Mommy Yash

Mommy Yash Just posting random stuffs along with my journey as a mom.
(3)

08/12/2023

Nag-order twice. Mali daw sa timbang na-receive niya sa first order niya.

October niya pa inorder first order niya. Wala pang proof ng unboxing video.

Yung nilalaban sakin bakit daw 1/4 lang laman ng pack. 250g daw order niya.

Sana ok ka lang sir...


07/12/2023

Tinetest ko kung marunong na ba talaga si Mavi sa colors. Narinig ko na kasi siya bumigkas ng names ng ibang colors...

#1 Pinakitaan ng blue shirt...

Me: Mavi anong kulay to?
Mavi: Buu (Blue)
Me: very good

#2 Pinakitaan ng red na unan...

Me: Eh eto naman?
Mavi: Unan...

Natawa na lang ako. Mali din nga naman kasi ata ang tanong ko? Hahaha!! 😆✌



07/12/2023

Habang naghuhugas ng plato lumapit sakin si Mavi...

Mavi: Lad ju nak (Love you anak)

Yung lagi kong sinasabi sa kanya, sinasabi niya na din sakin ngayon. Hahaha!! Naging anak pa nga ako. 😆✌


"Mama lablab p*s" (Way niya of saying payakap) "Mama hindi wert p*s" (Wag daw ako work) "No lis mama p*s" (Wag daw ako a...
06/12/2023

"Mama lablab p*s" (Way niya of saying payakap)
"Mama hindi wert p*s" (Wag daw ako work)
"No lis mama p*s" (Wag daw ako alis)

Nag-spend muna ako ng whole day kasama si Mavi today. No balot orders muna. No work. Nag-bonding kami maghapon.

Na-move ako sa lambing ni Mavi. Masyado akong busy rumaket na nakalimutan ko nang umuonti na lang pala oras ko makipaglaro kay Mavi. Na namimis niya rin ako.

2 years old pa lang siya pero yung out of nowhere ganyan sya magsalita, ganyan ang naiisip niya, nakurot ang puso ko bilang nanay.


My baby is not so little anymore. 🥰😘
03/12/2023

My baby is not so little anymore. 🥰😘


Ang bilis ng panahon. Dalawa na kayong makulit ngayon. Parehas nang gusto tumambay sa labas. Mga batang labas na rin pag...
03/12/2023

Ang bilis ng panahon. Dalawa na kayong makulit ngayon. Parehas nang gusto tumambay sa labas. Mga batang labas na rin pag hapon pag walang pasok ang Ate Yomi.




Buti na lang talaga meron tayong malakasang stroller mo nak. Grabe, di na kita halos makarga ng matagal. Big boy ka na t...
01/12/2023

Buti na lang talaga meron tayong malakasang stroller mo nak. Grabe, di na kita halos makarga ng matagal. Big boy ka na talaga...



Nakakamis din pala pumasok para magpa-aircon at mag-selfie lang sa locker room. Hahaha!! 😆✌(Pero mas nakakamis talaga yu...
30/11/2023

Nakakamis din pala pumasok para magpa-aircon at mag-selfie lang sa locker room. Hahaha!! 😆✌

(Pero mas nakakamis talaga yung kapayatan ko those days...😆✌)

Why so pogi my love?
27/11/2023

Why so pogi my love?

Parang nanibago ako after. Feeling ko nag-iba mukha ni Mavi. Nakakamis din yung kulot niya. Sa new haircut niya mukha na...
26/11/2023

Parang nanibago ako after. Feeling ko nag-iba mukha ni Mavi. Nakakamis din yung kulot niya. Sa new haircut niya mukha na siyang straight haired.

In fairness, effective ang panunood ng cartoons + car na upuan dahil behave siya habang ginugupitan. Di nagalaw hanggang matapos.




26/11/2023

Madali lang naman mag-grocery... 😆✌

Paggising ko kanina, maagang pinasyal ng Daddy niya si Mavi. Nabihisan na ng diaper. Di ko na rin need magluto at mag-is...
25/11/2023

Paggising ko kanina, maagang pinasyal ng Daddy niya si Mavi. Nabihisan na ng diaper. Di ko na rin need magluto at mag-isip ng ipapakain kay kulot kasi napakain na siya ng daddy niya.

Yung mga ganung gestures little things man kung tutuusin pero big deal yon para sating mga nanay. Mas nakakakilig pa yon kesa flowers and chocolates.

Yung maka-save ka ng ilang minutong pagod dahil may sumalo na ng ilan sa gagawin mo. Simple happiness ng mga nanay yan...

Kung may asawa kang nakakatuwang mo din sa bahay, hindi panay utos lang, babagal ang pagtanda mo dahil less stress yan Inay.


Sorry nak kung madalas maging angry mom si mama lately... Sorry kung nasusungitan na naman kita lately... Sorry kung nak...
22/11/2023

Sorry nak kung madalas maging angry mom si mama lately...
Sorry kung nasusungitan na naman kita lately...
Sorry kung nakakatulog ka na namang di ako katabi...

I know you just needed me extra pero bilis uminit ng ulo ko pag kinukulit mo ko...

Mama is not okay for now pero Mama will try to be okay again ha. More play time tayo pag okay na ulit si Mama ha...

Sorry nak kung umabot pa hanggang sa pagdating mo tong mga gantong ep*sodes ko.

Lablab ka ni Mama palagi...



Habang naglalakad pauwi, nakakita si Mavi ng donuts. Binilhan ko na lang kasi minsan lang naman at may extra pa din nama...
19/11/2023

Habang naglalakad pauwi, nakakita si Mavi ng donuts. Binilhan ko na lang kasi minsan lang naman at may extra pa din naman pambili.

Yung instead na takeout, naging dine in...

Mavi: Mama, no uwi
Me: Bahay na tayo kain anak
Mavi: No tain don. Sleep don

Oo nga naman. Sa bahay nga naman nagsi-sleep. Dito na daw sya kain tas sa bahay mag-sleep.



18/11/2023

Naglambing ang batang almost 3 days di nakarga ng mama.

Kahit di pa ko masyadong nakaka-recover at nanginginig nginig pa din konti mga tuhod ko, go!

May matching kisses pa talaga yan eh. Nung na-realize niyang wala na kong lagnat at di na daw ako "hot", grabe yan sya makayakap at panay kiss sakin.

Na-miss ako ng anak ko kahit everyday pa rin naman kami magkasama at nagkikita...

Na-miss din kita nak. 2 nights ka ring di makadikit kay mama dahil sabi mo "hot" si mama.



17/11/2023

Mas gusto ko pa yung lagnat na mainit lang kesa yung gantong lagnat na andaming masakit...

- sakit likod
- sakit legs
- sakit ulo

14/11/2023

Convo namin ni Mavi...

Mavi: Wala pon-pon?
Me: Nunuod ka Blippi sa selpon?
Mavi: Hindi Blippi..
Me: Cha-cha?
Mavi: Pumasok sa kwarto. Paglabas may dalang elephant may pa-yey, yey pa.

Anlayo naman nak ng pon-pon sa elephant...



Di ko na matiis allergy ko. Di talaga ako makatulog kakakamot. Napahalungkat na ko sa first aid medicine kit ko.Pag sinw...
12/11/2023

Di ko na matiis allergy ko. Di talaga ako makatulog kakakamot. Napahalungkat na ko sa first aid medicine kit ko.

Pag sinwerte ka nga naman. May naligaw na nag-iisang cetirizine. Sa wakas, makakatulog na din pagtalab nito.


12/11/2023

Ang bawal, BAWAL.

San ka maghahagilap cetirizine sa hatinggabi ngayon niyan.

Nilantakan mo pa kanina yung pusit ah, kamot malala ka tuloy ngayon. Kulit mo eh.


Ganda ng song. Ano kaya title? Di ko mahanap.
12/11/2023

Ganda ng song. Ano kaya title? Di ko mahanap.

So nice. I want one too. Kahit anong occassion lang..
12/11/2023

So nice. I want one too. Kahit anong occassion lang..

I realized this just recently. I felt guilty letting him go when I needed to go and needed to let him go...
12/11/2023

I realized this just recently. I felt guilty letting him go when I needed to go and needed to let him go...

Nag-post celebrate kami ng birthday ko sa Vikings Luxury Buffet, The Block SM North Edsa. Yung free na mini birthday cak...
12/11/2023

Nag-post celebrate kami ng birthday ko sa Vikings Luxury Buffet, The Block SM North Edsa.

Yung free na mini birthday cake ko, paglapag pa lang sa mesa nadakot agad ng batang may fastest hand. Sya lang din umubos. Ayaw pa mamigay.

Pati sa picture taking kasama logo ng vikings at vikings hat, gusto niya siya lang din. Siya talaga ata ang totoong may birthday.

Natatawa na lang kami sa kakulitan ng baby kulot namin na to. Sulit na sulit yung unli buffet sa kanya eh. Buti na lang free pa siya.



11/11/2023

Napasama pa ata yung pagpa-massage ko. Nilagnat ulit. Hahaha. Kala ko maenjoy ko na ginhawa ng likod ko, mag-eenjoy pala ako humiga na naman...

11/11/2023

Yung nagpa-masage ka tas malakas kiliti mo. Kakapigil mo tumawa at pumiglas, napapahikbi ka. Kala ng therap*st umiiyak ka na. Nung di mo na napigilan, natawa ka na talaga. Tawa din therap*st sayo eh. 😆✌

11/11/2023

Sa mga invites ko po sa Poppo. Di niyo po makukuha bonus niyo kung di kayo magla-live. Kung may internet lang din naman kayo, sayang din yung extra income kay Poppo.

10/11/2023
10/11/2023

Sa mga nag-join sa link ko sa Poppo. Kamusta na mga mamsh?

💯
09/11/2023

💯

09/11/2023

The less you see the more peaceful your mind will be...

Ngiti ng batang nakahalungkat ng milk drink habang tulog si Mama. Nanggising para magpaopen. Hahaha!!  Nagpapa-cute pa t...
09/11/2023

Ngiti ng batang nakahalungkat ng milk drink habang tulog si Mama. Nanggising para magpaopen. Hahaha!! Nagpapa-cute pa talaga eh...




08/11/2023

Ito yung nakaka-put*ng*na. Buti sana kung nakikitaan mo ng effort at pagsisikap. Kaso hindi eh.

08/11/2023

Di talaga mawawala mga yan..

08/11/2023

Ay, legit! Cut ties na lang kesa dalhin mo sa hukay mo ka-toxican nila.

08/11/2023

Panget ka na nga nambabae ka pa. 😆😆😆

08/11/2023

Daming ganto sa paligid ko.

07/11/2023

Mga napapala ng mga pasaway...

Address

Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mommy Yash posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

Nearby media companies


Other Digital creator in Quezon City

Show All