30/12/2024
๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ ๐ฃ๐ฎ๐ฝ๐ฎ ๐๐ฒ๐๐๐, ๐ฆ๐ฎ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ธ๐ผ ๐๐ฎ๐ฑ๐ถ๐ป๐ด
Sabi nila, ako raw ang kahihiyan ng pamilya. Sa bawat kibit-balikat ng aking ama, ramdam ko ang pagbitaw niya sa pangarap ng isang lalaking tagapagmana. Sa bawat dasal ng aking ina, palihim kong naririnig ang pakiusap niyang sana magising akong โtama.โ Pero, Papa Jesus, tama ba na akoโy itakwil nila dahil lang sa hindi ko magawang itago ang sarili ko?
Minsan, naiisip koโbakit nga ba ako bading? Bakit ako binigyan ng pusong nagmamahal sa paraang kasuklam-suklam sa mata ng iba? Ako ba ang pagkakamali? Ano bang kasalanan ko para iparamdam nila na hindi ako karapat-dapat mahalin?
Sa aming hapag-kainan, bawat salitaโy tila punyal.
โBakit ka ganyan kumilos?"
"Bakit ka ganyan magsalita?"
"Maging lalaki ka nga!โ
At sa bawat sagot ko ng, โGanito po ako,โ ang sagot nilaโy katahimikang mas malakas pa sa sigaw. Papa Jesus, kasalanan ba ang maging totoo sa sarili? Bakit kailangan kong itago ang bahagi ng kaluluwa ko para lang tanggapin nila ako?
Sa paaralan, hindi ko na mabilang ang mga pagkakataong napahiya ako.
โBakla!"
"Mahina!โ
Sigawan nila, tila bawat salitaโy batong ipinupukol sa pagkatao ko. Pero hindi ko kayang bawiin ang tawa ko, ang pagkakakilanlan ko. Kailangan ko bang magmakaawa para lamang tratuhin na tao?
May mga gabi, Papa Jesus, kung saan hiniling kong sanaโy hindi na lang ako ganito. Sanaโy naging โtamaโ ako sa paningin ng iba. Pero sino ba ang nagtatakda ng tama o mali? At bakit ako, na sa simpleng pagmamahal lang naman nagkakasala, ang kailangang magdusa?
Naaalala ko ang kanta ng Ben & Ben:
"โ๐ฟ๐ ๐ ๐ ๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ๐, โ๐๐ ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐๐ฎ๐๐ฃ๐,
โ๐ฟ๐ ๐ ๐ ๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ๐, โ๐๐ ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฉ๐ช๐ฃ๐๐ฎ๐๐ฃ,
๐๐๐ง๐๐ก๐ ๐๐ฎ ๐ข๐๐๐๐ก๐๐๐, ๐ ๐๐๐๐ฉ ๐๐ฃ๐คโ๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ก๐.โ
Papa Jesus, totoo ba โyon? Na hindi ako sayang? Na hindi ko kailangang magpaliwanag? Pero paano ko paniniwalaan iyon kung mismong pamilya ko, lipunan ko, at minsan kahit sarili ko ay sinasabing wala akong halaga?
Sa bawat gabi ng pag-iisa, iniisip ko kung bakit ganoon ang buhay ko. Ano bang mali sa pagmamahal? Bakit ang puso ko, na handang magmahal ng wagas, ay kailangang husgahan? Papa Jesus, bakit ang salitang "bading" ay tila sumpa sa mundong ito?
Pero alam mo, Papa Jesus, sa kabila ng lahat ng ito, natutunan kong hawakan ang sarili kong kamay. Natutunan kong ngumiti sa harap ng salamin, kahit na minsan ay napapaisip pa rin kung bakit ako ganito. Tinuro mo sa akin na ang pagmamahal mo ay walang kondisyon, kahit ano pang tingin ng mundo.
Kayaโt sa bawat dasal ko ngayon, hindi na โSana hindi ako badingโ ang sinasabi ko. Ang sinasabi ko na lang, โSanaโy dumating ang araw na matanggap nila ako.โ Sanaโy dumating ang araw na ang mundoโy maging mas mabait sa mga tulad ko.
At sa huling pagkakataon, Papa Jesus, nais kong itanong ito sa Iyo. Kung ikaw ang lumikha sa akin, bakit ako kailangang husgahan ng iba?
Kung ikaw ang nagbigay sa akin ng pusong ito, bakit nila pinipilit na itoโy pigilan?
At kung ikaw ang Diyos ng pagmamahal, bakit tila walang lugar para sa pagmamahal kong ganito?
Pero sa kabila ng lahat ng ito, nananatili ako. Ako, ang bading na napipilay ngunit hindi kailanman bumibitaw. Ako, ang anak mong nagmamahal, kahit sa isang mundong mahirap mahalin.
Papa Jesus, salamat sa sagot na hindi kailangang ipaliwanag ang pagmamahal ko, dahil ang pagmamahal ay ikaw. At sa iyong mata, akoโy mahalaga.
Isinulat at Litrato ni Jimmy James Garcia