![](https://img4.medioq.com/160/899/612653101608999.jpg)
09/02/2025
132 katao HIMAS REHAS at P1.6M Halaga ng Droga, TIMBOG sa isang linggong operasyon ng EPD
Team NCRPO | Sa mas pinalakas na operasyon ng Eastern Police District (EPD) mula Pebrero 1 hanggang Pebrero 7, 2025, arestado na may kabuuang 132 katao at timbog ang iligal na droga na nagkakahalaga ng โฑ1.6 milyon.
Ayon kay PCOL Villamor Q Tuliao, Acting District Director ng EPD, 72 sa mga naaresto ay mga wanted persons, kabilang ang 12 Top Most Wanted, 13 Most Wanted, at 47 iba pa. Sa 46 operasyon laban sa iligal na droga, 66 katao ang nahuli at nakumpiska ang 231.62 gramo ng shabu, 107 gramo ng ma*****na, 11 gramo ng high-grade ma*****na (KUSH), at iba pang drug paraphernalia na may kabuuang halagang โฑ1,603,132.
Samantala, 60 indibidwal ang arestado sa operasyon laban sa ilegal na sugal, at nasabat ang โฑ15,230 na betting money. Tatlong baril din ang nakumpiska mula sa tatlong suspek sa mas pinaigting na Comelec checkpoints kaugnay ng gun ban para sa nalalapit na 2025 Election, habang dalawang baril naman ang isinuko sa pulisya.
Binigyang-diin ni PCOL Tuliao na lalo pang paiigtingin ng EPD ang kampanya laban sa kriminalidad upang matiyak ang kapayapaan at seguridad sa nalalapit na Midterm Elections ngayong Mayo 2025.
โ๐๐ ๐ต๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ , ๐๐๐ ๐บ๐ข๐ ๐ก๐ ๐๐ ๐๐ข๐๐๐ , ๐ฟ๐๐๐ก๐๐ ๐พ๐!'