WinpinoTv.

WinpinoTv. Lakbay bike winpinoTv adventures! Dagat adventures! Sari saring pampa good vibes at ilang simpleng pagluluto ni "pinino" WinpinoTv.!

Please Follow my page thank you! ๐Ÿ˜Š ๐Ÿ™ โ˜บ๏ธ ๐Ÿ’•

22/12/2024

May nakatambay na namang mga manok sa mataas na puno ng mangga! Ika sampu na ng umaga. Mukhang nagmamarites sa itaas ng puno mga friends! Pati pala mga manok ngayon mga marites na hahaha!

13/12/2024

Magtanim ay di biro maghapong naka upo! Binisita ko ang sitawan ni tropang Danny Boy! Dahil panahon na nga pala ngayon ng sitaw o kung tawagin sa amin ay ayap! Napapasyal ako sa kanilang tahanan at munting taniman! Samahan ninyo ako mga friends! Huwag naman niya sana akong sungitan! Napaka magagalitin nito at suplado pa minsan! Hahaha!๐Ÿ˜€

07/12/2024

Mabuti nalang sa tatlong beses na pag long ride ko ay hindi ako inabot ng pagka butas ng gulong lalo na noong mga nakalipas na araw! Yung dalawang beses na 160 kms. at isang 90 kms ko na biyahe sa zigzag bitukang manok pa Pagbilao noong fiesta at yung sa Catanaun na practice ko dati na 160 kms. endurance ride! Salamat naman at naging maganda ang kondisyon ng mga gulong sa kabila ng papalitan na pala! Mabuti at sa bahay na inabot ng pagka plot Kaya ayan bago na ulit! Salamat po dinidinig palagi ang dasal natin na maging safe palagi sa kalsada! Thank's to God palagi! Amen! At ingat din po kayo palagi! Laging magdasal bago lumabas ng bahay at humingi ng proteksyon at gabay! Amen!

06/12/2024
05/12/2024

Cucumber treeโ€ or โ€œtree sorrelโ€ in English. Kalamyas o kamias, This fruit has significant traces of vitamins B and C, calcium, phosphorus, iron and fiber. Pero mga friends masama din ito kapag labis o sobra ang pag gamit at baka daw mahantong sa acute kidney injury o baka naman sa mga may taong may problema na talaga sa bato?! Malamang ano? dahil mataas ang vitamin C nito kapag napa sobra! Sino kayang kakain ng puro at madami nito eh ang asim kaya nito hehe. Tamang tama lang talaga itong pang asim sa mga lutong ulam! Sarap asim!

05/12/2024

Sa aking paglalakad sa medyo magubat na lugar ay nakakita ako ng kakaibang nilalang kaya't nilapitan ko! At sa aking pag bi-video ay isang bayawak pala! Sayang nga lamang at hindi ko nakuhanan ng malapitan dahil mabilis itong pumalayo patago sa damuhan kaya hindi ko na nasundan!
(Monitor lizard, alligator lizard. Tagalog: Bayawak. Ilocano: Banias.)

05/12/2024

Kay ganda noong buwan at bituin sa kalangitan! December 04, 2024 Thursday 06:34 pm. Magandang gabi!

02/12/2024

Pumasyal ako sa tabing dagat kanina matapos ang walang tigil na pag - ulan! Napaka dami na namang lugar na binaha! Epekto ng shearline. Ang shear line ay banggaan ng magkaibang hangin na nanggagaling sa hilagang silangan na amihan at sa silangan na tinatawag na easterlies.
Yan ang Lamon bay kanina 10:46 am. Dec. 02, 2024 Lunes sa Quezon. Magandang hapon po sa lahat!

30/11/2024

Nabigo yata sa pag-ibig ang pusang ito? Mabuti at hindi siya nasusugatan! Kung sabagay tinik nga ng isda kinakain ng mga yan cactus pa kaya! Tibay talaga ng balat ng mga pusa ano?! Hindi kaya mabawasan ang siyam na reserba niya? Sa kapusaan kuwento series panuorin po natin ang talent ng alaga kong pusa! Magandang araw!

26/11/2024

Lakbay bike sa simbahan ng Pagbilao, Quezon sa araw ng kapistahan ni Santa Catalina ng Alejandria. Nov. 25, 2024 Lunes! Ipanalangin nawa kami sa Poong Maykapal! Amen!

23/11/2024

Sa aking pag ja-jogging kaninang umaga ay nakabili din ako ng petchay, talong at saba kaya may bitbit akong pang ulam sa pag uwi ko sa bahay! Magandang araw po muli!

19/11/2024

Pinag laruan namin ng alaga kong pusa ang nahuli kong alimango dahil makalipas ang ilang buwan ay makakakain na naman kami ng libre at sariwa galing sa dagat! May teknik pala dito para hindi ka sipitin!

18/11/2024

Isdang bulinaw sa salap! Sa tabing dagat akoy namasyal at nakinig ko ang mga taong nagsisigawan! At pinuntahan ko upang siyasatin! May nanalap pala ng isdang bulinaw!

17/11/2024

Inabot si muning ng bagyong Pepito sa layasan kaya ngayon lang naka uwi ng bahay! At ang sitwasyon ng dagat matapos dumaan ngayong araw si bagyong Pepito. Naku may nalunod na nga yata sa dagat na palutang lutang?! Salamat at hindi tuluyang lumakas ang hangin! Sana ay ligtas din kayo!Ingat po at sana ay humina na ang bagyong si pepito sa mga madadaanan pa nito ngayong gabi!
Bagyong PepitoPh. Sitwasyon ng Lamon bay dito sa Quezon kaninang hapon. Nov. 17, 2024 Linggo 4:00 pm.

06/11/2024

Nakakita ako ng malalaking ibon na naka dapo sa puno ng mangga na hindi pangkaraniwan sa normal na ibon na nakikita ko sa araw-araw kaya agad kinuhaan ko ng video! Ano kayang klaseng ibon ito at nasa itaas ng matayog na puno sa mag aalas nuebe y' medya na ng umaga! Ibon nga ba talaga ito ng wild? Panuorin nalang natin ang video ng malaman po natin ang buong kuwento. Magandang araw po muli sa lahat! Makidaan po muli sa inyong wall at pansinin ang wild at kalikasan! Good vibes morning mga friends! Mag inhale exhale tayo sa ilalim ng mga punong kahoy pampa relax! Huwag lang maiiputan ng mga ibon na naka dapo sa itaas ng puno Hehe ;) โœจ๏ธ

02/11/2024

Pagkahupa ng baha sa likod bahay dulot ng nag daang bagyong kristine at leon ay masayang nakapamasyal na naman si muning sa kanyang tambayan sa tabing dagat! Maganda na sana ang araw niya ngunit nawala ang good vibes dahil sa nakita niya! Panourin ang maiksing video ni muning sa tabing dagat! Magandang araw po muli! Kuwentong kapusaan lang po! Ngiti ngiti din huwag masyadong seryoso! Pangalagaan ang ating kalikasan! Magandang araw po!

24/10/2024

Pagmasdan ang Ganda ng Kalikasan.
Bukang liwayway sa Lamon Bay ng Quezon, Province.
( August 05, 2024, 05:52 am.)

23/10/2024

Oct. 23, 2024. 2:38 p.m. to 4:00 pm. wednesday.
(Bagyong Kristine.ph.) Ang kalagayan dito sa amin sa Quezon province. Akala ko'y tapos na kagabi yung bagyong kristine kaya nakapag walis na ako at nai-ayos ko na ang natumbang bakod sa aming bakuran noong umaga hanggang tanghali pero papatay patay parin ang daloy ng kuryente noong bandang hapon. Nakapag pa good vibes pa nga ako sa video na ito pero hindi ko alam ay signal number 2 pala dito sa amin kaya pala ang lakas parin ng ganti ng hangin sa labas! Baha na sa aming likod bahay at umu-ulan,ulan parin! Sana naman ngayong gabi ay mawala na ang hangin! Stay safe mga friends sana ay humina na ang bagyo sa mga madadaanan pa diyan ngayong gabi hanggang bukas!

Address

Plaridel

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when WinpinoTv. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share