[WATCH] Panayam kay dating Palawan 2nd District Representative Cyrille "Beng" Abueg-Zaldivar matapos maghain ng kanyang kandidatura ngayong araw sa Provincial COMELEC.
Via Chris Barrientos / DWIZ Palawan
#dwiznewsfmpalawan
#NagbabalitaNgTamaNaglilingkodNgTama
[WATCH] Interview kay Governor Dennis Socrates matapos itong maghain ng kanyang kandidatura ngayong hapon, October 2, sa tanggapan ng Provincial COMELEC.
Via Chris Barrientos / DWIZ Palawan
#dwiznewsfmpalawan
#NagbabalitaNgTamaNaglilingkodNgTama
[WATCH] Rosalie "Mommy Rose" Salvame na maybahay ng yumaong Kongresista ng 1st District ng Palawan na si Edgardo Salvame na si Rosalie "Mommy Rose" Salvame, nakapaghain na ng kanyang Certificate of Candidacy sa Palawan Provincial COMELEC at tatakbo sa pagka-Kongresista sa Norte bilang Independent Candidate.
Via Chris Barrientos / DWIZ Palawan
#dwiznewsfmpalawan
#NagbabalitaNgTamaNaglilingkodNgTama
[SPORTS] Nakuha ng CHQ ang panalo kontra PS3 sa score na 72-76 sa nagpapatuloy na Basketball Tournament ng Puerto Princesa City Police Office.
#dwiznewsfmpalawan
#NagbabalitaNgTamaNaglilingkodNgTama
[WATCH] Palawan Governor Dennis Socrates, i-endorso ang anak ng yumaong 3rd District Representative Edward Hagedorn na si Elroy "Clink" Hagedorn sakaling tumakbo ito sa pagka-Kongresista ng Ikatlong Distrito ng Palawan sa darating na halalan.
Ang pahayag ay ginawa ng Gobernado sa ginanap na Arampangan sa Palawan (ASK) nitong Biyernes, September 27.
Samantala, wala pa namang pahayag ukol dito ang pamilya Hagedorn.
Matatandaan na nitong mga nakaraang araw ay una nang nagpahayag si Clink Hagedorn sa pamamagitan ng kanyang page na wala pa silang pinal na desisyon ukol sa nalalapit na halalan kasabay ang pakiusap sa kanilang supporters na hintayin lamang ang kanilang pahayag matapos ang babang luksa para sa yumaong Kongresista.
Via Chris Barrientos / DWIZ Palawan
#dwiznewsfmpalawan
#NagbabalitaNgTamaNaglilingkodNgTama
[HAPPENING NOW] 2024 ICF Dragon Boat World Championships Press Conference. (1/2)
Via Chris Barrientos / DWIZ Palawan
#dwiznewsfmpalawan
#NagbabalitaNgTamaNaglilingkodNgTama
[WATCH] Naniniwala si dating Palawan 3rd District Representative Gil Acota Jr. na magiging maganda ang labanan para sa Ikatlong Distrito sakaling tuluyang tumakbo para sa 2025 elections si dating Palawan Governor at 2nd District Representative Abraham Kahlil Mitra.
Ayon kay Acosta, hindi s’ya magpapahuli kung ‘accomplishments’ ang pag-uusapan sa kabila ng kanyang maikling panahong panunungkulan.
Via Chris Barrientos / DWIZ Palawan
#dwiznewsfmpalawan
#NagbabalitaNgTamaNaglilingkodNgTama
[WATCH] Nilinaw ni Palawan 2nd District Congressman Jose Chaves Alvarez na hindi tinanggal o inalis si Palawan Governor Dennis Socrates sa Partidong Pagbabago ng Palawan o PPP.
Matatandaan na tumakbo at nanalo si Socrates bilang Governor ng Palawan noong nakaraang eleksyon sa ilalim ng PPP kasama ang kanyang tandem na si Vice Governor Leoncio Ola.
Ayon kay Congressman Alvarez, kusang umalis si Socrates sa Partido.
Personal anya itong desisyon na hindi naman nila maaaring pigilan.
Inamin din ni Alvarez na nagulat sila sa ginawang biglang pag-anunsyo ni Socrates na muli itong tatakbo sa pagka-Gobernador ng Palawan nang hindi muna anya ipinapaalam o ikinonsulta sa kanilang Partido.
At dahil anya sa desisyong ito ni Socrates at dahil narin sa panawagan na tumakbo si San Vicente Mayor Amy Alvarez, ito na anya ang napag-desisyunan ng kanilang Partido para maging pambato sa pagka Gobernador ng Palawan sa 2025 elections at katambal ni Vice Governor Leoncio Ola.
Via Chris Barrientos / DWIZ Palawan
#dwiznewsfmpalawan
#NagbabalitaNgTamaNaglilingkodNgTama
[WATCH] Panayam kay Palawan 2nd District Congressman Jose Chaves Alvarez sa isinagawang pagtitipon ng Partidong Pagbabago ng Palawan kung saan sinabi nitong ‘failure of governance’ ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw suportahan ng Partido ang kandidatura ng kasalukuyang Governor ng Palawan na si Dennis Socrates.
Via Chris Barrientos / DWIZ Palawan
#dwiznewsfmpalawan
#NagbabalitaNgTamaNaglilingkodNgTama
[WATCH] Makikita sa Facebook live video ni Mark Anthony Cañete Aurelio ang malakas na agos ng tubig at pag-apaw nito sa detour sa Brgy. Concepcion, Puerto Princesa City.
Maraming sasakyan at motorista narin amg stranded sa lugar hanggang sa mga oras na ito.
Via Chris Barrientos / DWIZ Palawan
🎥 Mark Anthony Cañete Aurelio
#dwiznewsfmpalawan
#NagbabalitaNgTamaNaglilingkodNgTama
[LOOK] Pinatunog na ang Early Flood Warning Alarm sa Brgy. Abongan, Taytay, Palawan matapos umaboy sa tatlong metro ang taas ng tubig sa ilog doon.
Ito ay hudyat na kailangan nang lumikas ng mga residenteng nakatira malapit sa ilog at mababang lugar dahil sa posibilidad ng pagbaha.
Via Chris Barrientos / DWIZ Palawan
🎥 Jerry Alili / PDRRMO
#dwiznewsfmpalawan
#NagbabalitaNgTamaNaglilingkodNgTama