03/12/2024
A sad and spooky story๐
Naalala ko 'yung kwentuhan nong bata pa ko, tungkol sa isang mag-ina...Meron daw isang magkasintahan. Todo nainlove sila sa isa't isa. Hangang magbunga ang relasyon nilang dalawa. Naging masaya naman sila hanggang mailanas ang baby. Madalas silang magpicnic sa isang burol na malapit lang sa kanila, dahil napakaganda ng tanawin doon. Ngunit dumating ang isang hindi magandang pangyayari sa relasyon nila ng kanyang kapartner. Nagkaroon ito ng ibang babae. Nong una ay hindi pa nito inaamin sa partner niya hanggang kalaunan lang ay nahuli na niya talaga ito, hanggang naging masalimuot ang naging pagsasama nila at humantong na nga sa tuluyang paghihiwalay. Labis na dinamdam ito ng babae. Kung noon puno ng masayang halakhakan ang pagpasyal nila sa burol bilang isang buong pamilya. Ngayon ay laging sila na lamang ng kanyang dalawang taong gulang na anak ang kasama niya. Nakaupo lang sa gilid ng burol, nakatanaw sa malayo. Kasabay ng walang humpay niya pagtangis ng dahil sa kalungkutan. Hanggang sa isang araw ng kanilang pagpasyal sa burol...naganap ang di inaasahan. Nagdilim ang kanyang paningin at naitulak niya ang kanyang anak sa bangin.๐ฑ Sobrang laki ng kanyang pagsisi ng bumalik sa katinuan ang pag-iisip niya. At napakahabang panahon niya itong pinagsisihan. Madami siyang tinanggihan na mangingibig. Hanggang may dumating na isang bagong pag-ibig sa kanya na kanyang tinanggap at nagbunga ito ng isang mala-anghel na sanggol. Nalimutan niya ng tuluyan ang napakalaking pagkakamali niya noon. Muli naging sobrang saya ng buhay nia kapiling ng kanyang anak at asawa. Halos limot niya na din ang nangyari sa burol, dahil dito sila namamasyal tulad ng dati na puno ng saya hanggang ang kanyang anak ay mag-tatlong taong gulang na. Ngunit isang araw na, magtungo sila ritong mag-ina, habang ang asawa niya ay nasa trabaho sa kapatagan, matapos ang masayang paglalaro nilang mag-ina sa burol, umupo siya kalong ang kanyang anak sa gilid ng burol habang nakatanaw sa magandang tanawin sa ibaba ay nawika niya..."Napakaganda dito anak no?" Sabi niya sa kaniyang anak habang kalong niya ito na nakaupo sila sa gilid ng burol. "Sana ay wag ng matapos ang kaligayahan nating ito kapiling ng iyong ama." Sabay yakap sa kanyang munting anak. Tumingin ito sa kanya at yumakap ng mahigpit at tsaka nagwika..." Yes po mommy, pero sana po wag nio na po ako itutulak ulit ha."๐ฑ๐
Haist ano kaya ang naramdaman ng mommy niya after non?๐ฎ๐ฑ๐๏ธ๐๏ธ