25/08/2022
| Adele: Wala raw umanong ginto sa ilog ng Palawan!
Ayon sa English singer na si Adele Laurie Blue Aspin este, Blue Adkins o mas kilala bilang Adele, wala raw umanong ginto sa ilog ng Palawan. Ito ay matapos nyang bumisita dito nakaraang taon para maligo at mangginto sa lahat ng ilog sa nabanggit na lalawigan.
Aniya, “there ain't no gold in this river
That I've been washin' my hands in forever
I know there is hope in these waters
But I can't bring myself to swim. ”
Hindi sya umano makapag swimming dahil baka raw malunod siya, subalit umaasa parin siyang magagawa niya ito alang-alang sa mga gintong kanyang inaasam.
Kinumpirma naman ng mga tao sa lalawigan, lalo na ang mga manggiginto o Gold digger na mayroon paring ginto sa mga ilog ng Palawan, taliwas ito sa sinasabi ni Ms. Adele. Nagkasagutan pa umano sa gitna ng paghuhukay ng ginto sina Ms. Adele at mang Ka Knorr dahil iginigiit nitong wala na raw ginto.
Mang Ka Knorr: Sige po ma'am, go easy on me lang po! Hindi ko kayo papatulan. Wala na nga pong ibang ilog dito. Lahat po ng ilog dito konektado. Kaya wala na po kayong ibang choices. Lahat po dito May ginto. Be patient lang po.
Adele: I had no time to choose. What I chose to do?
Mang Ka Knorr: kaya nga po ma'am, easy lang po kayo dyan.
Matapos ang kanilang sagutan, nagpagulong-gulong umano si Ms. Adele sa kailaliman ng bangin sabay kanta ng rolling in the deep.