17/12/2024
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Tumaas ang bilang ng mga insidente ng sunog ngayong taon 2024 kumpara noong 2023. Sa kabuuan, naitala ang 76 na kaso ngayong taon, mas mataas kaysa sa 56 na kaso noong nakaraang taon. Umabot naman sa mahigit P80 hanggang P100 milyon ang naitalang halaga ng pinsala dulot ng mga sunog.
Ayon kay Senior Fire Officer 1 Eugene Paul Manuel, pangunahing sanhi ng mga sunog ay ang kapabayaan ng ilan sa ating mga mamamayan. Ilan sa mga posibleng dahilan nito ay:
Pag-iwan sa mga nakasinding kandila, sigarilyo, o kalan.
Hindi tamang paggamit ng kuryente tulad ng octopus wiring at overloaded outlets.
Paggamit ng substandard na electrical appliances.
Sinabi rin ni SFO1 Manuel na ang mga ganitong insidente ay maaaring maiwasan kung magiging mas maingat ang publiko.
Mga Hakbang para Maiwasan ang Sunog:
Regular na inspeksyunin ang mga linya ng kuryente at appliances.
Siguraduhing patayin ang kalan, kandila, at iba pang heat sources bago matulog o umalis ng bahay.
Magkaroon ng fire extinguisher at pag-aralan ang tamang paggamit nito.
Magsagawa ng fire drills at edukasyon sa mga miyembro ng pamilya tungkol sa tamang tugon sa sunog.
Bilang bahagi ng kampanya para maiwasan ang sunog, nagsagawa ng Kapihan sa SM Mall ang Philippine Information Agency (PIA) ngayong Disyembre. Panauhin dito sina Senior Fire Officer 1 Eugene Paul Manuel ng Bureau of Fire Protection Puerto Princesa City at Senior Fire Officer 4 Alex Calangi mula naman sa Provincial Bureau of Fire Protection. Naibahagi nila ang mahahalagang paalala upang maiwasan ang sunog at maprotektahan ang buhay at ari-arian ng publiko.
Via Palawan Daily News
๐ทPalawan Daily News