22/12/2023
Sa mga NINONG AT NINANG ng anak ko.
Hindi nyo kailangan mag tago. You can stay connected. May aguinaldo o wala.
Sasalubungin kayo ng anak ko ng hindi naka abang ang palad.
Mag mamano sya kahit walang pakimkim.
Kayo ang pangalawang magulang nya. hindi namin kayo oobligahin ng material na bagay, kundi lamang ay ang inyong pag subaybay.
Sa mga araw na bigla kaming mawala at kailangan nya ng karamay, Doon kakailanganin ang taos pusong pag gabay.
Sa mga panahon na hindi nya kami mahihingian ng payo, nais naming kayo ang kanyang tatakbuhan.
Pinili nmin kayo, hindi para sa aguinaldo kada
pasko kundi alam namin na karapat dapat kayo!
ccto-