30/12/2024
NARITO YUNG TAMANG PAMAMARAAN KUNG PAANO GAWIN ANG OBLIGADONG SALAH AT YUNG RAWATIB SUNNAH NG OBLIGADONG SALAH.
Ang obligadong salah ay may bilang na 17 at ang rawatib sunnah ay may bilang na 12 at sinasagawa ang rawatib sunnah pagkatapos ng obligadong salah o bago ang obligadong salah.
PAGPAPALIWANAG
1- Salatul Fajr
Kapag oras na ng salatul fajr ay ang una mong isagawa ay ang dalawang rakaat na rawatib sunnah.
Pagkatapos mo maisagawa anng dalawang rakaat na rawatib sunnah ng salatul fajr ay isunod mo agad ang obligadong salah na may bilang na dalawang rakaat.
2- Salatul Dhuhur
Kapag oras na ng salatul dhuhur ay una mong isagawa ay ang rawatib sunnah ng dhuhur na may bilang na apat na rakaat.
PS: Sa twing dalawang rakaat ay kinakailangan mo magtaslim.
Taslim (Assalamu alaykum warahmatullah)
Pagkatapos mo gawin yung rawatib sunnah ng dhuhur na may bilang na apat na rakaat ay isunod mo naman yung obligadong salah ng dhuhur na may bilang na apat na rakaat.
Pagkatapos mo isagawa ang obligadong salah ng dhuhur ay isunod mo naman natitirang rawatib sunnah ng dhuhur na may bilang na dalawang rakaat.
3- Salatul Asr
Ang salatul asr ay walang rawatib sunnah, kaya kapag kapag oras ng salatul asr ay ang isasagawa mo lang ay yung obligadong salah ng salatul asr na may bilang na apat na rakaat.
PS: Ang salatul asr ay may sunnah na apat na rakaat bago ang salatul asr, sunnah lang lang po siya, hindi kabilang sa rawatib sunnah.
MAGKAIBA ANG RAWATIB SUNNAH SA SUNNAH LAMANG NA SALAH.
Isinalaysay ni Abdullah Ibn Umar, ang sugo ng Allah ay nagsabi, kinalulugdan ng Allah yung isang lalaki na nagsagawa ng apat na rakaat na sunnah bago ang salatul asr.
Dalil [Abu Dawuud 1266]
4- Salatul Maghrib
Kapag oras ng salatul maghrib ay ang una mong isagawa ay obligadong salah ng salatul maghrib na may bilang na tatlong rakaat.
Pagkatapos mo gawin yung obligadong salah ng maghrib ay isagawa mo yung rawatib sunnah ng salatul maghrib na may bilang na dalawang rakaat.
5- Sala