Modified Abaca Stripping Knife (MASK)
2nd_video_released for MASK.
Field Test: Modified Abaca Stripping Knife (MASK).
🇵🇭 MASK. Mapapanood sa video na ito ang isinagawang field test ng Modified Abaca Stripping Knife ng PhilFIDA. Layunin nito na akwal na makita sa field ang performance ng knife. Sa kasalukuyan ay mayroon ng final na desenyo at naipagawa na ng maramihan pampamigay sa mga magaabaka. Isang kakaibang katangian ng panghagot na ito ang sadyang pinatigas na bakal (45-50HRC) upang matagal masira at ang pagkakaroon ng talim sa 4-sides. Gamit ang panghagot na ito, maaaring makahagot ng 10-15 kilos na pinatuyong hibla sa loob ng isang araw na may gradong I or G.
Tandaan: Hindi ito ang pangmatagalang solusyon ng ahensiya para sa pagpapaunlad ng industriya ng hibla. Pansamantala lamang itong paraan para maitaas ang antas ng grado ng hibla sa mga lugar na kung saan masyado ng bumababa ang kalidad.
Pangunahing program ng ahensiya ang itaas ang antas ng mekanisasyon sa pagaabaka dahil ito ang napatunayang solusyon para iangat ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka ng hibla. Abaca Tuxy Buying Special Project (ATBSP) with pilot center in Caramoran, Catanduanes ang isa sa flagship project. Abangan ang detalya ng proyektong ito sa mga susunod na post.
#abaca_production
🇵🇭 APUCAP: Abaca Plantation Under Coconut Area Project. Mapapanood sa video ang isa sa familiar na peste ng abaka, ang corm weevil, kung saan kinakain nito ang ubod ng ulo ng puno ng abaka sa ilalim ng lupa.
Para sa karagdagang kaalaman sa pagtatanim ng abaka mag PM lang sa FB Page HIBLA Farming. Makikita sa susunod na post ang iba pang dapat malaman tungkol sa industriya ng hibla. #abaca_production
Oriental Mindoro: 2-hectares Abaca Motherblock Nursery.
Drone shot of the Abaca Motherblock Nursery in Oriental Mindoro. Ang nursery na ito ay inistablis gamit ang abuab variety tissue cultured planting materials na may kabuuang lawak na 2-hectares. Layunin ng proyektong ito na magkaroon ng agarang mapagkukunan ng buto ng abaka para naman suporta sa isa pang proyekto na kung saan namimigay ang ahensiya ng libreng pananim sa lahat ng interesadong magtanim. Ang butong kinukuha dito ay pinapatubo at ninanursery sa loob ng 2-4months bago ipamigay sa mga interesado.
Ang motherblock nursery na ito ay bahagi lamang ng 17-hectares nursery na estabalished na sa ibat ibang lokasyon sa abaca producing regions.
Para sa mga karagdagang impormasyon at katanungan mag mensahe lang po sa FB Page HIBLA Farming #abaca_production.
Tuxying
ABACA: Tuxying process.
Winding of Cotton yarn from the Doubler machine. Final product of the center.
Ginning machine
During testing of cotton ginning machine
Ginning operation
During testing of cotton ginning machine