22/01/2025
BREAKING: ENGKWENTRO SA PAGITAN NG SUNDALO AT M**F SA BASILAN; 2 SUNDALO PATAY, 7 SUGATAN; MILITARY TRUCK, SINUNOG
Dalawang (2) sundalo ang kumpermadong nasawi habang 7 iba pa ang sugatan sa engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga armadong grupo na pinaniniwalaang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (M**F) nitong Miyerkules ng hapon Enero 22,2025 sa bahagi ng Upper Cabengbeng, Sumisio, Basilan. Isang military truck din na sinakyan ng mga sundalo ang sinunog ng mga armadong grupo.
Ang nasabing ulat ay kaugnay sa pahayag ni 101st Brigade commander Brigadier Gemeral Alvin Luzon, na sinabi na ang insidente na ito ay dahil sa miscoordination.
Nangyari ang insidente pasado alas-4 ng hapon,matapos na dumating ang mga representatives ng UNDP sa lugar.
Ayon kay BGen. Luzon, ang mga sundalo ng Philippine Army 32nd Infantry Battalion ay pinadala sa lugar bilang seguridad para sa mga UNDP representatives na nagsasagawa sana ng development project sa lugar nang bigla na lamang itong inambush ng mga M**F.
Sangayon patuloy pa rin ang pagsasagawa ng clearing operations sa lugar at nakikipag-ugnayan na ang militar sa leadership ng M**F sa Basilan kaugnay sa nasabing insidente.
πΈ: contributed photos