IZ News and Current Affairs

IZ News and Current Affairs The official News Site of DWIZ 882khz

06/02/2023

Bakit nagkakaroon ng eyebags at paano ito masu-solusyunan? Alamin ASAP o Ayon Sa Pag-aaral

04/02/2023

Mga Uri Ng Cancer Na Nakukuha Sa Paninigarilyo, Alamin ASAP, Ayon Sa Pag-Aaral

04/02/2023

Mga Benepisyong Nakukuha Sa Pag-idlip o Power Nap, Alamin ASAP o Ayon Sa Pag-aaral

04/02/2023

Mga Hindi Tuli, Puwedeng Magka-Cancer

03/02/2023

Masama Bang Matulog Ng Basa Ang Buhok? Alamin ASAP o Ayon Sa Pag-aaral

HELPING A FRIENDIpinapa-auction ng bandang Eraserhead ang isang gitara para sa medication ng gitarista ng Parokya ni Edg...
03/02/2023

HELPING A FRIEND

Ipinapa-auction ng bandang Eraserhead ang isang gitara para sa medication ng gitarista ng Parokya ni Edgar na si Gab Chee Kee, na nakikipaglaban sa sakit na lymphoma-induced pneumonia at kasalukuyang nasa Intensive Care Unit.

Sa kaniyang Instagram account, ipinost ng vocalist ng Parokya na si Chito Miranda ang isang picture kung saan makikita sina Ely Buendia, Marcus Adoro, Raimund Marasigan, at Buddy Zabala.

Hawak ng mga ito ang isang kulay green na D&D acoustic guitar at pirmado ito ng apat na nabanggit.

Sa kaniyang caption, sinabi ni Chito na sobrang fan sila ng Eheads, lalo na raw sila ni Gab, kung saan si Gab daw ang unang nagparinig sa kaniya ng mga kanta ng Eheads noong third year high school sila at mula noon ay sinubaybayan na niya ito.

Inamin pa ni Chito na ang Eheads ang dahilan kung kaya’t binuo nila ang Parokya, at sa Eheads din sila unang nag-front act noong nagsisimula pa lamang sila, kaya’t naging inspirasyon na nila ito sa lahat ng kanilang ginawa at ginagawa bilang banda.

Sa ginawa umano ng mga ito na pag-o-auction ng isang gitara para sa kanilang kasamahang si Gab ay may bagong dahilan na naman daw sila kung bakit ang Eheads ang kanilang ultimate idol.

Ang nasabing D&D guitar umano ay dinisenyo mismo ni Gab at kaya kulay Green umano dahil paborito nito si Green Lantern.

Ang bidding ay magsisimula bukas, February 4, 2023 sa ganap na alas 12 ng tanghali at magtatagal ito ng 10 araw.

Magsisimula umano ang bid sa halagang ₱50,000 at sa mga interesado ay ipadala lamang ang bid sa [email protected] at lagyan ng subject na Bid para kay Gab.

Narito pa ang ibang detalye para sa mga interesadong mag-bid.

* In the body, indicate your bid, full name, and telephone number
* Each bid will be verified through e-mail or text message
* Incomplete details and unverified bids will not be counted
* There is no limit on how many bids you can send
* Highest bid of the day will be posted at 12mn daily on the Official Parokya FB Page
* The winning bidder will be notified first by e-mail and text message and will have the option to be posted on the Parokya Official FB Page
* No joy bidding please...para di kami mahirapan basahin yung mga email at hanapin yung totoong highest bidder.

03/02/2023

Bakit Nga Ba Nakakapayat Ang Pagsusuot Ng Kulay Itim Na Damit?

02/02/2023

Ano Ang Dapat Gawin Para Hindi Mahilo Sa Biyahe? Alamin Ayon Sa Pag-aaral

02/02/2023

Mga Benepisyo Kapag Tumigil Sa Paninigarilyo, Alamin Ayon Sa Pag-aaral

02/02/2023

Alam n'yo ba na puwede na palang ipalit sa nasirang kidney ng tao ang kidney ng baboy? Kung hindi ka naniniwala, panoorin mo ito.

02/02/2023

Kulay Puti Sa Kuko, May Ibig Sabihin 'Yan, Alamin Ayon Sa Pag-aaral
May kulay puti ba ang iyong kuko? Kailangan mo itong malaman dahil may kinalaman pala 'yan sa ating kalusugan.

25/01/2023

KLASMEYT, MAHILIG KA BA SA JUNK FOOD? NAKU! BAWAL ITO SA QUEZON CITY!

Alamin kung bakit ipinagbabawal sa mga estudyante sa Quezon City ang pagbili ng mga junk food.

PANUKALANG MAHARLIKA INVESTMENT FUND, ISASANGGUNI NA NG ECONOMIC MANAGERS SA MGA SENADORIto ang sinabi ni Senate Majorit...
25/01/2023

PANUKALANG MAHARLIKA INVESTMENT FUND, ISASANGGUNI NA NG ECONOMIC MANAGERS SA MGA SENADOR

Ito ang sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva kasunod ng paghahain ni Senador Mark Villar ng panukala na ipinaabot sa Committee on Banks, Financial Intermediaries, at Currencies.

Ayon kay Villanueva, ipapaliwanag nila sa mga senador ang layunin ng panukalang batas, pinagkukunan ng pondo, at kung posible ang paglikha nito kahit walang bagong batas.

READ MORE: https://www.dwiz882am.com/.../panukalang-maharlika.../

21/01/2023
21/01/2023

HOY Senyora MALAMIG NA RAW KAPE MO!😂

Sa latest post ni Aljur Abrenica sa Instagram, makikita na nagtitimpla ito ng kape at sa kanyang caption, hinahanap nito si Senyora at sinabing "San kana malamig na kape mo".

Matatandaang nagkasagutan ang nobya ni Aljur na si Aj Raval at si Senyora dahil sa bilis mag-comment ng pangalawa sa post ng aktor at sinabihang madamot ito.

Marami namang netizen ang naaliw sa sagutan ng dalawa at umaani kaagad ng likes at comments ang post ni Aljur.

21/01/2023
21/01/2023

Patay ang isang rider nang tumilapon ang minamanehong motorsiklo matapos mahagip ang isang asong bigla na lamang tumawid sa Infanta, Quezon.

Kinilala ang biktima na si John Vincent Cuento na pauwi na ng mangyari ang insidente.

Ayon kay Police Major Fernando Credo, hepe ng Infanta Police Station, maaari aniyang nawalan ito ng balanse matapos ang malakas na pagkakapreno.
BASAHIN: https://bit.ly/3D3XGRY

Address

709 Shaw Boulevard Brgy. Oranbo
Pasig
1600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IZ News and Current Affairs posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to IZ News and Current Affairs:

Videos

Share