11/12/2024
๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง-๐ฐ๐ข๐๐ ๐๐๐ซ๐๐๐ซ ๐๐๐ซ๐๐ฏ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐
Matagumpay na isinagawa ang Division-wide Career Caravan na may temang โ2024 Career Guidance Exploration For SDO Pasig Learnersโ na ginanap sa Gymnasium ng Mataas na Paaralang Rizal nitong Disyembre 10, 2024.
Nagsilbing tagapagdaloy ng programa sina Kenneth Gil Agoncillo ng Eusebio High School at Rema Agustin ng San Joaquin-Kalawaan High School. Naghandog naman ang RHS Choir ng isang awit-panalangin at Lupang Hinirang.
Nagbigay ng pambungad na pananalita ang Punongguro ng MPR na si G. Richard T. Santos at masiglang binati ang mga paunahin at mga estudyanteng mula sa iba't ibang paaralan na nakilahok sa programa.
Naging makabuluhan ang programa dahil sa mga unibersidad na nakiisa gaya nh Pasig Catholic College, University of the East, Polytechnic Institute, Saint Jude College, Golden Faith Academy, World City Colleges, Our Lady Of Fatima University, Arellano University, Access Computer College, TIP Technological Institute Of The Philippines, Greenville College, Sta. Lucia High School, San Lorenzo Ruiz SHS, Capellan Institute Of Technology INC., Asia Source iCollege, Buting Senior High School, Nagpayong High School, at Pingbuhatan High School.
Dumalo din sa programa sina Dr. Manuel A Laguerta CIF Chief, ang EPS-GMRC, Values & Education, ABM & Guidance na si Dr. Perlita M. Ignacio RGC, PSDS Dr. Rolando C Julian at ang guest speaker na si Coach Paul Angelo A. Senogat. Sinabi niya na ayon sa President of Adamson University, โFaith is useless when its meaningless to the peopleโ.
Sa huling bahagi ng programa, nagbigay ng pangwakas na mensahe ang Guidance Coordinator 1 President l, Federation of Counselors & Advocates, SDO Pasig na si Harlene Rose V. Mamiit, RGC at pinapasalamatan nito ang mga dumalo sa programa.
โ๐ป: Christian Marcelo, Ikalawang Punong Patnugot
๐จ: Maria Alexa L. Junio, Katulong sa Patnugot
๐ท: Christian Marcelo, Ikalawang Punong Patnugot & Arcel Rayo, Tagapamahalang Patnugot