ang mga pangarap ay makamtan, magtiwala kalang sa iyong sariling kakayahan at huwag sumuko o mag alinlangan na tapusin ang pangarap na iyong nasimulan dahil ang kagustuhang mapasaibabaw ay isang tulay patungo sa buhay na punong kariktan at kaginhawaan, huwag magpaapi sa buhay ng kawalan dahil ito ang magiging rason na matambak ka sa ilalim at hindi na makakabangun pang muli, huwag hayaang makulong ka ng kahirapan, maging matapang at tahakin ang tamang daan patungo sa tagumpay at sa malayo sa kasarinlan na tinatawag nating kahirapan.Dahil ang kahirapan ay hindi magiging hadlang upang makamit ang ating mga pangarap at sariling Tagumpay.
KUNG KAYA NILA MAS KAKAYANIN MONG GAWIN BALANG ARAW PANAHON AY PAPABOR.😀❤️