Sneak Peek of the New Municipal Hall of Parang, Maguindanao del Norte
20-minutong sunog sa Sitio Tubaan, isang bahay umano naabo!
๐ฃ๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐จ๐๐ก๐๐๐ก๐๐ข ๐๐๐ ๐ก๐ข๐ฅ๐ง๐ - Sa kasagsagan ng Selebrasyon ng Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso, isang bahay ang nilamon ng apoy sa Sitio Tubaan, Barangay Gumagadong Calawag, sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte pasado alas dos ng hapon kahapon araw ng linggo, March 10, 2024.
Lubos naman ang kalungkutan ni Manang Sema Lagmay ang siyang may-ari ng naabong bahay dahil hindi niya ito akalain na mangyayari ito sa kanyang pamilya.
Buti nalamang anya at walang tao sa loob ng nasusunog na bahay at walang naiulat na nasaktan o nasugatan.
Walang naisalba ang pamilya dahil naabo ito lahat. Nagtulong-tulong pa ang mga residente para maapula ang naglalagablab na apoy ngunit nabigo ang mga ito dahil sa mabilis itong nilamon ang bahay.
Agad naman rumesponde ang Parang Central Fire Station para maapula ang nasusunog na bahay.
Sa ngayon, inaalam na kung ano ang pinagmulan ng naturang sunog at kung magkano ang naiwan danyos.
๐ฃ๐ข๐ฆ๐๐๐๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐ก๐ ๐ฆ๐จ๐ฃ๐๐ฅ ๐ง๐ฌ๐ฃ๐๐ข๐ข๐ก ๐๐จ๐๐๐ฆ ๐๐ฅ๐๐ช ๐ก๐ ๐ ๐๐ฅ๐ง๐๐ฆ:
Lalo pang lumakas si โEgayโ na isa nang severe tropical storm at maaaring tuluyang maging super typhoon hanggang sa Martes.
Bunsod nito, itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 (TWCS) sa ilang lugar sa Luzon at Visayas kabilang ang Catanduanes, eastern portion ng Camarines Sur, northern portion ng Aurora, eastern portion ng Isabela, eastern portion ng Cagayan, northern portion ng Eastern Samar at eastern portion ng Northern Samar.
Bitbit ng bagyong Egay ang lakas ng hangin na 110 kph at pagbugso na hanggang 135 kph.
Inaasahan na higit pang lalakas ang bagyo sa susunod na 24-oras.
Gayunman, unti-unti nang hihina ang bagyo sa Miyerkules hanggang sa tuluyan itong tumama sa bansang Taiwan.
Maaari rin umano itong humina pa sa sandaling tumama na sa mga madaraanang kabundukan.
Magpapatuloy ang paghina ng bagyo sa sandaling magkaroon ito ng panibagong landfall sa mainland China.
Simula nitong Linggo hanggang Martes, ay maghahatid si Egay ng malalakas na pag-ulan sa Catanduanes, Cagayan, silangang bahagi ng Isabela, Polilio Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, at Albay.
Sa sandaling lumakas ito bilang super bagyo sa Martes, maghahatid si Egay ng malalakas na mga pag-ulan sa bahagi ng Batanes, Babuyan, Ilocos Norte, Cagayan, Apayao, Abra, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Isabela, at natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR).
Maaari rin umanong mapalakas nito ang habagat, na maghahatid ng manaka-nakang pag-ulan sa susunod na tatlong araw sa Palawan, Antique, Negros Occ., Negros Oriental, Occidental Mindoro, Western Visayas, Zambales, at Bataan.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Egay sa Biyernes.
SOURCE: Mer Layson(Pilipino Star Ngayon)
๐๐๐ฅ๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐ก๐ง: Kasalukuyang nasusunog dito sa bahagi ng Poblacion Uno, Parang, Maguindanao partikular sa kanto Bacolod pasado alas dos nitong hapon ng Martes, May 02, 2023.
Dahil dikit-dikit ang mga bahay kaya madali itong kumalat.
Wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa nagliliyab na apoy.
Inaalam pa ang posibleng sanhi ng naturang sunog at kung ilan ang apektado na bahay.
Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng BFP, PNP, at MDRRMO sa naturang sunog.
Ito ang unang sunog ngayong buwan ng Mayo.
๐ง๐๐ง๐๐ข๐ก๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐ก๐๐๐ฆ๐๐
๐ฃ๐๐ก๐๐จ๐๐๐ก๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐๐: Pinaulanan ng bala ang tatlong mangingisda kahapon araw ng huwebes sa Baganian, Tabina Zamboanga Del Sur.
Kasalukuyang ginagamot sa isang hospital sa Osamis ang mga biktima na kinilalang sina Santiago Aplicano, Alfredo Benoy, at Kieth John Villagracia na residente ng San Antonio Zone, Barangay, Sarmiento Parang, Maguindanao.
Inaalam pa ang kabuuang detalye hinggil sa nasabing insidente.
๐ฅ VALIR DUMAM-AG
๐ฅ๐ข๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก๐ง: Tatlo ang sugatan kabilang ang menor de edad na batang lalaki sa naganap na aksidente na kinasangkutan ng isang pulang Isuzu Baby Dump Truck na may plakang JAF 6271 nitong ala una ng hapon sa Double Barrel, Brgy. Sarmiento, Parang Maguindanao del Norte.
Sa inisyal na impormasyon mayroon umanong iniwasan ang driver ng sasakyan dahilan ng pagkataob nito.
Wala namang naiulat na nasawi sa naturang aksidente.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima na dinala na sa pagamutan ng mga concern citizen.
๐ฅ Dimaraw Dali Simnor
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐: Patay ang isang graduating student habang dalawa pa ang sugaยญtan sa magkahiwalay na aksidente ng motorsiklo sa Barangay Poblacion 1, Parang Maguindanao Del Norte, pasado 9:00 nitong gabi ng miyerkules, April 12.
Kinilala ang biktima sa pangalang Steven Claude M. Celestino, lalaki, 21 year old, binata, at residente ng Sitio Cuba Brgy. Gumagadong Calawag, Parang Maguindanao Del Norte.
Sinasabing sakay ng kanyang single na motorsiklo Yamaha Sniper 135 sa hindi inaasahan ng makasalpukan nito ang kasalubong na isang Honda CGX motorcycle.
Naisugod pa ang biktima sa ospital pero binawian na ng buhay habang ang angkas nito at dalawa pa ang patuloy na nilalapatan ng lunas sa isang pagamutan.
Sa ulat parehong tumilapon ang dalawang rider at walang suot na helmet.
( JOHAIRA B. GOMONSANG) ๐
๐๐๐๐๐๐๐๐| Sapul sa CCTV ang malaaksyon na pamamaril sa mag-asawang Uban.
Batay sa kuha ng CCTV footage minamaneho ni Kagawad Uban ang kanyang kotse kasama ang asawa nito ng lapitan sila ng isang lalaki at dito tinutukan ng baril saka pinaputok at sinundan naman ng isa pang lalaki saka kumaripas ng takbo matapos isagawa ang krimen patungo sa direksyon ng Talisay, Parang, Maguindanao Del Norte.
Nakasuot ng sumbrero at nakatakip ng facemask ang mga gunman dahilan ng hindi agad mamumukhaan.
Patay on the spot si Kagawad Loy habang 50/50 na isinugod sa ospital ang misis nito dahil sa tinamong sugat.
Nangyari ang insidente nitong 11:14 ng tanghali.
Courtesy: Brgy. Hall Pob II.
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐| Patay ang isang Brgy. Kagawad ng Barangay Polloc, at sugatan naman ang kaniyang asawa matapos silang pagbabarilin ngayong tanghali araw ng linggo sa kahabaan ng Poblacion Dos, Parang, Maguindanao Del Norte.
Sa ulat kinilala ang nasawing biktima bunsod ng tama ng bala sa ulo na si 1st Brgy. Kagawad Abdul Malik "Loy" Uban.
At sugatan naman ang asawa nitong kinilala sa pangalang Salma Uban na syang dinala na sa pagamutan dahil sa kritikal na kondisyon.
Sakay ang mag-asawang Uban ng kanilang Toyota Vios-DAF 8936.
Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa posibleng mga salarin at kung ano ang motibo ng mga salarin para paslangin ang mga biktima.
๐ฅ Sedric U. Tungkay
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐| Naghain ng resolusyon si Senator Raffy Tulfo sa senado ng "Anti-Taray Bill" na kung saan layon nitong maparusahan ang mga bastos na empleyado ng gobyerno na nagtataray at nagsusungit sa isang ordinaryong tao na lumalapit sa kanilang tanggapan o opisina.
Sa Senate Resolution No. 554 o ang Anti-Taray Bill maaaring matanggal sa serbisyo at perpetual disqualification mula sa pag-upo sa pampublikong opisina ang masungit, mataray at isnaberong empleyado/da ng gobyerno.
Ayon sa Senador, ito ay dahil sa madalas na reklamo mula sa taumbayan lalo na mula sa mga mahihirap na mamamayan na sila ay tinarayan, pinahiya, binastos, sinigawan at hindi tinulungan sa isang tanggapan ng gobyerno na pumupunta lamang umano sa kanilang tanggapan para makipagtransaksyon.
Diin pa ng senador na hindi dapat sungitan ng mga empleyado sa gobyerno ang mamamayan dahil sila ang nagpapasuweldo sa kanila dahil sa kanilang binabayarang buwis.
Samantala, marami naman sa netizens ang tila 100 percent ang ibibigay na suporta sa nasabing batas.
Image from google.