14/07/2024
🙌🏻
Hindi ko akalaing this job post would change the course of my life forever.
Bago pa pumasok ung January, I had 6 clients. Nakaka6 digit naman pero sabit na lang, puro kasi sila flexi and pakiramdam ko unstable kaya nung mga panahon din na yon gusto ko makahanap ng full time, ung 8 hours daily. I made it a habit na magapply apply everyday pagpasok ng January, naalala ko pa nga meron akong interview na ghinost ako at hindi ako sinipot, meron din naman ung gustong gusto ko ung role pero sasabihan ako na they found a more suitable person for that role.
Pero 2023 yan ng January, may mga New Year's resolution pa akong pinapanindigan nyan like "Ndi ako maggive up" so nagpatuloy lang ako. Apply dito, interview doon. Send lang ng send ng proposal.
Until, nakita ko to. "Uy kaya ko to ah." Fresh na fresh ung post, applyan ko nga. and then waiting.....
Kinabukasan pa sila nagreply. akala ko pa nga isa sya sa mga applications kong waley. Pero kinilig ako ng nagreply. kinabahan ako. scam ba to bat ganon? Madami syang questions sa chat, pero walang video interview. Tapos wala pa syang desisyon, sabi lang nya okay. kasama daw ako sa top 3 na pinagpipilian nya. Pero ndi ako napanghinaan ng loob, sabi ko sa sarili ko, bakit top 3 lang ako, alam ko namang binigay ko best ko ah. Inask ko siya sabi ko, "In case you would not hire me, could you please tell me the reason why so I can learn from this interview?".
At aun, don ko nacaught ang attention nya, sabi nya "oh that's interesting, you know what? you're hired."
Pinagstart nya ako the following Monday and the rest is history.
Fun fact: nung hinire nila ako, sabi ndi daw ako pwedeng magdesisyon without running it by the CEO. After 2 months, they want me to call the shots. After exactly 1 year and 6 months, they want me to take over the full operations and even let me hire my own assistant. From Ops Man to COO na ang atake ng ante nyo 🥹
Nasulat ko to kasi alam nyo hanggang ngayon sinasampal ko pa ung sarili ko kung totoo lahat ng to. Parang kelan lang kasi pasuko na kami ni Naykka - VA Mom sa freelancing. Parang kelan lang nagpapaturo pa lang ako kay TitaPretty paano gumawang profile sa Upwork at parang kelan lang din sinasabihan pa ko ni Tita G. - Your VA Tita ng "bumangon ka na, dka pa mayaman."
Lord, Thank you! Sa blessings, opportunities at higit sa lahat sa support system ko (shawarawt, Babe) at sa inner circle ko (insert Mami Smile at Nicole) na sobrang supportive at mapagmahal. I cannot do this on my own. Kaya sobrang salamat, Lord! 🙏💚
Moral of the story:
1. Do not give up, you'll never know when it is the right one if you give up. Wala namang mawawala sa'yo, so why not go for it?
2. Give your best shot and believe in yourself. Sinong maniniwala sa'yo kung ikaw mismo iisipin mong waley ka? Say it out loud "I believe in me."
3. Ask the right questions. Ask for feedback, learn & grow from it.
-video ko sana, kaso chaka ng voice ko. pakibasa na lang ha 😂