
06/02/2025
ππππππππ ππ πππππ ππππππππ πππππππ ππ πππππππππππ ππ ππ ππππ, ππππππ ππ πππ ππππ πππππππππ ππ πππππ ππππππππππ
Iba't ibang reaksyon ang bumuhos matapos lumagda sina Rep. Bai Dimple Mastura, Rep. Zia Alonto, Rep. Toto Paglas at Rep. Yasser Balindong sa impeachment complaint laban kay Bise Presidente Sara Duterte.
Ang apat na kinatawan, na pawang mula sa Bangsamoro region, ay kabilang sa 215 kongresistang pumirma sa reklamo sa Mababang Kapulungan, na kalaunan ay umusad na patungo sa Senado.
Habang may mga sumusuporta sa kanilang naging hakbang, may ilan ding nagpahayag ng pagkadismaya at pagkabigla sa kanilang desisyon, lalo naβt kabilang sila sa mga political allies ng administrasyon.
Sa kabila ng kontrobersya, nanindigan ang mga kongresista na ang kanilang desisyon ay batay sa kanilang pagsusuri sa mga alegasyon laban kay VP Duterte at sa kanilang pananaw sa prinsipyo ng pananagutan at transparency sa gobyerno.