Bandera News TV Philippines

Bandera News TV Philippines PINAKARESPETADO SA NEWS AND CURRENT AFFAIRS

28/09/2024

IMPORMASYON NGAYON WITH ALROBEN GOH 09-28-24

Naniniwala ka ba kay Santa Claus? 🎅
27/09/2024

Naniniwala ka ba kay Santa Claus? 🎅

27/09/2024

PUNTO BANDERA WITH HENRY SANTOS 09-28-24

27/09/2024

BANDERA REPORTS MORNING EDITION WITH MIKE ESCOTE 09-28-24

27/09/2024

GANAP FOR THE WEEK!
Office of City Councilor Elgin Damasco
Puerto Princesa City

Abangan ang mga Certified Naturopathic Practitioners ng DOK NATURAL NATUROPATHIC AND WELLNESS CENTERMagkakaroon ngDOK NA...
27/09/2024

Abangan ang mga Certified Naturopathic Practitioners ng DOK NATURAL NATUROPATHIC AND WELLNESS CENTER

Magkakaroon ng

DOK NATURAL WELLNESS MISSION

Free check-up and consultation sa sumusunod na area.

Ka loui and team,pls announce this

Dok Natural Wellness Mission

Free check up and consultation para sa mga may karamdaman.

September 29 araw ng Linggo
7am-11am
Brgy Gym of Brgy Pulot Center
Espaniola,Palawan

1-5 pm Radyo Bandera Station in Poblacion,Batarraza,Palawan

September 30 araw ng lunes
7-11am Covered Court of Brgy.Punta Baja
Rizal,Palawan

1-5pm
Covered Court of Brgy Alfonso 13
Harap ng PSU.,Quezon,Palawan

Marami na ang gumaling sa alternatibong paraan ng panggagamot ng DOK NATURAL.

Ang mga Naturopathic Practitioners ng DOK NATURAL ay certified ng Department of Health at Philippine Traditional and Alternative Health Care(PTAHC).

27/09/2024

DALAWA, PATAY SA BANGGAAN NG MOTORSIKLO AT KOTSE SA BRGY. SAN JOSE; BUNTIS NA ANGKAS RIN NG MOTORSIKLO, NAKUNAN

27/09/2024

PUBLIC SERVICE.

Looking for Blood donors
Type O para sa biktima ng aksidente sa San Jose.

Sa mga gusto magdonate, maaari makipag ugnayan Kay Ma'am April Grace Catedral sa numero 09452573721.

Maraming salamat po!

27/09/2024

POLICE COMMUNITY PRECINCT NG PUERTO PRINCESA CITY POLICE OFFICE, NADAGDAGAN

27/09/2024

ALERTO TRENTA'Y OTSO WITH LUDY BELLO 2024 09 27

ILANG MGA MOTORISTA, PINARA SA CHECKPOINT NG LTO REGIONAL TEAM SA SAN MANUEL NATIONAL HIGHWAY
27/09/2024

ILANG MGA MOTORISTA, PINARA SA CHECKPOINT NG LTO REGIONAL TEAM SA SAN MANUEL NATIONAL HIGHWAY

27/09/2024

BANDERA REPORTS AFTERNOON EDITION WITH JOPHET DESACA 2024 09 27

27/09/2024

DALAWA, PATAY SA BANGGAAN NG MOTORSIKLO AT KOTSE SA BRGY. SAN JOSE; BUNTIS NA ANGKAS RIN NG MOTORSIKLO, NAKUNAN

DALAWANG MANGINGISDANG SAKAY NG LUMUBOG NA BANGKA, NASAGIP NG PNP MARITIME SA PANDAN ISLANDLigtas na nakauwi sa kanilang...
27/09/2024

DALAWANG MANGINGISDANG SAKAY NG LUMUBOG NA BANGKA, NASAGIP NG PNP MARITIME SA PANDAN ISLAND

Ligtas na nakauwi sa kanilang pamilya ang dalawang mangingisdang sakay ng bangkang lumubog sa karagatan malapit sa Pandan Island sa Puerto Princesa nitong September 25, 2024.

Ito ay matapos ang matagumpay na rescue operation na ikinasa ng 2nd SOU-Maritime Group sa pangunguna ni PLt. Allan Natividad.

Ayon sa PNP Martime, inabutan ang mga biktima ng malakas na ulan at malalaking alon habang nangingisda dahilan para lumubog ang kanilang sinasakyang bangka.

Pareho naman umanong nasa maayos na kalagayan ang dalawang mangingisda na nakauwi na sa kani-kanilang pamilya.

Pinayuhan naman ng mga otoridad ang publiko na iprayoridad ang kaligtasan at huwag nang piliting lumayag o gumawa ng water activities kapag masama ang panahon.

Photo Courtesy: Palawan Maritime Pulis Sou II

PANGONGONTRATA AT ANG PAGTANGGI SA MGA PASAHERO, MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL; MGA MANANAKAY, HINIKAYAT NA MAGREKLAMO SA CT...
27/09/2024

PANGONGONTRATA AT ANG PAGTANGGI SA MGA PASAHERO, MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL; MGA MANANAKAY, HINIKAYAT NA MAGREKLAMO SA CTMO

Hinihikayat ng City Traffic Management Office o CTMO ang mga mananakay na huwag magdalawang isip na dumulog sa kanilang tanggapan kung may reklamo sa mga nasasakyang tricycle sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon kay CTMO Operations Officer Allan Mabella, marami na silang naririnig na reklamo pero hindi ito naaaksyunan dahil sa kakulangan ng impormasyon laban sa mga inirereklamong driver.

Payo nya sa mga pasahero, kung makakaranas ng overcharching, pambabastos at iba pa, ay tandaan lamang ang plate number, franchise number o identification ng driver at agad na ipaabot sa kanilang opisina.

Karaniwang reklamo naman ngayon ay ang nakagawiang pangongontrata ng mga driver at ang pagtanggi sa mga pasahero na mahigpit umanong ipinagbabawal sa batas.

Paalala mga kabandera, tatlong araw na lang bago magtapos ang voter registration!Photo Courtesy: COMELEC
27/09/2024

Paalala mga kabandera, tatlong araw na lang bago magtapos ang voter registration!

Photo Courtesy: COMELEC

DALAWA, PATAY SA BANGGAAN NG MOTORSIKLO AT KOTSE SA BRGY. SAN JOSE; BUNTIS NA ANGKAS RIN NG MOTORSIKLO, NAKUNANDalawa an...
27/09/2024

DALAWA, PATAY SA BANGGAAN NG MOTORSIKLO AT KOTSE SA BRGY. SAN JOSE; BUNTIS NA ANGKAS RIN NG MOTORSIKLO, NAKUNAN

Dalawa ang patay habang isang buntis ang nakunan sa nangyaring banggaan ng motorsiklo at kotse sa Brgy. San Jose bandang 11:30 ng gabi kagabi, September 26, 2024.

Ayon sa PNP, nangyari ang insidente malapit sa Bangko Sentral ng Pilipinas kung saan mabilis umano ang takbo ng kotse.

Sa panayam kay PCapt. Douglas Savando ng PS2, base sa kanilang imbestigasyon, may iniwasan umano ang kotse na minamaneho ng isang Sedrich Nichol Lim pero dahil sa bilis ng kanyang takbo ay nakabanggaan nito ang kasalubong na motorsiklong may dalawang angkas.

Dahil sa tindi ng banggaan ay namatay ang driver ng motorsiklo na si Benjie Paclibar at ang angkas nitong senior citizen na kinilalang si Lordes Catedral, habang ang isa pa nitong angkas na buntis na si Emmalyn Jorgel ay nakunan at namatay ang sanggol na kanyang dinadala sa sinapupunan.

Nasa kustodiya na ngayon ng PNP ang driver ng kotse na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property.

Photo Courtesy: PS2

SUNOD-SUNOD NA PANGHUHULI NG CTMO SA MGA TRICYCLE NA WALANG FARE MATRIX, IKINASA Sunod-sunod ang ginagawang panghuhuli n...
27/09/2024

SUNOD-SUNOD NA PANGHUHULI NG CTMO SA MGA TRICYCLE NA WALANG FARE MATRIX, IKINASA

Sunod-sunod ang ginagawang panghuhuli ngayon ng City Traffic Management Office o CTMO sa mga tricycle driver na hindi nagdi-display ng fare matrix o taripa.

Ayon kay CTMO Operations Officer Allan Mabella, ginagawa ito upang maiwasan ang patuloy na overcharging na ginagawa ng ilang mga driver sa kanilang mga pasahero.

Paghahanda rin umano ito ng City Government ngayong magkakaroon ng malalaking event sa lungsod ng Puerto Princesa sa buwan ng Oktubre at Nobyembre.

Aniya, ang paghuli sa mga pasaway at matitigas na ulong driver ay paraan upang maiwasan ang pambibiktima sa mga bisita lalo na ang mga hindi batid ang tamang pamasahe sa mga tricycle.

Asahan umanong magpapatuloy ito hanggang sa mga susunod na buwan.

27/09/2024

Episode 116 | AMOS TAREN SA PUERTO PRINCESA 09-27-24
Host: Mich Meneses
Guest:

26/09/2024

KUSKOS BATIKOS WITH KA LOUIE LARROSA 09-27-24

Ano ang unforgettable moment mo tuwing Pasko noong bata ka pa?
26/09/2024

Ano ang unforgettable moment mo tuwing Pasko noong bata ka pa?

26/09/2024

BANDERA NEWS NATIONWIDE WITH KA JERALD GALES AND MICHELLE ORENDAIN-ALBIOLA 09-27-24

26/09/2024

PANOORIN: PASTORAL LETTER NI BISHOP BRODERICK PABILLO NG APOSTOLIC VICARIATE OF TAYTAY KAUGNAY NG NALALAPIT NA 2025 NATIONAL AND LOCAL ELECTIONS

Video Courtesy: Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan

LALAKING MAY KASONG PAGLABAG SA CHILD ABUSE LAW, ARESTADO SA PUERTO PRINCESAHawak na ng mga otoridad ang isang lalaki na...
26/09/2024

LALAKING MAY KASONG PAGLABAG SA CHILD ABUSE LAW, ARESTADO SA PUERTO PRINCESA

Hawak na ng mga otoridad ang isang lalaki na may kasong paglabag sa Child abuse Law sa Purok Mapagmahal, Brgy. San Jose, Puerto Princesa nitong Martes, September 24, 2024.

Inaresto ng Intelligence unit ng City PNP, Police Station 2, 2nd Maritime Unit – SOU at iba pang PNP unit ang suspek na si alyas “Leo” sa bisa ng isang warrant of arrest.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ni Intelligence unit ng Puerto Princesa City Police Office ang naarestong suspek.

Photo Courtesy: PPCPO

Address

Macasaet Complex, Roxas Street , Brgy. Maligaya, Puerto Princesa City
Puerto Princesa
5300

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bandera News TV Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Bandera News TV Philippines:

Videos

Share

Category

Nearby media companies


Other TV Channels in Puerto Princesa

Show All