17/02/2025
NAIYAK AKO SOBRA!
Huwebes ng hapon noon, galing ako sa isang birthday partyโฆ pagkatapos tumunga ng dalawang bote ng beer ay nagpaalam na akoโฆ. mukha kasing uulan, ayokong maabutan ng ulan sa daan. Anak ng pitong kamalasan, tumirik ang kotse ko sa daanโฆ no choice kailangan kong bumaba para ayusin ang makina. Sobrang malas talaga at naiwan ko ang gamit ko, nag uumpisa ng pumatak ang ulanโฆ kung bakit kasi hindi agad sinauli ng kumpare ko na nanghiram ang mga gamit ko sa pag-aayos ng kotse. May natanaw akong isang bahay, nagbakasakali akong tumawagโฆ lumabas ang isang matandang lalaki, sig**o mga 70 yrs old naโฆ
โ Magandang hapon po โtay, nasiraan po kasi ako eh, di ko po nadala ang gamit ko baka po may lyabe kayo ay pliers jan?โ ngumiti sya sa akin, maya maya at bumalik at may bitbit na bag at dalawang payong, iniabot sa akin. Sumama pa sya sa akin sa aking kotseโฆ malaki ang deperensya, mukhang tinamaan nga ako ng napakalaking malas. Inaya ako ng matandang magkape muna sa kanila, medyo malamig nga at basa na rin ako ng ulan kaya sumama ako.
Pagpasok namin ng bahay ay nakita ko na hindi maayos iyonโฆ sabi nya pasensya na daw ako kasi nag-iisa sya. Roman daw ang pangalan nya, dating dyipney driver. Umupo ako sa sala, maalikabok yunโฆ pumunta sa kusina ang matanda sig**o magtitimpla ng kape, ayoko na sana kasi iika-ika na sya, hindi na masyadong makalakad pero mapilit si mang Roman. Nakita ko sa dingding ang mga nakakwadrong larawanโฆ sig**o family picture nila yun, sa ibaba ay picture ng lalaking nakatoga katabi nito ang isang kwadro rin ng babaeng nakatoga dinโฆ sig**o mga anak nya. Malinis ang mga kwadro, halatang kapupunas pa lang at parang ayaw maalikabukan man lang.
Tama ako, sabi ni mang Roman anak nga daw nya yun. Inilapag nya ang kape, mejo hindi malinis yung mug pero nakakahiya naman kung tatangihan ko at isa pa nilalamig na rin ako at malakas ang ulan, gusto ko ring mainitan ang sikmura.
โ kung gusto mo anakโฆ ano nga ba uli pangalan mo? โ tanong nya sa akin, โ Jun poโ, sagot ko naman. โ kung gusto mo Jun eh sayo na lang yang mga gamit ko, wala na rin namang gagamit nyan ditoโฆ gamit ko dati yan ng driver pa ako ng dyip pero mahina na ako ngayon Jun, di ko na kaya na magdrive pa uli.โ
โ naku wag na po, meron po ako nasa hiraman nga lang kaya di ko nadala, asan po mga anak nyo?โ tanong ko
โ Si Danny, Engineer ko yanโฆ may pagmamalaking itinuro ang litrato sa ding-dingโฆ nasa Saudi na ngayon, yan naman babae sa litrato si Juvie yanโฆ nakapag asawa ng taga Davao at doon na nanirahanโฆ yun naman asawa ko limang taon na akong iniwan, nag-iisa na lang ako dito ehโฆ kahit nga mahirap kinakaya ko. Itong bahay na ito kasi ang kaisa-isang ala-ala ko ng aking pamilya, dito ko binuhay ang asawa ko at ang dalawa kong anak. Pinagbili ko na rin yung jeep ko, okay na naman napatapos ko na ang dalawa kong anak at may maganda na silang trabaho, may sarili na rin silang pamilya at bahay, maayos na ang buhay nilaโ.
โ Hindi po ba sila dumadalaw dito, I mean poโฆ sino pong tumitingin sa iyo dito, mahirap po ang mag-isa lalo na at may edad na kayo?โ
โ isang taon na sig**o na walang dumadalaw sa akin dito, minsan tumatawag naman sila sa teleponoโฆ kahit nga di ko masyado ginagamit yang telepono eh ayaw ko ipaputol ang linya, araw-araw naghihintay ako sa tawag nilaโฆ yung kahit boses lang nila masaya na ako, basta maramdaman ko lang na naaalala nila ako. Mababait naman ang mga anak ko, buwan-buwan may natatangap akong pera sa bangko, pero di ko naman ginagalawโฆ pag-namatay ako kasama yun sa ipapamana ko sa mga apo ko. Yung kapitbahay jan sa kabila, tuwing umaga binibisita nila ako at dinadalhan ng pagkain, nagbibigay na lang ako sa kanila ng konting pera pamalengkeโ.
โHindi po ba kayo nahihirapan?โ
โ mahirap iho, lalo na pagnakakaramdam ako ng pananakit ng katawanโฆ pero sig**o ito ang buhay ko, pag may nasakit sa akin iniisip ko na lang na bunga ito ng walang tigil kong pagtratrabaho noon upang mapatapos ko ang mga anak ko tapos mawawala na ang sakit. Yung ala-ala ng masayang buhay namin noon ang gumagamot sa akin, sana nga lang minsan maalala naman nila akong dalawin dito, gustong-gusto ko na rin silang makita lalo na ang mga apo ko. Masarap sig**o yung mga araw na kasama ko sila dito, alam mo ba si pareng kanor jan sa kabila, hindi nya napag-aral ang mga anak nya kaya hanggang ngayon sa kanya pa rin nakatiraโฆ kaya lagi nyang kasama yung mga anak nya at mga apoโฆ. Mahirap yung buhay nila, minsan walang trabaho ang mga anak nyaโฆ yun ang ayaw kong mangyari sa mga anak ko, gusto ko maayos ang buhay nilaโฆ pero alam mo, Masaya si pareng kanor, lagi ko syang naririnig na tumatawa kalaro ang mga apo nyaโฆ minsan naiingit ako, iniisip ko na lang na mas masaya ang mga apo ko sa buhay nila ngayonโ.
โ paano po pag may sakit kayo, sino po ang tumitingin sa inyo?โ
โ kapitbahay jun, sa kanila na rin ako nagpapabili ng gamotโฆ sapanahon na may sakit ako doon ako nakakaisip ng matinding depresyon at pangungulila, sa totoo lang ay nagtatampo ako sa mga anak ko, pagkatapos ko silang mahalin at bigyan ng magandang buhay ay hindi na nila ako naalala na dalawin ditoโฆ kahit dalaw lang o tawag sa telepono, yung marinig ko lang naโฆ. o tatay buhay ka pa ba? masaya na ako nunโฆ pero iniisip ko rin na responsibilidad ko na bigyan sila ng magandang buhay at papagtapusin ng pag-aaral at responsibilidad ko rin na maging mabuting ama sa kanilaโฆ alam ko hindi na magtatagal at magkakasama na rin kami ng asawa ko, hiling ko lang na sana bago mangyari yun ay makasama ko ang mga anak at apo ko.โ
โ ayaw nyo po bang tumira sa kanila?โ
โ magiging pabigat lang ako sa kanila, ayaw kong bigyan ng isipin ang ang mga anak ko, dito na lang ako sa lumang bahay namin, bibilangin ang mga patak ng ulan, sig**o pagkatapos ng isang libong tag-ulan maalala na rin nila akong dalawin dito. Alam mo bang birthday ko ngayon jun? kaya matyaga akong naghihintay ng tawag nila. Kung hindi naman sila makatawag iisipin ko na lang na sig**o ay busy sila sa kanilang buhayโฆ mahirap kumita ngayon at kailangan nilang magtrabaho ng hindi naabalaโ.
Napalunok ako saa king mga narinig, naawa ako sa kanyaโฆ
Narito ang video:https://tinyurl.com/mr3dfvch
โ Ikaw Jun, may magulang ka pa ba?
โ Nanay ko na lang po, nasa bukidnon kasama ng isa niyang kapatid.โ
โ kailan mo sya huling dinalaw?โ tanong nyaโฆ hindi ako nakapagsalita, huli akong pumunta sa bukidnon noong paskoโฆ malapit na naman ang pasko hindi pa uli ako nakakapunta doon.
โ sana madalaw mo uli ang iyong magulang Jun, sigurado akoโฆ gustong-gusto ka na nyang makita katulad ng kagustuhan kong makita ang mga anak at apo koโฆ subukan mo, alam ko magiging maligaya syaโ
Tumila na ang ulan, nagpaalam na ako, nagpasalamatโฆ nagpasalamat din sya sa akin, nakita ko sa mga mata nya na talagang sabik sya sa kausap, sabi nya ay magkwentuhan pa kami habang hinihintay ang tawag ng mga anak nya pero dumating na yung hihila sa kotse ko papunta sa talyer. Nangako na lang ako na dadalawin ko sya pag may libreng oras ako.
Dalawang lingo ang dumaan at naisipan ko uling dalawin si mang Roman pero sarado na ang bahayโฆ nagtanong ako sa kapitbahay nila at nalaman ko na namatay na si mang Roman tatlong araw ang nakakalipas, pagkatapos paglamayan ng dalawang araw ay dinala na ng mga anak nya si mang Roman at pina-cremate. Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni mang Kanor, iniabot nya sa akin ang isang bag, yun ang bag na pinahiram sa akin ni mang Romanโฆ
โ bilin ni Roman ay ibigay ko raw syo kung sakaling babalik ka, kakailangan mo daw ito sa pagbalik mo sa Bukidnon, baka ka daw masiraan sa daanโ.
Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko, ramdam na ramdam ko ang pangungulila ni mang Roman sa kanyang mga anak at apo. Nagdesisyon ako, magfifile ako ng leaveโฆ uuwi ako sa Bukidnon para dalawin ang nanay ko, tama si mang Roman tiyak matutuwa yun pag nakita ako.
Mensahe ng isang magulang:
Anak.., kung nasaan ka man sana maalala mo ako
Sana dalawin mo ako kahit minsan lang.
Sabik na akong makasama at makausap kang muli.
Kung may pagkukulang man akoโฆ patawad anak,
Gusto kong malaman moโฆ mahal kita higit sa pagkakaalam mo...
Narito ang video:https://tinyurl.com/3af5fdba
Sa mga anak na katulad ko:
P**i share nalang po para makatulong at maalala nila ang mga magulang nila..
CREDIT -TO-THE-OWNNER