
08/02/2025
Ang buong simbahan po ng Prelature Shrine of St. joseph ay buong kababaang loob na lumalapit sa ating mga kapatid sa pananampalataya, sama sama po natin ipanalangin ang pagbuti ng kalusugan ng ating kapatid na si Andrew C. Lunar kasabay ang paghingi ng pinansyal na tulong para sa kanyang pagpapagamot.
Sa sinomang nais tumulong at magkaloob kay Andrew ay maaring personal na magpaabot sa opisina ng Parokya ( si Mam Nenita Almiranez at Ms. Eileen Rutaquio ay pwede nyo po kontakin para maibigay nila sa inyo ang detalye paano maiipaabot ang tulong na manggagaling sa malayo).
Ang Diyos na po ang bahalang magbalik sa inyo ng blessing sa ating pagtugon sa panawagang ito. God bless po.